C

4.8K 169 5
                                    

CcC....

Nagbibihis ako nang pumasok si Ky sa room ko.

"Bihis na bihis yata ang pogi kong kapatid." Pang aasar niya.

"Ky, tutugtog ako ngayon." Maikli kong sagot.

"Oh sige, basta mag ingat ka Glai alam mo naman na mahal kita eh kahit na puro sakit ng ulo lang dulot mo sa akin." Sabi niya habang nakangiti.

"Sorry naman, pero pangako Ky magbabago na ako." Sagot ko sa kanya.

"Gawin mo nalang huwag ka ng mangako." Sabi niya.

"So alis muna ako ha?" Paalam ko sa kanya.

Tumango lang siya at inihatid niya ako sa may pintuan.

Pagdating ko sa bar na tinutugtogan ko ay agad kong nakita si Kathleen, nilapitan ko siya.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

"Hey, buti naman at naisipan mo ng magpakita ngayon." Sagot niya habang nagmimix siya ng drinks.

"Medyo busy lang kasi ako Kath." Sabi ko.

"Ah, akala ko iniiwasan mo mga girlfriends mo." Pagdidiin niya sa salitang girlfriends.

Tumawa lang ako.

"Alam mo Glai, kung diko lang alam na play girl ka siguro nahulog na loob ko sayo, kasi mabait ka naman eh, yun nga lang heartbreaker ka at ayokong mawasak ang puso ko kaya lagi ko talagang pinapa alala sa sarili ko na huwag akong mahulog sayo." Paliwanag niya.

"Aray ko naman! Parang ang sama ko namang tao Kathleen para iwasan mo." Sagot ko.

"Hindi kita iniiwasan Glai, ang iniiwasan ko yang mga flirty looks mo, kabisado na kita kaya dimo na ako madadala sa mga ganyan mo." Nakangiti niyang sabi.

Si Kathleen ay katrabaho ko dito sa bar isa siyang cashier pero kapag madami ang tao ay tumutulong siya sa bar tender.

"Oh, dika nakapagsalita diyan. Huwag mong dibdibin yung mga sinasabi ko sayo ui." Sabi niya.

"Hmmm, excuse me Gin Martini please." Sabi ng isang babae na pamilyar ang boses.

Nilingon ko ito at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na kaharap ko na siya ngayon.

"Ma'am how do you like your Martini, wet or dry?" Tanong ni Kath.

"Make it wet." Sagot niya.

"Stirred or shaken? Tanong ulit ni Kath.

"Shaken." Sagot niya habang nakatingin siya sa cellphone niya.

"On the rocks or straight up?" Tanong ni Kath.

"On the rocks." Sagot din niya habang nagtatype siya sa cp niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti si Rhian nga ang nasa tabi ko ngayon. Hindi pa rin nagbago ang ganda niya or mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Excuse me? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya sa akin.

"So..sorry, akala ko kasi kakilala kita eh." Sagot ko.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
Hanggang sa magsalita si Kathleen.

"Heres your martini Ma'am", sabi niya.

"Thank you." Sagot ni Rhian.

Kakausapin ko pa sana siya ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Glai, salamat naman at nakita kita ngayon." Sabi ng babae na nakayakap sa akin.

Hinarap ko ito.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now