Chapter 97 - Its Over

701 38 15
                                    

Kuminang ang dignum na singsing sa mga mata ni Calvin. Nakasuot ito sa talim ng sibat at labis ang pagtataka niya dahil ngayon lamang ito napansin ng kanyang makapangyarihang mata.

Bumulusok ang sibat ni Pepe na parang isang baril na ipinutok. Tuluyan nang hinarap ni Calvin si Pepe, "YOU WORTHLESS FOOL!" sabi niya sabay sinalubong ng kanyang dalawang kamay ang sibat at hinawakan ito malapit sa talim.

"I UNDERESTIMATED YOU!" NEXT TIME I WILL NOT!" bulong ni Calvin sa mukha ni Pepe. "There won't be a next time!" sagot ni Pepe habang tinutulak niya ang sibat papalapit sa puso ng kalaban.

Dalawang matalas, maputi at makinang na sandata ang tumagos sa dibdib ni Calvin, ang Sodom at Gomorrah mula sa likod. Hindi natinag si Calvin at bagkus ay lalong nanggigil kay Pepe. Isang sibat naman ngayon ang tumusok sa kanyang ulo, ang sibat ni Elena. Sunod ay sumaksak ang espada ni Hinaryo sa leeg niya. Bumuka ang bibig ni Calvin at sumabog palabas ang kanyang dugo.

"Haarrrhhhh!"

Lumabas ang kayang pangil at huminga siya ng malalim. Umubo pa siya ng dugo at nawabasan ang buhay sa kanyang mata. Humihina na din ang pagpigil niya sa sibat ni Pepe. Bumagsak si Karl sa tabi ni Calvin, "You're dead!" sabi niya sabay saksak sa tagiliran. Lalong humina ang pagkontra ni Calvin kay Pepe at parang malapit na siyang bumagsak.

"Ahhhhhhhhh!" Sumigaw muli si Pepe upang maipon ang kanyang lakas at itinulak niya muling and kanyang sibat. Tumusok ito sa dibdib ng kalaban at bumaon sa puso. Sumabog muli ang dugo ni Calvin sa kanyang bibig at sunod ay sa mga saksak na kanyang natamo sa laban.

Hinila ni Pepe ang kanyang sibat subalit wala na siyang lakas para gawin ito. Nagulat na lamang siya ng biglang nabunot ang sibat, "Anjan ka pala" sabi niya ng mapansin ang kamay ni Pia na nakahawak sa kanyang matikas na sibat.

Tuluyan nang bumigay ang tuhod ni Pepe. Sinalo siya ni Pia at inihiga siya sa kanyang hita. "You're okay. You're okay, sabi ni Pia. "But yung spirit mo is depleted na meaning, walang nang shortcut to heal you now. Kailangan mo na magrest. And as usual, ako nanaman ang magpapagaling sayo," dagdag ni Pia at kasunod noon ay isang maikli na ngiti ang lumabas sa kanang pisngi ng binata.

Hinila ni Karl ang pagkakasaksak niya kay Calvin at bigla siyang bumagsak sa lupa, "Araaaaaaay. Ang sakit ng katawan ko!" sabi niya. "Karl, si Hinaryo na ang magttreat sa wounds mo," sabi ni Pia. "Oo. I'll heal your right now," sagot ni Hinaryo matapos itago ang kanyang sandata. "Ano ba yan," sagot at ni Karl sabay tawa ng dalawang mangkukulam.

Magkasabay na binunot ni Elena at Linara ang kanilang mga sandata mula sa katawan ni Calvin. Pinuntahan ni Elena si Pepe subalit naiwan si Linara at pinanuod ang pagbagsak ng katawan ni Calvin sa lupa. Tinignan niya ang mata nito na wala ng buhay at sinaksak muli ang ulo at dibdib.

Bumangon na si John sa lupa at lumapit na kay Pepe, "Ang galing mo!" sabi niya. "Yes, Good job! You made our plan work!" dagdag ni Elena subalit parang hindi na sila naririnig ni Pepe. Tulog na ito.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" sigaw ni Linara. Napalingon agad sina Elena dahil sa tono ng boses ng diwata. "Demonyo," sabi ni Karl nang makita ang pamilyar na nilalang na kaharap ngayon ni Linara. "Luci Laux," sabi ni Elena sabay lapit kay Linara. "Guard the body!" utos niya.

"Namiss mo ba ako? PRIN-SE-SA," sabi ni Luci habang kumikinang ang mga nakakahipnotismo niyang mata. Ilan pang demonyo ang unti-unting lumabas sa paligid nila. "1, 2, 3, 4, sampu. Sampu sila!" sabi ni Karl. "Libro!" sabi ni Pia sabay pilas ng isang pahina sa kanyang libro. Isang maliit na kama na kumpleto ng apparatus na panggamot ang inilabas niya at inihiga niya si Pepe doon, "Lets him protect at all cost!" sabi niya. "Oo naman Pia. We can handle demons," sagot ni Hinaryo.

"Anong balak mo?" sabi ni Elena. Itinuro ni Linara ng kanyang isang daliri ang kamay ni Elena at tumubo dito ang isang sibat na sectus. Matapos ito ay inilabas naman niya and kanyang dalawang magiting na espada.

"Ang tanga tanga kasi ng kasabwat namin. Kaya bibigyan ko pa siya ng pagkakataon," sagot ni Luci. Nagsimulang humakbang ang mga demonyo papalapit. Kulay itim na may halong pula ang kanilang balat at pagkatapos ay itim at minipis na armor. Makakapehas ang material ang kanilang armor subalit hindi ang disenyo. At ang pinakahalata sa kanila ay ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga mata. Ang iba ay maladilaw at bahagyang mapula. Ang iba naman ay maliwanag na berde o asul. Natatangi lamang ang kay Luci Laux na purong liwanag na gaya ng sa isang diwata.

Dahan dahan lumiit ang espasyo sa pagitan ni Elena at mga kasama niya na parang bang iniipon sila ng mga demonyo. Si Pepe naman ay wala pa ding malay na nakahiga sa kama. "Ano? Aatake ba tayo?" sabi ni Karl. "Let them come, my brother." sabi ni Hinaryo. "He is right," sagot ni Elena, "We can't give them an opening Karl. "Ehh! Nilalaro lang nila tayo! Ano ba yan!" sagot ng binata.

Patuloy na humakbang papalapit ang mga demonyo. At makalipas ang ilang segundo ay biglang sumulpot si Luci sa gitna ni Elena at Linara. Isinaksak ng dalawa ang kanilang hawak ng mga sandata kay Luci subalit inilagan lamang ito ng demonyo sabay dampot sa katawan ni Calvin. Si Karl naman ang umatake ng isang suntok subalit sa pagsugod niya ay napatingin siya sa mata ni Luci at biglang natigilan.

Ilang salita ang bumulong sa tenga ni Karl subalit wala siyang naintindihan dito. "KARL!" sigaw ni Pia habang gumagawa ng apoy na pader sa kanilang paligid. Natauhan si Karl at itinuloy ang atake subalit nawala na si Luci. Sabay na tumalon si Elena at Linara, "Kayo na ang bahala kay Pepe!" sabi ni Elena habang hinahabol paitaas si Luci na naunang tumalon sa kanila.

Dumating si Luci sa itaas ng haligi na liwanag kung nasaan ang espiritu ni Adam. Nahati ang liwanag at bumukas ito na parang pinto. "Noo," sabi ni Elena. Napatingin siya kay Linara, "We need to stop him bago nya buhayin si Calvin! Bigyan mo pa ako ng isang weapon, isang espada na sectus!" utos niya habang lumalapit sa pinaroroonan ni Luci.

Pagkabukas ng pinto ay agad hinigop ng katawan ni Calvin ang espiritu ni Adam na nakakulong. Kumidlat sa paligid ng katawan ni Calvin at sumunod dito ang ilang nakakabingi na kulog.

Limang demonyo ang humarang at nagpahino kina Elena at Linara. "They're yours!" agad na sabi ni Elena subalit dalawa lamang ang huminto kay Linara at hinabol siya ng tatlo. "Huli ka na Prinsesa," sabi ni Luci na sumulpot sa harap ni Elena, "Mukhang iiyak ang Danawa!" sabi niya sabay labas ng isang malademonyong ngiti.

Lumutang ang katawan ni Calvin at tumayo ito. Kumilos ang kanang kamay niya at dumukot sa kanyang puso. Pagkatapos nuon ay bumukas ang kanyang mga mata. Inilabas niya ang singsing mula sa kanyang puso at itinapat ito sa kanyang mukha. "I know now for sure that this is the real ring," sabi niya. Binalot ni Calvin sa kanyang kanang palad ang singsing at dinurog ito.

Sinugod ni Linara ang dalawang demonyo sa kanyang harap at lumampas dito patungo kay Elena. Agad niyang itong hinablot sa kamay at hinila papalayo, "Tara na!" sabi niya.

"What? Anong ginagawa mo? It's not over yet!" sabi ni Elena.

"ITS OVER! HINDI NA NATIN SYA MATATALO NGAYON! I NEED TO KEEP YOU SAFE!" sabi ni Linara.

"No!" sabi ni Elena.

"Kailangan ka ng Danawa! Hindi ka pwedeng mamatay dito!" sabi ni Linara.

"I'm not----", Hindi natapos ni Elena ang kanyang sasabihin dahil pinatulog na siya ni Linara. "Ready the transport!" sigaw niya.

**********************************************************************************************************************************************************************************************

Enjoy!

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon