Chapter 100 - Ang Dakilang Manunugis

787 39 7
                                    


Dumiin ang mga mga daliri ni Calvin sa kanyang ulo. Kumayod ito at halos bumaon ang kanyang mga daliri. "Get out! Get out! Get out!" sigaw niya habang nakapikit. Tumawa ng malakas si James, "You're going crazy!" sabi niya at pagkatapos ay biglang sumulpot sa harap ng kanyang ama. "Just die already," bulong niya. Sumuntok si Calvin gamit ang kanyang kaliwang kamay subalit humakbang pakanan si James at lumipat sa gilid. Ganoon kadali niya inilagan ang suntok, "You're weak Father," bulong niya sabay saksak ng kanyang punyal sa braso ng kanyang ama. Sumuntok muli si Calvin subalit sinalubong ngayon ni James ng saksak ang kamao nito. Tumalsik ang kanyang dugo sa mukha ng anak. "Weak!" sabi ulit ni James. Lumipat siya sa likod ng kanyang ama at sinaksak ito ng dalawang beses sa likod. "Weak! Weak! Weak!" Patuloy na umikot si James sa kanyang ama at dinagdagan pa ang mga sugat nito.

Tinignan ni John sa kanyang monitor ang nangyayari, "Pagkakataon ko na to. Nakatututok sila lahat sa laban ng mag-ama."

Tumawa nanaman ng malakas si James. "It's getting boring now. I guess it's time that I end this feud of ours," sinipa ni James ang ama sa kaliwang tuhod nito. Tumagilid si Calvin subalit hindi ito natumba. "What?" sabi ni James. Sinipa ulit niya ang tuhod, "Kneel!" sigaw niya subalit nakatayo pa din ang kanyang ama. Sinipa ni James ng sunod sunod ang tuhod ng ama, "I want you to kneel!"

Nagkaroon muli ng maliliit na kidlat sa paligid ni Calvin. Biglang kumilos ang kanyang kamay at sinalo ang paa ni James. "Kings do not KNEEL!" sabi niya. Humigpit ang hawak niya kay James subalit sinaksak siya ng kanyang anak sa leeg dahilan upang bumitaw siya. Humakbang paatras si James. Nakangiti pa din ang prinsipe at tumayo naman ang kanyang ama.

Kitang kita ang mabilis na paghilom ng mga sugat ng hari, "There is something that you lack. You will never be a king SON." sabi Calvin. "NOOOOO!" sagot ni James sabay sugod sa ama. Umilaw ang kamay ni Calvin at sinalag niya ang mga atake ni James. At matapos ang sampung saksak ay sinalo ni Calvin ang kamay ni James at mula sa kamay niya ay gumapang ang ilaw. Mabilis na bumalot ang puti na ilaw sa katawan ni James, "I-I can't move!" sabi ng prinsipe. Kumapal ang liwanag hanggang sa maging bilohaba ang hugis nito at lumutang si James isang talampakan mula sa sahig.

Nakatitig sa sitwasyon ang mga aswang na kakampi ni James. Lalo na ang matandang aswang. Tumalas ang kanyang pagtingin sa sitwasyon, siya ang pinakamatanda sa grupo. Kulubot ang kanyang balat. Mahaba ang kanyang balbas at buhok at payat ang kanyang pangangatawan. "Go!" sabi ng aswang na ito at sumugod ang tatlo na nakapwesto sa likod.

Isang lalaki at dalawang babaeng aswang ang sumugod. Nakita ito Calvin at inihampas niya ang kanyang kamay sa hangin na nagpadala ng isang alon ng kidlat. Nagtabi ang tatlong aswang at itinapat nila ang kanilang palad sa paparating na kidlat. Nagkaroon ng parihaba na liwanag sa harap nila at sumabog ang atake ni Calvin.

"NOW!" sabi ni Linara. Inatake niya ang matandang aswang at kasabay nito ay sinugod din ng dalawang diwata ang dalawa pang aswang.

"Now!" sabi din ni John. Biglang bumulusok pababa ang kanyang drone at biglang tumigil sa ibabaw ng kapsula ni Elena. "MS. ELENA! MS. ELENA! MS. ELENA!" sigaw ni John mula sa kanyang drone.

"WAAG!" sabi ni Linara habang dinidiin ang kanyang espada sa tungkod ng matanda na sumalag sa kanyang atake. Biglang umatras ang matanda at binagsak ang kanyang paa sa lupa, "Rock Wall!" sabi niya. Lumagpak ang isang aswang sa saksak ng sibat ng isang diwata subalit ang isa naman ay umatras din at ginaya ang ginawa ng matanda.

Isang pader na bato ang tumubo mula sa sahig at tumalukbom kina Linara. "hmmm, should have done that earlier," sabi ng matandang aswang. Agad nilapitan ng isang aswang ang kasama niyang bumagsak at pinagaling ang sugat nito.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon