Chapter 20 - Ang Lalaking Nakabarong

2.9K 134 2
                                    




Pagbalik ni Pepe at ni Pia ay pinapasok na ang mga estudyante sa loob ng isang kwarto sa 1st floor upang masimulan ang 2nd activity kung saan pinagawa sila ng liham para sa taong sumulat sa kanila.

"Pepe, Kung hindi ka pa tapos ay okay lang na mamaya mo na ipasa yang reply letter mo. Kahit bago ka matulog. Kumaen kana muna," sabi ni Ms. Ann ang adviser ng block ni Pepe.

"Okay na po, tapos na!" sagot ni Pepe.

Sa totoo lang ay kanina pa tapos si Pepe. Nagpaiwan lang siya sa kwarto dahil tahimik duon at gusto sana niyang marinig ulit ang boses na narinig niya kanina pero hindi na ito muli nagsalita.

"Aba, mukhang mahaba ang naisulat mo ah!"

"Medyo lang po," sabi ni Pepe. Inabot niya ang sulat at lumabas na ng kwarto. Sa kaliwa niya ay ang dulo ng Main Hallway kung saan isang malaking pinto ang bahagyang nakabukas. Tinignan niya ng mabuti ang pinto at nakaramdam siya na kailangan niyang malaman kung ano ang meron duon.

Naglakad siya papalapit. Tahimik ang buong paligid dahil walang estudyante sa bandang iyon hindi tulad sa kabila kung saan rinig na rinig ang boses ng mga kumakain sa canteen.

Isinilip niya ang kanyang ulo sa pinto na bahagyang nakabukas. Isang Krus at imahe ni Jesus Christ ang nakadisplay sa pader sa tapat ng kinatatayuan niya. Walang tao sa kaliwa't kanan. "Chapel pala ito," sabi ni Pepe.

"Sa taas nito ang kwarto kung saan nakita ko ang nakabarong," tinignan ni Pepe ang kisame at wala naman siyang nakitang kakaiba. Napatingin ulit siya Krus subalit isang madreng nakaitim ang nakaluhod ngayon sa harap nito. Nagulat si Pepe, "San galing ito?" isip niya. Kumilos ang ulo nito at nagsimulang pumihit pakanan. Nanlaki ang mata ni Pepe at bahagyang natigilan dahil hindi niya alam ang gagawin.

"Pepe!"

Isang kamay ang tumapik sa balikat ni Pepe na ikinagulat at nagpalingon sa kanya. "Magdadasal ka bago kumaen?" tanong ni Ms. Ann.

"Ahh! Hindi po. Tapos na po!" sagot ni Pepe. "Sige po, Punta na po ako sa canteen" pamamalam niya.

"Ay Chapel pala ito," narinig niyang sabi ng kanilang adviser, "Walang tao?" dagdag nito.

Napalingon si Pepe sa narinig. Nakita niyang nakasuot ang ulo ng adviser sa loob ng pinto at inabangan niya ang mangyayari. Makalipas ang ilang segundo ay tumalikod na ito sa chapel at naglakad sa direksyon ni Pepe. Si Pepe naman ay dumiretso na sa canteen.

May mga dalawampung estudyante ang kumakaen ngayon sa canteen. Mahigit tatlumpu ang bilang ng Block nina Pepe kaya ang iba marahil ay nasa taas na at nagpapahinga. Kumuha si Pepe ng pagkain at umupo sa dulo ng isang lamesa sa tabi ni Mary Ann.

"Hey! Balita ko lumelevel up ang confidence level mo ah?" sabi ni Mary ann.

"Ano namang meron sa Chapel na yun?" isip ni Pepe na hindi narinig ang sinabi ng katabi.

"Hoy! Sabi ko tumaas na ang confidence level mo!" tapik ni Mary Ann.

"Ahhh! Oi! Di naman, nagkataon lang." sagot ni Pepe.   

Tumayo si Mario dala-dala ang kanyang plato na puno ng pagkain at lumipat sa tapat ni Pepe, "Ikaw ah, matindi ka. Si Pia pa pinopormahan mo. Anong nangyari dun sa labas? Kwento ka naman?"

"Oo nga!" sabi ni Michael.

"Nacurious lang ako sa hardin kaya ako lumapit." sabi ni Pepe.

"Wooohh? Yun lang?" sagot ni Mario.

"Sige na Pepe kwento mo na," singit ni John, "May narining kasi akong interesting eh."

"Ito pala may alam eh! Kwento!" Sabi ni Lucio.

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now