Chapter 30 - Aswang Army

2.7K 137 8
                                    


Lumapit si Pepe sa malaking monitor. Namumula ang mata ng kanyang kaibigan at kapansin pansin ang bahagyang paghaba ng ilong at bibig nito na parang katulad sa mukha ng isang aso. Suot nito ay isang pares ng Itim na combat boots, asul na pantalon na nakasaksak sa loob ng boots, puting damit na mayrong dalawang maliit na bulsa sa dibdib at isang asul na birete. Sa asul na birete ay nakatatak ang isang leon na may korona.

"Sigurado ka ba na aswang na siya? sabi ni Pepe habang nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang ulo. "Oo, at hindi lang siya," pumindot muli si Elena sa kanyang keyboard at lumabas ang iba pang litrato ng mga tao na tila parehas ang sinapit kay Karl. "Sila ang umaaligid sa mga kampo ni Calvin at James Wolfgramm sa buong Pilipinas. Hindi namin inakala na magagawa nila ito, ang Aswang Army."

"Aswang Army, tsk! Talagang gusto nilang sakupin ang buong mundo!" sabi ni Pepe.

Tumango lamang si Elena sa binata at inikot muli ang kanyang upuan paharap sa kanyang keyboard. "Pero bakit iba-iba ang hitsura nila? Ito," tinuro ni Pepe ang isang lalaki na parang nagkaroon ng tuka kagaya ng sa manok o ibon, "Bakit iba ang hitsura niya?"

"Meron akong teorya," sagot ni Elena, "Ang hitsura nila ngayon ay representasyon ng hayop na pinaka malapit sa kanila." Kumunot ang kilay ni Pepe, "Ha?" lumayo siya sa monitor at umupo malapit sa malaking lamesa sa gitna.

Umikot muli ang upuan ni Elena paharap kay Pepe, "Ganito, ang mga aswang ay may kakayanang magpalit ng anyo sa kahit anong hayop hindi ba?" paliwanag niya, "At matindi din ang kanilang likas na hilig sa pagiging hayop. Pero hindi sila nagsisimula na marunong na agad magpalit anyo o magshapeshift sa kahit anong hayop na gusto nila. Nagsisimula sila sa hayop na pinakakilala nila."

"Ahh, tama! Mahilig sa mga aso sina Karl kaya nagmukha siyang aso. Paano kaya nila nagawa ito? At may lunas ba? tanong ni Pepe.

"Malakas ang kutob ko na dahil ito sa dugo ni Adam. Wag ka ding umasa na may lunas pero yan ang aalamin namin ngayong gabi. Pupuntahan namin ang isang kampo ni Calvin sa Mindanao," sagot ni Elena at pagkatapos magsalita ay tumayo na ito.

Umalis si Pepe sa kinauupuan at tumayo din, "Ngayon? Sasama ako!" sabi niya. Si Elena naman ay nagsimulang maglakad na walang imik. "Elena!" tawag ni Pepe na nakatayo pa din sa kanyang pwesto. Tumigil si Elena sa paglalakad, "Hindi ka pa pwede. Kulang ka pa sa kaalaman at pagsasanay," malamig na sabi nito.

"Kaya ko na ang sarili ko!" sabi ni Pepe. "HINDI!" sabi ni Elena sabay labas ng Command Room at sumunod naman agad si Pepe. "Kailangan ko iligtas ang kaibigan ko, pagbigyan mo na ako," pagmamakaawa ni Pepe. "Wag kang makulit," sabi ni Elena. Naglakad ang dalawa ng tahimik sa hallway at lumabas sa main Training Hall.

"Handa ka na?" tanong ni Lola Armina kay Elena. "Opo," sagot ni Elena at naglakad ito papalapit sa lagusan. Naglakad naman si Pepe papalapit sa matanda at dito naman sana magpapaalam. "Ano yang suot mo?" Tinuro ng matanda ang beltbag na suot ni Pepe.

"Ah! Oo nga pala, hindi nyo po nakita na binigay ito saakin nung diwata matapos namin siya maligtas nung kaklase ko?" sagot ni Pepe habang abalang abala si lola sa pagtingin sa bag.

Humarap si Elena kay Pepe at nagsalita, "Sabi ko lang naman ay pwede namin tignan kung anong ginagawa mo pero hindi naman ibig sabihin noon ay lagi kaming nakaantabay sa iyo," sagot ni Elena na nakatayo pa din sa tabi ng lagusan sa likod ng matanda.

"Ah. Okay," sagot ni Pepe, "Antaray naman nito, meron ka ba?" isip niya.

Inabot ni Lola ang beltbag kay Pepe, "Kailangan mong pangalanan ito para magamit mo," sabi niya. "Ah! Pangalan? Ngayon na po?" tanong ni Pepe. "Oo, bilisan mo dahil aalis na kami," sagot ni Lola na nakatayo sa harap ni Pepe.

"Mag-iisip lang po ako," sagot ni Pepe.

Pinikit niya ang kanyang mga mata habang hawak ang beltbag, "Ano ba yan? On the spot nanaman. Hindi pa naman ako magaling magisip ng pangalan," isip ni Pepe. "Belt, belt belt, tsk! Wala akong maisip. Sino ba ang mayroong astig na belt? Iron Man? Superman? Batman?" Parang may ilaw na kumislap sa utak ni Pepe, "Ahh Batman! Alam ko na! Utility belt! Yun un diba?" isip niya.

"Antagal!" sabi ni Elena. "Wait lang po, Sorry na," sagot ni Pepe. "Tsk! bakit ba minamadali ako?" isip niya, "Masyadong mahaba ang Utility Belt. Pagtatawanan nanaman ako ng dalawang ito. Teka, Ubelt na lang!"

"Ubelt po!" sabi ni Pepe at pagtakapos ay minulat niya ang kanyang mga mata.

"Akin na ang kamay mo," sabi ni Lola na sobrang seryoso. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Pepe.

"Ipatong mo yang beltbag sa dalawang kamay mo," utos ni lola na agad namang sinunod ni Pepe. Pagkapatong ni Pepe ng kanyang beltbag ay nagsimulang bumulong si Lola ng isang katutubong salita na hindi maintindihan ni Pepe, "Sige sabihin mo na ang pangalan ng beltbag mo."

"Ubelt!" sabi ni Pepe.

"Okay na," sabi ni Lola matapos bitawan si Pepe, "Kung mayroon kang gustong ilagay sa loob niyan ay ilalapit mo lang ang bagay na ilalagay mo at tatawagin mo ang beltbag at pagkatapos ay sasabihin mo naman ang pangalan ng ilalagay mo habang tinitignan ito. Aalis na kami! Okay?"

Tumalikod na si Lola at lumapit din sa lagusan na katabi ni Pia.

"Goodbye," sabi ng matanda at pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa lagusan. Matapos ang ilang segundo ay nawala na ang lagusan at naging normal na tela na lamang ang nakasabit sa pader.

"Aaaaaahhhh!" sigaw ni Pepe, "hindi ako pwedeng tumambay lang dito ngayong alam kong pwede ko ng tulungan si Karl!" Bumalik si Pepe sa Command room at tinignan muli ang picture. Nakita niya ang nakasulat sa isang building sa background, "Wolf Laboratories Corporation, Teka, saan ba ito?"

Umupo si Pepe sa upuan ni Elena at hinanap ang icon ng Giggle Inc. Tinype niya ang pangalan ng kumpanya sa Search area at pinindot ang Enter. Sunod sunod ang impormasyon na naglabasan, "Ah! Sa Quezon City lang!"

Nilista ni Pepe ang mga mga impormasyon tungkol sa kumpanya sa isang papel at binulsa ito. Subalit paglagay niya sa bulsa ay naalala niya ang kanyang beltbag. "hmm, testing ko na nga ito," sabi niya. Hinawakan niya ang papel at inilapit ito sa beltbag, "Ubelt!" sabi ni Pepe at pagkatapos ay tinignan niya ang papel at nagsalita, "Papel!"

Isang itim na hangin lumabas mula sa bag. Binalot nito ang papel at hinigop ito ng bag, "Wow!" sabi ni Pepe. Tinignan niya ang bag subalit wala pa rin itong zipper, "Ha? Paano ko kukuhanin iyon?"

"Hoy! Ubelt yung papel ko!" sabi ni Pepe at pagkasabi nito ay lumabas muli ang itim na hangin mula sa bag at sa harap ni Pepe ay lumabas ang papel at naglaglag sa sahig. "Ohhhh! Astig din pala yung regalo sakin!" sabi niya. Lumabas na siya sa Command Room at pumasok sa lagusan papunta sa bahay nila.

Nagpalit siya ng damit at nagsuot ng itim na pantalon at itim na tshirt subalit puti lang ang rubber shoes niya. Napansin din niya ang pulang tela na nakasabit sa pader at kinuha ito at inilagay sa kanyang Ubelt, "Pwede ko sigurong gamitin ito," sabi niya.

Binuksan niya ang bintana, "Karl, sa pangalawang pagkakataon ay hahanapin kita! At sisiguruhin kong kasama na kita pag-uwi." sabi ni Pepe. Tumalon siya mula sa 2nd floor ng kanilang bahay at naglaho sa dilim.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon