Y

2.7K 118 10
                                    

YyY...

Dumalaw kami sa puntod ng lolo ni Rhian ngayon gaya ng sinasabi niya kahapon na ipapakilala niya ako sa kanyang lolo.

"Lab, ipapakilala ko sayo si lolo John." Sabi niya.

Ngumiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Hi po lolo, ako po pala si Glaiza, girlfriend po ako ng apo niyo." Sabi ko.

"Yes po lo, alam niyo po lolo, mahal na mahal ko po siya, sana lolo matanggap mo po kami." Sabi ni Rhian.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Lolo, huwag po kayong mag alala dahil hindi ko po sasaktan ang apo niyo. Mahal na mahal ko din po siya." Sabi ko.

Matapos naming magsindi ng kandila at mag alay ng dasal ay umalis na kami. Nagpaalam sa akin si Rhian na may aasikasuhin daw muna siyang importanteng bagay at nagpaalam din ako sa kanya na may pupuntahan akong isang kaibigan.

Inihatid niya ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Klea at sabi niya ay magkita nalang daw kami mamaya sa condo ko.

Bago ako bumaba sa kotse niya ay hinalikan ko muna siya sa labi.

"Mahal na mahal kita lab." Sabi ko.

"Mahal na mahal din kita lab." Sagot niya.

Pagkaalis niya ay pumasok ako sa coffee shop at pagpasok ko doon ay nakita ko agad si Klea. Nakangiti siya nang magtagpo ang paningin namin.

Naglakad ako papalapit sa kanya at nang marating ko ang kinauupuan niya ay umupo din ako kaharap niya.

"Hi!" Bati niya sa akin habang nakangiti.

"Hello!" Bati ko sa kanya habang hinalikan ko siya sa pisngi.

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Klea. Ang amo ng mukha niya, kung gaano kaganda ang pagmumukha niya ganun din ang pag uugali niya. Mabait si Klea, malambing at maalalahanin pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Ano pala ang pag uusapan natin?" Panimula niya.

"Hmm, alam mo namang mahalaga ka sa akin diba?" Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Glai, pwedi deretsuhin mo nga ako." Sabi niya.

Napakapormal ng tawag sa akin ni Klea ngayon, tila alam na niya ang pakay ko sa kanya.

"Klea, I'm so sorry." Sabi ko.

"Sorry saan?" Tanong niya.

"Sorry kung hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin." Sabi ko.

Ngumiti siya ng mapait at hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam ko naman na hindi mo ako kayang mahalin bilang ako eh, pero masaya ako dahil nadama kong minahal mo ako bilang Klea na kaibigan mo. Sapat na yon para sa akin Glai." Sagot niya.

Nasasaktan ako para sa kanya, pero kailangan ko na talagang ihinto kung ano man ang meron kami.

"Klea, salamat ha, kasi ikaw ang kaisa isang tao na umintindi sa akin." Sabi ko.

"Ano ka ba, mahal kita Glai kaya iniintindi kita noon paman talaga alam kong hanggang kaibigan lang ang pagmamahal na kaya mong ibigay para sa akin kaya noon paman inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling dumating ang araw na to." Sabi niya.

"Klea, sana walang magbabago sa pagkakaibigan natin." Sabi ko.

"Wala namang dapat ipagbago Glai, basta ba hindi siya magseselos sa akin." Nakangiti niyang sabi.

Tumawa ako, kasi alam kong selosa si Rhian, at alam ko din na ayaw niyang may kahati sa atensyon ko.

"Selosa siya Klea." Nakangiti kong sabi.

"Mahal ka nun kaya ganyan siya. Kaya ikaw, huwag na huwag mo na siyang pakawalan." Sagot niya sa akin.

"Alam ko yun, at ikaw sana makita mo na ang taong magmamahal sayo ng totoo, yung tao na hindi kagaya kong gago." Sabi ko.

Tiningnan niya ako sa mata.

"Hindi ka naman gago Glai, may dahilan kaya ka nagkaganyan kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo kung ano ka noon, ang mahalaga ay handa kang magbago ngayon." Sagot niya.

Napatawa ako. Alam talaga ni Klea kung paano papagaanin ang damdamin ko kaya nga dati siya lang ang hinding hindi ko mabitaw bitawan. Pero ngayon kailangan ko na siyang palayain mula sa pagkakahawak ko, kailangan din niyang sumaya.

Natapos ng maayos ang pag uusap namin ni Klea, at nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso ako sa condo ko para doon ko nalang hintayin si Rhian.

Nakasakay na ako ng taxi ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Rhian ang tumawag.

"Hello lab." Sagot ko.

"Lab, hindi ka pa ba uuwi?" Paglalambing niyang tanong.

"Pauwi na ako lab." Sagot ko.

"Sige hintayin kita dito sa condo." Sabi niya at pinutol na niya ang tawag.

Ilang minuto pa ay dumating na ako sa condo at agad akong pumasok sa elevator at pagkarating ko sa unit ko ay nakita ko si Rhian na nakaupo sa living room. Kunot ang kanyang noo at para bang may kinikimkim siyang galit.

"Hi lab, I'm home." Sabi ko.

Nilingon niya ako pero hindi siya ngumiti.

"Lab, may problema ba tayo?" Tanong ko.

Pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Blanko ang kanyang mukha.

"Sino yung babaeng kausap mo kanina?" Tanong niya.

Alam kong si Klea ang tinutukoy niya.

"Ah, yun ba, si Klea yun." Sagot ko.

"Kaano ano mo ba yun?" Tanong niya ulit.

"Ah, kai..kaibigan ko." Sagot ko.

"Kaibigan lang ba talaga?" Tanong niya ulit.

Wala ng dahilan para maglihim ako sa kanya, siguro ito na ang panahon para malaman niya ang pagkatao ko.

"Lab, kaibigan ko lang talaga yun." Sagot ko.

"May tinatago ka ba sa akin?" Inis niyang tanong.

"Look, sana pakinggan mo muna ako bago ka magalit sa akin okay." Sabi ko.

"Okay, sabihin mo lahat sa akin ngayon habang may oras pa akong makinig sayo." Sagot niya.

"Si Klea, kaibigan ko yun. Matagal na kaming magkaibigan, siya yung sandalan ko noong mga panahong hinang hina ako. At higit sa lahat siya yung nakakaintindi sa akin." Paliwanag ko sa kanya.

"Kaibigan lang ba talaga? Hindi mo ba siya f***cking buddy?" Namumula niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ganito pala magalit si Rhian.

"Lab, calm down, kung may nangyari man sa amin noon, wala lang yun, isa pa hindi pa tayo nagkakilala noon eh. Kaya huwag ka nang magalit." Sagot ko habang niyakap ko siya.

Ramdam kong umiiyak si Rhian kaya mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita lab, handa kong baguhin lahat para sayo." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, sa halip ay humagulhol lang siya ng iyak.

"Tama na lab please." Paki usap ko sa kanya.

Hindi ko kayang makita siyang nadudurog, gusto kong murahin ang sarili ko dahil alam ko kaya siya nasasaktan dahil sa akin. Mahal na mahal ko siya, siya ang mundo ko ngayon kaya gagawin ko lahat para lang maging masaya siya sa piling ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon