G7

2.9K 117 20
                                    

G7...

Nandito ako ngayon sa Eglise Sainte- Croix kung saan gaganapin ang kasal ni Bianca. Busy si Rhian dahil siya ang made of honor ng bff niya kaya naman mag isa lang muna ako sa mga oras na ito.

Habang nagmamasid ako sa mga taong nakapalibot sa akin ay hindi ko maiwasang mag isip na sa simbahan din kami hahantong ni Rhirhi. Na ihahatid ko din siya sa altar at magpapalitan kami ng mga vows namin. Napangiti ako ng isipin ko yon. Balang araw pakakasalan kita Rhi, sabi ko sa sarili ko.

Hudyat na para simulan ang seremonya kaya naman pinutol ko muna ang pag daydream ko. Ang saya sayang pagmasdan ng soon to be husband ni Bianca, nakakahawa ang mga ngiti niya kaya naman hindi ko rin maiwasang hindi tumingin sa direksyon ng tinitingnan niya.

Mas lalo akong napangiti ng makita ko si Rhian na naglalakad sa aisle na para bang siya ang bride. Habang ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Litaw na litaw ang ganda niya ngayon kaya naman parang mahuhulog ang puso ko ng huminto siya sandali sa tapat ko at ngumiti siya na ubod ng tamis.

Ganito pala ang pakiramdam ng taong in love. Yung tumitigil lahat ng nasa paligid mo kapag nagtama bigla ang mga paningin niyo. Yung tipong para kang lumilitaw sa hangin dahil lang sa simpleng ngiti niya at yung tipong parang may mga paruparo na nagliliparan sa loob ng sikmura mo. Hindi mo alam kong masusuka ka ba o hindi basta ang alam mo lang ay masaya ka at walang mapagsidlan ang kasayahang iyon. Yan ang naramdaman ko sa mga sandaling nagtama ang paningin namin ni Rhian. Nasabi ko sa sarili ko na siya na nga ang taong nakalaan para sa akin dahil nakikita ko sa kanya ang sarili ko.

Tapos na ang seremonyas pero wala akong natandaan sa mga sinasabi ng pari dahil busy ang utak ko kakaisip kay Rhian. Nagsialisan na ang mga tao sa simbahan at nagtungo sa reception nang bigla nalang may humalik sa akin mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko Rhian.

"Lab, nanggugulat ka naman eh." Sabi ko sa kanya.

"Kanina ko pa kasi napapansin na pangiti ngiti ka lab eh." Sagot niya.

"Iniisip ko kasi lab na tayo yung ikinasal." Nahihiya kong pag amin sa kanya.

Ngumiti siya at niyakap niya ako.

"Ang sarap naman pakinggan lab na iniisip mo pala na pakasalan ako." Sagot niya.

Niyakap ko lang siya at hinalikan ko sa labi.

"Tara na nga baka kailangan ka na ni Bianca." Sabi ko.

Nasa reception na kami ngayon. Habang nakatutok ang lahat sa newlyweds,busy naman si Rhian sa pagpapacute sa akin kaya naman walang mapaglagyan ang kilig ko ngayon. Totoo pala ang kasabihang love is sweeter in second time around dahil yon mismo ang naramdaman ko. Yung tipong ayaw mo nang matapos ang araw na to dahil baka bukas hindi na kagaya nito ang mangyayari.

Pero kagaya ng bawat storya kailangan talagang matapos ang araw na ito ang mga pangyayari ngayon ay isa ng ala ala sa darating na panahon. Ala alang kay sarap balik balikan dahil alam mong tunay na kaligayahan ang iyong naramdaman.

Kinabukasan ay bumisita si Rhian sa bahay na tinutuluyan ko. Nagkataon namang umalis si Kylie at ang asawa niya.

"Lab, kailan ka pala uuwi sa Pinas?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam lab." Sagot niya.

"Ikaw? Wala ka na bang balak umuwi?" Tanong niya sa akin.

"Meron syempre pero after na siguro ng wedding ni Solen." Sagot ko.

"Solen again." Sabi niya.

Ramdam ko ang sarcasm niya kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Lab, huwag ka ng magselos kay Solen. May rsson kasi kaya hindi ko siya matanggihan." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin na para bang sinasabi niya na sabihin ko sa kanya ang dahilan kaya naman humugot ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Please listen to me. Sana after mong malaman ang dahilan kung bakit diko siya matanggihan ay mawala na ang galit mo sa kanya." Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Ganito kasi yan lab. Bago pa binawian ng buhay ang nanay ko ay sakto namang naghahanap ng eye donor si Solen. Iisang hospital lang kasi sila noon. Kaya ayon yang mga mata ni Solen ngayon ay mga mata yan ni nanay. Kaya ganun ako sa kanya." Paliwanag ko.

"You mean bulag si Sos dati?" Tanong niya.

"Hindi siya bulag since birth. Isang araw lang noon bigla nalang siyang nagising na wala na siyang makita kundi kadiliman. Akala nila dati nagkaroon lang siya ng temporary vision loss pero habang tumatagal hindi na siya nakakita kaya naman nagpatingin sila sa doctor at sabi eh tuluyan na daw siyang nabulag." Sabi ko.

Medyo malungkot ang mukha ni Rhian habang nakikinih siya sa akin.

"Hindi ko pala siya dapat pagselosan lab." Sabi niya.

"Hindi talaga dapat lab, lalo na ngayon na mag aasawa na siya. Oo aaminin ko dati minahal ko talaga siya pero simula noong makilala kita narealized ko na hindi ko pala talaga siya minahal as girlfriend eh. Minahal ko pala siya kasi nasa kanya ang kaisa isang ala ala na naiwan ni nanay sa akin." Sagot ko.

Ngumiti si Rhian sa akin at hinalikan niya ako sa labi.

"Sige na, hindi na ako magseselos sa kanya. Ikaw naman kasi eh, dapat noon mo pa sinabi sa akin to." Sabi niya.

"Hindi pa kasi ako handa lab. Pero ngayon handang handa na ako. At may aaminin ako sayo lab." Sagot ko.

Kumonut ang kanyang noo.

"Ano naman yon lab?" Tanong niya.

"Dati kasi noong hindi pa tayo pinagtagpo isa akong dakilang playgirl." Nahihiya kong sabi.

Hindi siya sumagot sa halip ay nakatitig lang siya sa akin.

"Diba sabi ko sayo wala na tayong lihiman ngayon. Kaya sasabihin ko na sayo ang sekreto ko. Papalit palit ako ng girlfriend noon lab." Dagdag ko.

"Hindi mo na kailangang sabihin sa akin yan lab." Sagot niya.

Nalito ako.

"Bakit lab? Ayaw mo bang maging honest ako sayo?" Tanong ko.

"Gusto kong maging honest ka syempre. Pero hindi mo na kasi kailangang sabihin yan eh kasi noong umalis ka, pinakiusapan ko si Daddy na mag background check sayo kaya naman nalaman kong isa ka ngang certified playgirl." Sagot niya.

Napangiti ako. Hindi ko man lang naisip na kaya nga palang gawin ni Rhian yon dahil sa sobrang yaman nila.

"So hindi ka na turn off sa akin nang malaman mong isa akong walang kwenta?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"Hindi eh. Kaya nga sinundan kita dito dahil sabi ko noon sa sarili ko na kapag nakatagpo ako ng taong katulad ko. Hinding hindi ko siya pakakawalan at yon nga natagpuan kita." Sabi niya.

Dahan dahang nagsink in sa isipan ko ang mga sinasabi ni Rhian. Isang taong katulad niya. Ibig sabihin.

"Ibig mong sabihin.." hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Oo, kung anu ka, ganun din ako. Kung hindi ako ang nakatagpo sayo, ikaw ang nakatagpo sa akin. Pareho tayong playgirl lab." Pagdidiin niya sa salitang playgirl.

"Noon yun lab." Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa mga nalalaman ko o hindi. Pinagtagpo kami ng tadhana para siguro matigil na ang kahibangan namin. Aaminin ko medyo takot ako ngayon lalo na at nakompirma kong hindi lang pala ako ang marunong maglaro. Takot ako na baka si Rhian ang karma ko. Pero iniisip ko din walang patutunguhan kung mananaig ang takot ko.

Kung darating man ang panahon na sasaktan ako ni Rhian siguro matatanggap ko yon dahil may kasabihan na kung ano ang yong ginawa sayong kapwa ay ganun din ang gagawin sayo.

Sa ngayon sulitin ko nalang ang mga oras na mahal pa ako ni Rhian. Sulitin ko nalang ang mga panahong masaya ako sa piling niya, dahil yon lang ang tangi kong magagawa sa ngayon.


Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now