W

3.1K 135 13
                                    

WwW...

Nandito ako ngayon sa unit ko, mag isa habang nakatanaw sa kisame. Ilang gabi na nga ba akong umuuwing lasing buhat ng bumalik kami ni Solen dito. Tatlo o apat? Hindi ko na matandaan. Bakit nga ba ako naglalasing?dahil ba nalaman kong may asawa na si Pat? O dahil nalaman kong may lalaking kasakasama si Rhian.

Ang gulo ng utak ko ngayon, kaya naman bumangon ako at kumuha ng smirnoff sa ref. Gusto kong magpakalasing ulit. Nasa balcony ako habang binuksan ko ng napakalakas ang aking stereo. Ilang araw na ding hindi umuwi si Solen nasa probinsya daw siya nang tawagan ko siya kahapon.

Naka ilang bote na ako at medyo lumalabo na ang paningin ko. Nang may bumato sa akin ng heels. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang heels at nakita kong galing iyon sa balcony ni Rhian.

"An..o bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Habang pinipilit kong hindi umakto na lasing.

"Baka naman hinaan mo yang music mo. Nakakadisturbo ka sa pagpapahinga ko.!" Galit niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya.

"Ang cute mo palang magalit." Panunukso ko.

"Glaiza hindi ako nakipagbiruan sayo. Pwedi ba hinaan mo yang stereo mo, wala ka sa bar baka nakalimutan mo." Sabi niya.

"Okay fine.!" Sabi ko.

Tumayo ako para patayin ko ang musika nang bigla akong natumba at unti unting dumidilim ang paningin ko sa paligid. Tatayo sana ako pero sobrang nahihilo ako, kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng mapansin kong may malamig na bagay na dumadampi sa aking katawan. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko pero agad ko itong pinikit. Isang napakagandang panaginip, ayaw ko munang magising,sabi ko sa sarili.

Sa lahat ng napanaginipan ko tungkol kay Rhian itong panaginip na ito ang pinakagusto ko. Si Rhian nasa harapan ko habang pinupusan niya ako. Gusto ko siyang kausapin kahit sa panaginip man lang.

"Rhi," sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.

"Glai? Ok ka na ba?" Tanong niya.

"Rhi, huwag mo akong iwan, hindi ko kaya." Sabi ko.

Pero hindi siya sumagot kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Alam mo bang, hinintay kita noong gabing iyon. Pero inumaga nalang ako hindi ka dumating. Labis akong nasaktan alam mo ba yon?" Sabi ko.

"Glai, patawad." Sagot niya.

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad kong hindi mo ako mahal eh. Hindi naman kasi pweding pilitin ang pagmamahal, isa pa hindi ka naniniwala sa salitang yan." Sabi ko.

"Mahal naman kita Glai." Sagot niya.

Napangiti ako, kahit sa panaginip man lang narinig kong mahal ako ni Rhian. Kaya hindi ako sumagot sa halip ang ngumiti lang ako. Gustong gusto kong sulitin ang panaginip na ito.  Ayaw ko ng magising, hanggang sa hindi ko napansin na nakatulog ulit ako.

Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko ngayon. Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo ng maaga. Pagpasok ko ay nakita ko ang sarili ko sa salamin at napansin kong iba na ang suot kong damit.

Inalala ko kong sino o kailan ako nagpalit pero wala talaga akong maalala. At naalala ko bigla ang panaginip ko. Napangiti ako pero agad din itong nawala. Panaginip lang pala lahat, akala ko totoo na. Sabi ko sa sarili.

Ilang minuto din ako nagkulong sa banyo bago ako lumabas. Pagkabihis ko ay dumeretso ako sa kitchen nang mapansin kong may nakahanda ng pagkain sa mesa.

"Sos?" Tawag ko. Kailan pa nakabalik si Solen dito. Tanong ko sa sarili ko.

Nakailang tawag ako ng pangalan niya pero walang Solen na sumagot. Pagtingin ko sa may balcony ay may naaninag akong isang babaeng nakatayo.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Hindi nga ako nagkamali. Si Rhian ito. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya napansin na nakatingin ako sa kanya. Saka lang nagbalik sa akin lahat ng nangyayari kahapon.

Nagpass out pala ako kahapon dahil sa sobrang kalasingan. At yong nangyari kagabi, hindi yon isang panaginip kundi totoong nagka usap kami ni Rhian. Sa sobrang saya ko ay lumapit ako sa kinaroroonan niya at niyakap ko siya ng napakahigpit. Amoy na amoy ko ang bango ng perfume niya. Humarap siya sa akin.

"Walang hiya ka, tinakot mo ako kahapon." Sumbat niya habang hinampas niya ako sa balikat.

"Sorry, diko kasi napansin na naubos ko na pala ang dalawang bote eh." Sagot ko.

Nagtitigan kami hanggang sa unti unti niyang nilapit sa akin ang kanyang mukha at sino ba naman ako para tanggihan ang napakagandang nilalang na nasa harapan ko ngayon. Kaya hinalikan ko siya sa labi. Sa bawat pagtagpo ng mga labi namin ay para bang nagsasabi ito ng naramdaman namin sa isa't isa.

Dahan dahan at punong puno ng emosyon. Hindi napigilan ni Rhian ang hindi umiyak kaya naman huminto ako sa paghalik at pinahiran ko ang mga luha niya.

"Tahan na, ayokong nakikita kang umiiyak." Sabi ko.

"Ang akala ko hindi na tayo magkitang muli Glai." Sagot niya habang nakahikbi.

"Nandito na ako, kaya tahan na." Sabi ko.

"I love you Glai." Sabi niya.

Tinititigan ko siya sa kanya mga mata habang nakangiti ako.

"I love you too Rhi. I love you so much." Sagot ko.

Niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Ipaglalaban kita kay Solen at sa pamilya ko Glai." Sabi niya.

"Salamat Rhi." Sagot ko.

Sobrang saya ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kong ano ang nagawa kong mabuti at ginantihan ako ng ganitong kasiyahan. Kung dati puro laro laro lang ang nasa isip ko para kay Rhian. Iba na ngayon, gusto kong siya ang makakasama ko habang buhay. Mahal na mahal ko si Rhian at napatunayan ko yan ngayon dahil kung dati parang may kulang sa buhay ko pero ngayon bigla nalang akong naging buo.

Si Rhian pala ang kulangsa buhay ko noon, kaya pala kahit anong gawin ni Solen ay hindi ko maramdaman sa kanya na kompleto ang pagkatao ko,hindi katulad ngayon sa simpleng I love you lang ni Rhian ay ramdam kong wala na akong hahanapin pa basta kasama ko lang siya. Siya ang nagpapakompleto sa akin at sa kanya ko lang din naramdaman na kontento na ako sa buhay ko ngayon.

Iba talaga kapag tunay na mahal mo ang makakasama mo lahat ng bagay sa paligid mo ay nagkaroon bigla ng kulay.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now