Chapter 71 - Hope

1.3K 71 1
                                    


Isang pwersa ang bumuhat kay Pepe at sa isang iglap ay hindi makapaniwala ang lahat. Sa ilalim ng makulimlim ng liwanag ng buwan mayroong isang nilalang na nagliliwanag na parang araw. Hindi maaninag ni Pepe ang taong bumuhat sa kanya at tanging ang mahabang ngiti lamang nito ang kanyang nakikita. Gayunpaman ay kilala na niya ito, amoy pa lang.

"Miss Elena!" sigaw ni Pia.

Tulala at hindi makapagsalita. Humagulgol ng iyak si Pepe kasabay ang isang timba ng luha. "Akala ko-akala ko talaga... wala ka na," sabi ng binata habang pinapahid ang sariling luha. Kakaibang tuwa at galak ang naramdaman niya. Hindi niya ito maipaliwanag subalit isa lamang ang nasa isip niya ngayon, pag-asa. May pag-asa na sila.

"Salamat Lamira!" sabi niya.

"IT'S NOT OVER YET!" sigaw ni Elena. Tumalon si Pepe papunta sa tabi ni Elena, "SIBAT!" sigaw niya sabay salo sa hangin ng kanyang sandata. Humakbang siya paharap, inipon ang kanyang pwersa at hinagis ito sa diresyon ni Calvin. Bumulusok ang kanyang sibat. Lumampas ito kay Marcus at Rufus subalit sinalo ni Liru, ang tinyente ni Riva.

Umusok ang sibat sa kamay ni Liru. Mabilis na bumagal ang ikot nito sa kamay ng kalaban at biglang nawala at bumalik sa kanang kamay ni Pepe. "You're really getting on my nerves!" sabi ni Liru.

Patuloy na naglakad si Calvin papunta sa entablado, walang pakialam sa nangyayari sa likod niya. Sinundan siya ni Riva at ng iba pang mga nakaluhod sa harap ng entablado. "I'll accompany God Calvin," sabi ni Riva. Tumango siya sa dalawang heneral at sa kanyang tinyente. "Time to rumble then," sabi ni Liru. Sumugod siya kay Pepe at inilabas ang kanyang itim na rapier.

Inilagan ni Pepe ang sunod sunod na tusok ni Liru sa kanyang ulo at nagsimula maglaban ang dalawa sa gilid ni Elena. Habang umiilag si Pepe ay kita niya ang silweta ni Marcus na pinapanood sila. Nag-aabang ito kung paano susugod habang pinapakiramdaman si Elena na minamasdan ang kanyang mga kilos.

"SURROUND THEM!" sigaw ni Rufus. Nagsipagtalunan ang mga sundalong aswang at pumalibot kay Pepe, Elena at Pia. "Tayong tatlo na lang? sabi ni Elena. "No," sabi ni Pia sabay talikod kay Elena upang harapin ang mga nasa likod nila. "Si Mang HInaryo, kaibigan ng Lolo ko; At si John at si Karl. Pero wala pa kaming balita ulit sa kanila. May interference sa comms natin," sabi ni Pia.

"Okay. E si Lola? Nakita nyo na?"

"I'm sorry. Hindi pa," sagot ng dalaga.

"Sorry din sa mga tanong. Ang huling naalala ko ay nung nasa base pa. After nun ay blurred na ang lahat. Anyways, we have a big problem in front of us," Tinuro ni Pia si Calvin na nasa itaas na ng entablado. Nakalutang ito, nakabukas ang palad at nakapikit na parang nagdadasal.

Pinagpatong ni Elena ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib. Bumuo ang dalawang braso niya ng isang ekis, "Rose at Dahlia," sabay niya sabay talon ng mataas. Agad na sumunod si Marcus kay Elena. Sinenyasan ni Rufus ang mga sundalo na manatili sa kanilang pwesto, "Annie, stay here and look after this girl for me," utos niya sa kanyang tinyente at pagkatapos ay tumalon din. Nagkatinginan si Pia at si Annie. Nanatiling nakatayo lamang si Annie samantalang si Pia naman ay nag-aabang sa tinyente at sa mga nakapalibot sa kanila.

Parang musika sa tenga ni Pepe ang pangalan na Rose at Dahlia. Pakiramdam niya ay lalo siyang lumakas at bumilis. Tumambling siya patalikod para hindi maabot ng rapier ni Liru at inikot niya kanyang ang paa sa lupa para mapatid si Liru na sumunod sa kanya. Tumalon si Liru upang umiwas at agad naman siyang inatake ni Pepe ng sibat habang nasa ere. Imbes na umilag ay tinapatan ni Liru ang sibat ni Pepe. Parehas natigilan ang dalawa. Si Pepe ay nakatingala. Hawak ang kanyang sibat na sinaksak paitaas at sa dulo naman ng kanyang sbat ay ang dulo ng rapier ni Liru. Nakangiti ang tinyente at nakatingin pababa. Binitawan ni Pepe ang kanyang sibat at sinipa si Liru na habang pababa ito. Madali naman nasalag ni Liru ng kanyang braso ang sipa ni Pepe subalit tumalsik ang tinyente papalapit kay Annie. Nakatayo ito ng bumagsak sa lupa.

"You're a bit tougher now, aren't we? Is it because your mommy came back from the dead?" sabi ni Liru. "No," sagot ni Pepe. "Ano ba yan. No lang ang nasagot ko. English kasi eh!" Isip ni Pepe.

"No? She's not your mommy? Your girlfriend then?" sabi ni Liru. .Napaatras si Pepe sa narinig. Sa gilid niya ay nakaramdam siya ng matinding init. Isang apoy na hugis cobra ang lumabas sa bibig ni Pia at lumipad papunta kay Liru. Umilag si Liru at Annie dito pati ang mga sundalo. "She's not his girlfriend," sabi ni Pia.

"Oohh, I see!" sagot ni Liru na may mukhang nangaasar. Sunod sunod pang binugahan ni Pia si Liru ng apoy. "Annie, don't just stand there!" sigaw ni Liru habang umiilag.

"You guys there, attack them!" sabi ng babaeng aswang. "Lazy as always, this is the reason why you will always be inferior," sabi ni Liru kay Annie. Sumugod kay Pepe at Pia ang dalawampung aswang, isang pulutong. Inilagaan ng mga ito ang mga apoy ni Pia at mabilis na nakalapit sa dalawa. Walang magawa ang dalawa kung hindi umilag.

Tumaas ang kilay ni Annie, "Are you kidding me? You think you're little heroics make you better? You're just full of yourself. You're a lieutenant, if you don't know how to use the chain of command then you are doomed to fail," sagot ni Annie habang nakapamaywang at relax na relax ang tayo.

"Jenny," sabi ni Elena at lumabas ang isang itim na sniper rifle sa kanyang kamay. Ipinatong niya ang malaking baril sa kanyang balikat at sinilip sa scope si Calvin. Pumutok ang baril ng sunod sunod subalit nandoon na agad si Marcus. Nasira ang dignum na guwantes niya subalit pagbukas niya ng kanyang palad ay nandoon ang mga malalaking bala na pinakawalan ni Elena.

Mula sa baba ay isang malakas na hangin ang umaakyat. "Si Rufus!" sabi ni Elena. Tumambling si Elena sa ere at umikot ng mabilis, "Wind Blade" sabi niya at pagkatapos ay sumipa ang kanyang paa. Sinalubong ng kanyang Wind Blade ang hangin na nanggaling kay Rufus at sumabog ang dalawa. Sa gitna ng pagsabog ay sumugod si Marcus kay Elena at pinalunanan ng suntok ang dalaga. Tinamaan si Elena ng isa at pagkatapos ay sinipa siya ni Marcus pababa.

Parang bulalakaw na bumagsak si Elena sa lupa malapit kina Pepe subalit nakatayo pa din ito. Sumunod na bumagsak si Marcus at Rufus sa tabi ni Elena at agad na umatake ng mga suntok. Pero bago pa man lumapat ang atake ng dalawa ay biglang sumulpot si Hinaryo sa gitna.

"Gentlemen, have some class," sabi niya sabay sipa sa dalawang heneral. Napaatras si Marcus at Rufus sa pwersa ng sipa. Nasalag ni Marcus ito subalit tinamaan sa mukha si Rufus na labis nitong ikinagalit. Pulang pula ang mukha ni Rufus at nakabakat pa ang ilalim ng sapatos ni Hinaryo sa pisingi nito. Napasigaw si Rufus at sa pagsigaw niya ay biglang lumindol.

"What's happening?" sabi ni Liru.

"This is not you Rufus!" sabi ni Annie.

"Huuhhh? I thought it was my shout," sabi ni Rufus.

Lumipad pataas si Calvin at mula sa lupa, sa ilalim ng entablado ay lumabas ang isang itim na tore. Sumunod ito kay Calvin paitaas. Nagtalunan ang mga Heneral papalapit dito subalit papalayo naman ang talon nina Pepe, Elena at Pia at ang dalawang tinyente na si Annie at Liru. Tumaas ng tumaas ang tore na halos halikan na nito ang mapulang buwan kung titignan mula sa ibaba.

"What is this tower?" sabi ni Annie.

"I saw this before," sabi ni Elena.

"Ang Tore ni Babel," sagot ni Pia.

"Tore ni Babel? Nabasa ko na yun ah. Saan nga ba?" Isip ni Pepe.

Itutuloy...

**********************************************************************************************************************************************************************************************

Thank you sa pagbabasa. Vote please!

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now