EPILOGUE

9.9K 155 14
                                    

PACO

Nagdaan ang nga oras, araw at dalawang taon at salamat sa Diyos at naging back to normal na rin ang lahat.

Doubted man ang board sa kakayanan ni Carina na bumalik sa posisyon niya bilang CEO ng MedU at pinatunayan niya sa mga ito na kaya niya na. Nagpagaling siya at humingi ng clearance sa mga doctor, sumailalim sa test at seminars para mas yumaman ang kaalaman niya.

Nagtulungan kaming mag-asawa na bumuo ng mga magagandang projects para sa MedU. At sa wakas sa pagpupursige ng asawa ko ay naupo muli na siya bilang CEO.

Isang napakadakilang CEO nj Carina sa MedU plus pa diyan ang pagiging mabuti niyang ina sa anak namin at sa magiging anak pa namin.

Tama kayo... dala-dala ngayon ni Carina ang pangalawang anghel sa buhay namin. Thank God din at hindi na rin ganon kasensitive ang pagbubuntis niya kaya nanatili pa rin siyang active sa school kahit na nagdadalang tao siya.

Sabi niya sa akin andon pa rin ang takot sa puso niya na baka bumalik pa rin ang sakit pero I always tell here na kahit anong mangyari... hindi ko siya bibitawan.

If you will ask me kung possesive pa rin ang Misis ko.....

"Sir Garcia." patakbong lumalapit sa akin ang mga babae kong estudyante.

"Sir paturo naman po uli kung paano nakuha yung answer kanina sa problem."

Kinuha ko ang papel at ballpen at itinuro muli sa kanila ang itinuro ko kanina sa klase sa gitna ng lobby ng school.

"Wow sir Thank you po ang bait-bait niyo po talaga saka ang cute niyo."

Grabe hindi na rin ako makaiwas sa mga makukulit na mga estudyante katulad ng mga batang ito.

"Oh sige na at baka ma-late pa kayo sa next class niyo."

Nagpaalam na ang mga girls na yun at tinignan ko ang phone niyo.

1..2..3.. kring!

Napangiti ako... as I expected....

"Hey Babe."

"Babe... nakita ko yun."

tumingala ako at tinignan ang isang CCTV camera sa sulok ng kisame ng lobby.

Ngumiti ako at kumaway sa camera.

"Pakaway-kaway ka pa riyan. Hay bukas na bukas magpapatupad ako ng rules na bawal lumapit ang mga girl students sa mga lalaki nilang prof after class." Tapos ay bigla siyang kumabyo, "Joke lang. May tiwala ako sayo Babe alam kong akin ka lang."

Natawa ako at kinilig sa sinabi ng Misis ko, "Babe, pa kiss naman oh." Ang request niya sa akin.

Tumingin ako sa camera at binigyan siya ng napakatamis na flying kiss

Narinig kong para naman siyang kinikilig sa kabilang linya.

"Sherap naman ng kiss na un... ang sweet."

"Sige na may next class pa ako. I love you Babe."

"I love you too Babe."

Nagflying kiss muli ako at naglakad muli sa lobby papuntang next class.

Nagpapasalamat ako sa Diyos mga nangyari dahil natuto ang Misis ko na magtiwala sa pagmamahal ko sa kanya. Pero sa totoo lang... kahit naman sino at ano pa siya walang problema sa akin yun dahil mahal na mahal ko siya.

At sabi nga sa paborito kong kanta...

Si Carina...

At kahit anong sabihin ng iba...

Minamahal ko siya...

Wala ng hahanapin pa.

-END-

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEWhere stories live. Discover now