C3

2.7K 115 19
                                    

C3...

Isang linggo na simula noong nakipaghiwalay ako kay Glaiza at isang linggo na rin na hindi ako lumalabas ng kuwarto. Labis akong nasasaktan dahil hindi ko inakalang kaya palang maglihim ni Glaiza sa akin. Binigay ko sa kanya lahat ng tiwala ko pero siya may tinatago pa pala siya sa akin.

Aaminin ko, ako din naman may tinatago sa kanya eh, pero hindi naman siya nagtatanong. Magkaiba kasi ang sitwasyon namin. Siya binigyan ko siya ng pagkakataong sabihin sa akin lahat lahat pero hindi siya nagtapat.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko lalo na't hindi rin gumawa si Glaiza ng paraan para suyuin ako. Siya na nga ang may kasalanan siya pa ang may ganang tiisin ako.

Araw araw tinititigan ko ang cellphone ko nagbakasakali akong tatawag siya pero dumaan na ang isang linggo walang Glaiza ang nagparamdam sa akin. Ganun nalang ba kadaling kalimutan ni Glaiza ang tungkol sa amin?. Napailing ako dahil hindi ko pa talaga lubos na kilala si Glaiza. Siguro nabigla lang siya kaya niya ako niligawan or mas malala ay naawa siya dahil sa may mental illness ako.

Mas lalo akong nadepress nang isipin kong kaya lang pala ako niligawan ni Glaiza ay dahil naawa siya. Kaya pala hindi niya ako sinusuyo kasi hindi niya naman talaga ako mahal. Nagdilim ang paningin ko. Lahat ng ala ala ng nakaraan ay biglang nagbalik sa isipan ko.

Kung paano kinitil ni lolo ang sarili niyang buhay dahil sa pag ibig sa mismong harapan ko at si Uno. Kung paano ko natagpuang wala ng buhay ang kambal ko na hawak hawak ang diary niya. Sumasakit lalo ang ulo ko. Kailangan kong uminun ng gamot dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Habang hinahanap ko ang gamot ko ay unti unting nagdilim ang paningin ko. Nasusuka ako at para akong inikot ikot. May nahawakan akong bote ng gamot kinuha ko ito at agad kong ininum. Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi pa rin nagiging okay ang pakiramdam ko kaya kumuha ako ulit ng isa pang gamot hanggang sa ang isa ay nadagdagan pa ng isa at nadagdagan pa ng isa pa. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Pagdilat ko ay unang nasilayan ko ang puting kisame at may naririnig akong ingay ng machine. Inikot ko ang aking paningin at dumako ito sa taong nakaupo sa gilid ng kama ko, si Glaiza. Hindi ko muna siya ginising dahil hindi ko alam kong nasaan ako at kung bakit nandito siya.

Pinilit kong isipin ang mga nangyayari. Una malabo pa hanggang sa naging malinaw na lahat sa akin. Huli kong natandaan ay uminun ako ng gamot ko. Pagkatapos nun ay bigla nalang akong nawalan ng malay.

Tiningnan ko ulit si Glaiza. Kita ko sa mga mata niya na kulang siya sa tulog at napapansin kong pumayat siya ng konti. May kirot akong naramdaman para sa kanya. Sana pala pinakinggan ko muna ang paliwanag niya bago ako nagbitiw ng salita.

Ilang sandali pa ay nagising na siya at nagtama ang paningin namin. Unang beses namin itong pagkikita simula noong naghiwalay kami.

"Lab, salamat sa Dios at gising kana." Sabi niya na labis ang pag alala.

"Anong nangyari? Bakit nandito ako sa hospital?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo natandaan ang ginawa mo?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Nag over dose ka sa sleeping pills." Sagot niya.

"Sleeping pills?" Tanong ko.

"Oo lab, mabuti nalang at dumating si Bianca dahil kong hindi, baka nasa panganib na ngayon ang buhay mo." Sabi niya.

Ang natandaan ko lang yung gamot ko ang iniinum ko pero mukhang nagkamali yata ako ng kuha ng bote.

"Sorry." Yun lang ang nasambit ko.

"Lab, huwag na huwag mo ng gawin ulit yun ha?" Paki usap niya sa akin.

Napa iyak ako dahil ramdam ko ngayon kung gaano nag alala si Glaiza sa akin. Ramdam ko na mahal na mahal niya ako.

"Tatawagin ko muna ang doctor lab." Sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Huwag muna, gusto kong mag usap tayo." Sabi ko sa kanya. Kaya naman umupo siya ulit at pinagmasdan niya ako.

"I'm so sorry if I lied to you." Sabi niya.

"Hindi ko lang kasi talaga alam kong paano ko sasabihin sayo ang tungkol kay Trixie, pero ngayon paglabas mo dito may aaminin ako sayo." Sabi niya.

"It's okay Glai, sobrang babaw naman kasi ng dahilan kung bakit kita hiniwalayan eh. Akala ko kasi kaya kong hindi ka makita at makasama pero nagkamali pala ako. Hindi ko pala kaya." Sagot ko.

Pinisil niya ang palad ko.

"So, okay na ba tayo? Tayo na ba ulit?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot dahil ayokong magmadali.

"Sorry kung masyado akong nagmadali, hayaan mo handa akong maghintay kung kelan mo ulit ako matanggap." Sabi niya.

"Salamat, ayoko kasing madaliin lahat eh. Gusto ko kapag binigyan kita ng isa pang pagkakataon ay magiging worth it ito. Sapat ng malaman mo na mahal pa rin kita Glai." Sabi ko.

Ngumiti siya, at ramdam kong hindi yun ang ngiti na masaya siya kundi ngiti iyon ng kabiguan niya. Sa totoo lang gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na oo tayo na ulit pero may pumipigil sa akin.

"Lab, about Trixie pala. Kinausap ko na siya at nalaman kong si Solen ang may pakana ng lahat." Sabi niya.

Pagkarinig ko sa pangalan ni Solen ay agad na kumukulo ang dugo ko. Siya nanaman pala ang dahilan kung bakit kami nagkasira ni Glaiza ngayon. Dati siya rin ang dahilan ng pagkasira ni Uno at David na siyang dahilan ng pagkitil ni Uno sa sarili niyang buhay.

"Hindi ba tayo titigilan ng babaeng yan?" Inis kong sabi.

"Nakiusap na ako sa kanya na tigilan niya na tayo." Sagot niya.

"Sa tingin mo ba, kaya mo siyang pakiusapan Glai? Hindi siya tao kundi demonyo siya.!" Sagot ko.

"Alam kong galit ka sa kanya lab, pero hayaan mong ako ang gagawa ng paraan para tigilan na niya tayo." Sabi niya.

"Hayaan kitang ikaw ang gumawa ng paraan? Para ano? Para umalis ka nanaman at sumama sa kanya?" Inis kong sagot.

"Hinding hindi na mangyayari yan lab." Sabi niya.

"Hindi mo ako masisisi kung bakit ganun ang iisipin ko Glai, nagawa mo na yan dati eh at walang duda magagawa mo ulit yan ngayon." Sagot ko.

"Magtiwala ka lang sa akin lab, yon lang ang hihilingin ko sayo." Sabi niya.

"Bakit noon hindi ba ako nagtiwala sayo? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginagawa mo?" Sumbat ko sa kanya.

Hindi na umimik si Glaiza. Ayoko sanang pagsalitaan siya ng masasakit na salita ngayon pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Mahal ko siya, kaya ayaw ko ng may kahati sa kanya. Kaya kong kinakailangang mawala si Solen sa landas naming dalawa ay gagawin ko masigurado ko lang na hindi na siya makapanggulo sa amin. Ayoko sanang ilabas ang tunay na pagkatao ko pero sa pagkakataong ito hindi ko na kayang hayaan pa ang babaeng ito. Sobra na ang pinsalang dinulot niya sa pamilya ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now