D

4.5K 158 30
                                    

DdD...

"Bianca!" Tawag ko kay Bianca habang pinagmasdan ko ang account ni Glaiza sa IG.

"Ano ba Rhian kung makasigaw ka naman di naman ako bingi B." Reklamo ni B.

"B, tignan mo kung sino yung nastalk ko." Pagmamalaki ko sa kanya.

"Kelan kapa naging stalker?" Tanong niya.

"Just now?" Sagot ko.

"Patingin nga sino ba yan." Sabi niya habang sumilip sa laptop ko.

"Diba yan yong vocalist dun sa bar na pinuntahan natin kagabi?" Dagdag niya.

"Oo B and guess what, single siya." Sabi ko.

"Ano naman ngayon kung single siya B?" Tanong niya sa akin.

"Alam mo na B, gustong gusto kong makita kung paano siya masaktan." Sagot ko.

"Rhian, itigil mo na yang mga pinaggagawa mo, mapa babae o lalaki lagi mo nalang pinaglaruan eh." Reklamo ni Bianca.

"B, ito lang ang paraan para maiganti ko ang kambal ko." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo na mabubuhay si Uno kahit ilang puso pa ang wasakin mo. Tanggapin nalang natin na wala na siya."  Sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita. Si Uno ang kakambal ko, kabaliktaran kaming dalawa kong ako ay palaban at astig si Uno naman ay mahinhin at fragile. Pero kahit na magkaiba kami ay mahal na mahal namin ang isa't isa hanggang sa isang araw natagpuan ko nalang siyang wala ng buhay sa loob ng kuarto niya. Nagpakamatay siya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa isang taong pinaglaruan lang siya. Kaya simula noon hindi na ako naniniwala sa salitang pag ibig para sa akin nakakamatay ang salitang iyan. Kaya sa labis na galit at pangungulila ko kay Uno ay sinabayan ko ang laro ng tadhana. Sa bawat taong nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal ay sinusuklian ko ito ng pananakit at pangwawasak ng mga puso nila. Dahil para sa akin hindi totoo ang pag ibig dahil kong totoo ito bakit ito pa mismo ang dahilan kong bakit nawala si Uno.

"B..tahimik ka diyan." Puna sa akin ni Bianca.

"Naalala ko lang si Uno B." Sagot ko sa kanya.

"Naintindihan kita B. Ang sa akin lang hindi matutuwa si Uno sa mga pinag gagawa mo." Sabi niya.

"Hayaan mo muna ako now B. Habang hindi ko pa nakikita ang taong magpapatino sa akin hindi ako titigil sa paglalaro." Sagot ko.

"Sino namang magseseryoso sayo kapag nalaman nilang isa kang certified heartbreaker. Natural walang magseseryoso sayo B." Paliwanag ni Bianca.

"Alam ko naman yan B. Bahala na basta for now ito munang Glaiza ang next target ko." Sabi ko habang nakangiti.

"Bahala ka na nga, matanda kana B. Basta ba handa ka sa lahat ng consequences na darating sayo." Sagot niya.

"Lagi akong handa B." Sagot ko.

Hindi na nagsalita si Bianca at umupo nalang siya sa tabi ko habang binabasa ko ang bio ni Glaiza.

Wala naman akong masyadong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Masyado siyang pribado. Pero walang makakaligtas sa kamay ni Rhian. Sabi ko sa sarili ko.

Kinagabihan ay pumunta ulit ako sa bar. This time ako nalang mag isa kasi may lakad si Bianca at sa gabing ito ko sisimulan ang pagbihag ko kay Glaiza.

"Hi, Gin Martini please." Sabi ko sa bar tender.

"As usual po ba Ma'am?" Tanong ng bar tender.

"Yes." Sagot ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now