Chapter 101 - The Fall

794 36 7
                                    

Lumutang si Adam papalapit sa tore. Nakatingala sa kanya ang lahat at natakpan niya ang malamlam at mapulang buwan na nagbibigay liwanag sa kinatatayuan ng manunugis.

Ipinitik ni Adam ang kanyang kamay at nagliyab ito ng puting apoy. Pinagsapi niya ang kanyang dalawang palad na nagpalakas sa apoy at pagkatapos ay tumubo ito paitaas at naging isang nagliliyab na espada. Hawak ang apoy na espada, itinaas ni Adam ang kanyang dalawang kamay. Handa na siyang lumaban muli.

Sa ibaba naman, sa ilalim ng anino ni Adam ay nagliwanag ang talim ng karit ng manunugis. Habang ang karit ay nasa kaliwang kamay, hinawakan ng manunugis ang kanyang kaliwang braso at pinisil ito. Isang pilas ng maputi na papel ang umigpas sa Marka sa kanyang balat at hinila niya ito paharap. Humaba ang papel at kusa itong umikot sa hawakan ng karit hanggang sa kalahati nito. Umilaw ang papel at lumabas ang ilang simbulo at letra tapos ay naputol na ito mula sa kanyang braso.

"ASTIIIIG! Ano yun?" sabi ni Karl.

Hinawakan ng manunugis ang kanyang karit na parang isang baseball bat. Para siyang isang hitter na nag-aabang ng bola at pagkatapos ay bigla niya itong inihampas. Sumabog ang hangin sa paligid ng manunugis at lumabas ang isang itim na alon ng spiritual na enerhiya. Mabilis itong lumipad papunta kay Adam.

"Dignum wave? Paano nangyari iyon?" sabi ni Elena. "Hindi mo nakita Prinsesa? Simple lang ito; mula ito sa dignum dust ng kanyang karit," sabi ni Linara. Napahawak si Elena sa kanyang mukha, "Ah! Yes!" sabi niya.

Itinaga naman ni Adam ang kanyang espada paharap at isang alon ng puti na apoy ang lumabas. Nagsalubong ang puti at itim enerhiya at
bumuo ito ng isang malaking ekis. Pagkatapos ay hinigop ng itim na alon ang puti. Tumuloy ang dignum wave papunta kay Adam subalit wala na si Adam sa kanyang pwesto nito at nagpatuloy ang dignum wave papunta sa kalawakan.

Sumulpot si Adam sa likod ng manunugis at nagpakawala ng sunod sunod na atake. Nagliliyab ang kanyang bawat pagtaga at naiiwan ang liyab ng apoy sa bilis ng mga ito.

Sunod sunod ang paatras na ilag ng Manunugis. Humakbang siya pakanan upang makaiwas sa taga ni Adam at sunod ay siya naman ang umatake. Isang mabilis na hiwa at bumagsak ang kaliwang braso ni Adam sa sahig. Bumalot sa braso ang papel na katulad ng sa karit. Umilaw ang mga letra at simbulo dito at lumabas ang itim na apoy at nasunog ang braso.

"THIS FIRE AGAIN!" sabi ni Adam.

Napanganga ang mga manunuod. "Haaaa? Walang natira. Kahit usok o abo walang lumabas. Walaaa!" sabi ni Karl. "This Black Fire, galing ito sa mga demons?" sabi ni Pia. "Oo," sagot ni Hinaryo, "Ang tanong ay papaano niya naitago sa papel na iyon ang Itim na apoy ng Impiyerno?" dagdag ni Hinaryo. Napatingin si Karl kay Pia, "Ahhh galing sa impiyerno? Sabi ko na nga ba totoo talaga ang impiyerno eh," bulong niya at pagkatapos ay tinignan muli ang naglalaban.

Biglang nagliyab ang buong katawan ni Adam at sumabog ang kanyang paligid. Tumalon paatras ang manunugis at pagtaas ng kanyang karit ay nasusunog na pala ang papel na nakaikot dito. Kumuha ulit siya ng papel sa kanyang braso at bumalot muli ito sa kanyang sandata.

Naglakad si Adam papalapit sa manunugis. Nagliliyab ang kanyang buong katawan at kumpleto na muli ang kanyang braso. Sa bawat hakbang niya ay nasusunog ang sahig at bumabakat ang talampakan ng kanyang boots. "IF NOT FOR YOU I WOULD HAVE LIBERATED THIS WORLD FROM THEM. THIS WORLD COULD HAVE BEEN SO MUCH BETTER," sabi ni Adam habang hawak ang kanyang espada. "Sa ilalim ng pamumuno mo?" sagot ng manunugis. "UNDER MY RULE!" Lumakas ang hakbang ni Adam at pagkatapos ay inihagis niya ang kanyang espada papunta sa manunugis.

Sumabog ang espada bago pa ito makalapit at natabunan ng apoy ang manunugis. Pagkatapos nito ay iniharap ni Adam ang kanyang dalawang palad sa manunugis at sa likod ay nabuo ang isang portal. "Be gone!" sabi ni Adam at biglang hinigop ng portal ang apoy, pagsabog at ang manunugis.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon