Chapter 61 - Surrounded

1.6K 86 1
                                    

Sinakop ng hamog ang buong paligid. Umabot ito kay Elena at naging sagabal sa kanyang panonood. "Teka. Alam ko ito," sabi niya habang taimtim na inoobsebahan si Pepe.

Nakita niyang naglakad si Pepe diretso sa malaking oso. Seryoso ang mukha ng binata subalit wala itong bakas ng galit. Parang itong payapang pampang na handang saluhin ang kahit anong malakas na bagyo.

Isang malakas na sigaw and lumabas sa bibig ng oso, kumilos ito paharap kay Pepe at tumalon pasugod. Nilabas nito ang malalaki at matatalas nitong kuko at sunod sunod na umatake. Sunod sunod din naman ang pag-ilag ni Pepe.

"Malinis at swabe ang mga galaw niya. Parang isang batis na tahimik," sabi ni Elena. Pansin niya ang kalma at matinding tiwala sa sarili na pinapakita ngayon ni Pepe. Subalit hindi lang si Elena ang nakapansin dito, pati ang oso na tila napapagod na kakawasiwas ng kanyang mga braso. Dahil sa inis ay kumuha ito ng malaking kahoy at hinagis kay Pepe. Tumalon si Pepe ng mataas para maka-ilag subalit kasama pala ito sa plano ng kanyang kalaban. Ngumiti ang oso at pinanuod nito si Pepe.

"Delikado!" sabi ni Elena.

Humanda ang oso at hinintay matapos ang pagbulusok ni Pepe pataas. Nang magsimula na ito bumaba ay biglang tumalon ang oso para sumalubong. Sumigaw ito at hinanda ang malalaki niyang kuko.

Agad na napatalon si Elena pasugod kay Pepe. Sumulpot siya sa likod ng binata at mabilis na hinawakan ito sa leeg, "Huh?" sabi ni Elena nang lumampas ang kanyang kamay sa katawan ni Pepe.

Kasabay nito ay ang pag-hampas ng oso kay Pepe na tumagos lamang na para bang aparisyon ang kaharap nito. Nanlalaki ang mga mata ni Elena habang nakasalag sa atake ng oso. Unti-unti ay natangay ng hangin ang imahe ni Pepe at natunaw ito.

"Nasaan ka na?" sabi ni Elena at pagtingin niya sa baba ay nandoon na si Pepe at nakatayo. Diretso ang tingin nito na para bang wala sa sarili. Dahan dahan bumaba si Elena sa lupa samantalang ang oso ay nagmamadali. Pagbagsak nito sa nyebe ay agad na tumakbo pasugod kay Pepe. Subalit katulad ng naunang pag-atake ay lumampas lamang ito sa nakatayong aparisyon. Natigilan ang oso subalit hindi ito natinag. Simigaw ito at tumingala, bumuwelo at tumakbo ulit pasugod.

Biglang tumingin si Pepe sa kanyang kalaban at kumilos ang kanang kamay nito. Lalong ginanahan ang oso sa nakita at binilisan pa ang pagsugod. Sinalubong ni Pepe ng suntok ang rumaragasang oso. Malakas na pagsabog ang sumunod. Tumalsik ang mga nyebe kasabay ang isang malaking bagay.

"Isa itong Manipestasyon, Elemental na Manipestasyon," sabi ni Elena. Isang maliit na helicopter ang lumipad papalapit, "Ang Elemental Manifestation ang isang pangyayari kung saan ang natural na elemental na kakayahan ng tao ay nagigising," sabi ng boses mula sa helicopter drone.

"Tama ka Pia. Magandang pangyayari ito," sabi ni Elena. "Ang galing talaga ni Pepe! Wohooo! Sige banatan mo pa si Karl!" sabi ni Pia.

"Grabe ka nama, magkaibigan kaya sila" sabi naman ni John.

"Alangan namang si Karl ang kampihan ko?" sabi ni Pia.

Bumaba ang nyebe at natira na lamang ang dalawang binata na nakatayo. "Hindi pa ako tapos!" sabi ni Karl na nanggagalaiti sa galit.

"Hmmm. Nawala na ang pagiging oso niya," sabi ni Pia sabay takip ng mata. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Pepe. "Anong nakakatawa?" sabi ni John sabay takbo pasugod.

"Hooooooy!" sigaw ni John mula sa drone. "Ayyyyyyyyy" sigaw ni Elena. Natigilan si Karl at napatingin sa baba, "Wala akong damit!" sabi niya.

"Ang liit tol!" sabi ni Pepe habang tumatawa. Tumalikod si John at isang itim na coat and bumagsak sa tabi niya.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon