H8

2.9K 126 9
                                    

H8...

After ng wedding ni Solen ay nagdecide kami ni Glaiza na sabay na kaming bumalik sa Pilipinas. Nasa isang mall kami ngayon para mamili ng pasalubong. Nang mapansin ko si Glaiza na nakatingin sa isang Gibson brand guitar. Nakikita ko sa mga mata niya ang kinang ng makita niya ito at ramdam kong gusto niya itong bilhin pero mukhang disappointed siya after niya nakausap ang sales lady.

Naglibot siya sa kabilang side ng store. Nilapitan ko ang sales lady at tinanong ko siya tungkol sa guitar na yon at nalaman kong ito pala ang  GIBSON LES PAUL STANDARD HP 2018 LH na nagkakahalagang 2 641,00€ or aabot sa halagang 160k in peso kaya naman pala nadismaya si Glaiza.

Nakita ko siya na may kausap sa phone niya kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at binili ko ang guitarang iyon. Alam kong may pera si Glaiza at alam ko din na hindi siya gagastos ng ganun kalaking halaga para lang sa isang guitara, kaya bilang girlfriend niya ito ang iregalo ko sa kanya sa darating na pasko.

Nag iwan ako ng instruction kung kailan nila pweding ipadala sa Pinas ang guitarang iyon. Sakto namang tapos na kaming mag usap ng sales lady ay lumapit sa amin si Glaiza.

"Lab, hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya.

"Patapos na lab, may kailangan lang akong pirmahan." Sabi ko.

Hindi na siya nagtanong. Pagkatapos namin sa store na yon ay niyaya ko siyang kumain muna kami or magkape muna kami para naman makapagpahinga kami saglit.

Dito kami ngayon sa Books and Coffee isa sa sikat na coffee shop dito sa Bordeaux. Medyo napansin kong tahimik si Glaiza kaya naman gumawa ako ng paraan para kausapin siya habang hinihintay namin ang aming kape.

"Lab, bakit dimo simulan ang career mo as solo artist, may potential ka naman sa pagkanta maganda ang boses mo." Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Plano ko din yan lab, naghahanap lang ako ng tamang tao na pwedi kong malapitan." Sagot niya.

"May kakilala ako na nagtatrabaho sa isang tv network gusto mo ipakilala kita sa kanya?" Tanong ko.

"No, I mean huwag na lab, gusto ko kasi kapag nagkaroon ako ng career eh yung sarili kong pagsisikap lab. Ayaw ko na may tumutulong sa akin." Sagot niya.

Medyo naoffend ako sa sinasabi niya sa akin ngayon. Alam ko mapride si Glaiza sana pala inisip ko muna ang sasabihin ko sa kanya baka kasi ito na naman ang simulan ng away namin.

"Sorry lab, gusto ko lang namang makatulong." Sabi ko.

"It's okay, alam ko naman na yon ang purpose mo eh. Sa akin lang kasi lab ayaw kong tintulungan ako kasi mas lalong bababa ang tingin ko sa sarili ko eh. Sana maintindihan mo yon." Sagot niya.

"Naiintindihan ko yon lab, basta lagi mong tatandaan nandito lang ako lagi para sayo ha? Kung kailangan mo ako huwag kang magdalawang isip na lumapit sa akin." Sabi ko.

Tumango lang siya. Kung minsan naawa ako kay Glaiza kasi ramdam kong minamaliit niya ang sarili niya kapag magkasama kami. Sa akin naman kasi hindi naman ako proud kung ano man ang meron ako ngayon kasi hindi naman akin yon eh. Sa mga magulang ko yon. Kaya naman nakapag isip ako, para naman hindi mahalata ni Glaiza na tinutulungan ko siya ay yayayain ko siyang magtayo kami ng negosyo kung saan pwedi niyang magamit ang talento niya.

"Lab, okay lang ba sayo kung magiging magpartner tayo sa negosyo?" Tanong ko.

Nagulat siya at tumingin siya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin lab?" Tanong din niya.

"Magtayo tayo ng business, like bar tapos kakanta ka ako naman magmamanage. Ayaw ko kasing laging umaasa sa pera ng mga magulang ko eh." Paliwanag ko sa kanya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ