Chapter 39 - Ang Paghahanap

2.4K 161 28
                                    



Lumubog na ang araw. Binuksan ni John ang lampara na nakasabit sa bubong ng bangka at bumalik sa unahan. Medyo malaki ang bangka, kasya dito ang sampung tao at mukhang ginagamit ito para sa mga turista. Nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng bangka at parehas na nag-iisip.

"Kung ako ang magtatago, siyempre doon sa hindi obvious," isip ni Pepe habang isa-isang tinitignan ang mga isla sa mapa. "Alin ba dito ang obvious? Eh di yung mga maliliit at hindi tourist spot," sagot niya sa kanyang tanong.

"Pero parang andali naman noon. Lahat siguro nang mga naghahanap ay uunahin yung hindi obvious na lugar. Ibig sabihin, mas okay na magtago sa maraming tao. Kung baga, nasa harap mo na pero hindi mo pa makita. Tama! Mas okay siguro na unahin namin yung mga tourist spot." isip ni Pepe.

"Ito na," sabi ni John matapos itaas ng kanang kamay malapit sa tenga, "sabi sa isang blog na nasearch ko sa Giggle ay yung Century Island daw ang maraming ahas. Doon tayo magsimula," dagdag niya sabay tago ng kanyang smartphone.

"Okay. sige," sabi ni Pepe sabay kuha ng sagwan sa gilid ng bangka.

"Oh? May motor naman oh," sabi ni John kay Pepe. "Hindi ako marunong magpagana niyan," sabi ni Pepe. Tumayo si John at lumapit sa motor ng bangka sa likod ni Pepe. "Marunong ka magoperate nito?" tanong ni Pepe.

"Oo," sagot ni John habang tinitignan ang makina. "Di nga?" sagot ni Pepe. "Hay nako," sabi ni John sabay hila sa isang tali mula sa makina. Tumunog ang motor subalit namatay agad. Hinila ulit ni John ang tali at tuluyan nang umandar ang motor.

"Ayos! Biruin mo?" sabi ni Pepe. "Ano?" sigaw ni John dahil sa ingay ng makina. Inulit ni Pepe ang sinabi at ngumiti naman si John. Binuksan niya ulit ang kanyang smartphone upang tignan ang direksyon na kanilang tatahakin.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na marunong ka magoperate nito! Astig ka!" sabi ni Pepe nang makita niya kung paano imaneobra ni John ang bangka. "Ako pa ang astig ha? Hindi ba dapat ako nagsasabi niyan?" sabi ni John. "Ha?" sagot ni Pepe. Napangiti si John habang nakatingin kay Pepe, "Pansin kong kanina ka pa umiiwas sa ilang mga tanong ko. Pero okay lang naman. Kung hindi ka pa handa sabihin sakin ang ibang bagay tungkol sayo eh, irerespeto ko iyon."

Napangiti din naman si Pepe, "Maraming salamat," sagot niya.

"Doon tayo!" sabi ni John habang tinuturo ang isang malaking isla sa harap nila. "Buti na lang hindi malayo. Six thirty na e," sabi ni Pepe. "15 minutes siguro nandoon na tayo," sabi ni John.

"Paano ka pala natuto mag-operate ng ganito?" tanong ni Pepe. "Ahh, mangigisda ang lolo ko sa Quezon province. Noong bata pa ako at mababa pa ang posisyon ni daddy ay sumasama kami kay Lolo mangisda sa gabi pag bakasyon ko. Doon din ako nag elementary," kwento ni John.

"Parehas pala tayo. Ako din sa probinsiya nag-elementary," sabi ni Pepe.

"Kaya siguro magkasundo tayo," sabi ni John.

Dumating ang dalawa sa Century Island at agad na tinignan ni Pepe ang paligid, "Kaunti lang ang tao, okay ito." isip niya. Tinanggal niya ang kanyang sapatos at bumaba ng bangka, "huuu, lamig!" sabi niya nang maramdaman ang tubig ng dagat na yumayakap sa pampang.

"Saan ka pupunta?" tanong ni John.

"Maghahanap ng ahas," bulong ni Pepe. "Anong gagawin mo pagnakahanap ka?" tanong ulit ni John. Nagsalubong ang kilay ni Pepe dahil hindi pa niya ito napagisipan. Si John naman ay napahawak sa sariling baba upang mag-isip din. Lumapit si Pepe kay John mula sa unahan ng bangka, "Ang inaasahan ko kasi ay baka makakita ulit tayo ng templo na kagaya noong kanina at baka doon natin sila makikita or malapit lang doon."

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now