30

5.8K 88 2
                                    

Carina...

Carina.... I want you to meet Francis Sy tonight at Diamond Hotel. I want you to wear the black low back mini dress na binili mo sa New York.- Papa.

Napa-oo na lang ako sa text ni Papa sa akin. Bata pa lang ako alam ko na darating ako sa point na ganito.

Ako, bilang Medrano ay ipagkakasundo na ipakasal sa isang lalaking mapapakinabangan ng pamilya ko.

Hindi na nakakagulat sa akin ang mga arranged marriage katulad nito.. . ang Mama at Papa ang isang sample diyan at ang resulta naging succesful ang merging ng mga bangko nila pero hindi ng mga puso nila.

Nambabae ang Papa ko, nagalit ang Mama ko sa kanya and theb naghiwalay sila.

Hindi na rin ako magtataka kung ganito rin ang ikot ng mundo ko in the future. Tinanggap ko na yun non hanggang sa nakilala ko si Paco.

Kay Paco ko nalaman na nagiiexist pala ang salitang true love, na hindi siya bunga lang ng mga romantic stories or imagination ng tao. Totoo pala yun at kapag tinamaan ka nito its worth fighting for.

Ganyan naman talaga ang feelings ko kay Paco... willing akong ipaglaban siya pero ang tanga ko rin kasi. Naging possesive na ako ng sobra kaya napakawalan ko tuloy ang true love ko .

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Sinuot ko ang dress na sinabi ni Papa sa akin. Ang sexy ko sa damit na yun. Nag-apply din ako ng makeup at itinali ang buhok ko. I almost looked perfect .... kaya nga lang may kulang.... smile.

Pinilit kong ngumiti sa salamin.... pero obvious na pilit... ang pangit tuloy.

Tumawag na ang receptionist sa baba andiyan na raw si Francis kaya lumabas na lang ako ng unit ko.

Rebound...

Sabi nila isang solution to mend a broken a heart is to date to someone else.

Inisip ko timing din itong pagseset up sa akin ni Papa kay Francis... baka makatulong ito sa pagmomove on ko.

Madaldal si Francis, siguro dahil sa expertise niya sa Marketing at dahil sa negosyante sila.

Nakikinig lang ako sa kanya habang kinukuwento niya yung mga bansang pinuntahan niya, yung negosyo nila, yung hobbies niya at yung magiging magandang resulta ng mga negosyo namin kapag nagkatuluyan kami.

Tango-tango lang ako ng tango, ngiti lang ng ngiti, inom ng inom lang ng wine dahil ang totoo.... lutang ang isip ko habang kasama ko si Francis.

Naalala ko si Paco, sana siya na lang ang ka-date ko ngayon... sayang ang ganda ko pa naman ngayon.

"Have you enjoyed?" tanong ni Francis sa akin nang hinatid niya ako sa condo.

"Yah thanks Francis "

"Are you sure okey lang na ibaba kita rito? I can bring you upstairs."

Umiling ako, "No thanks. Okey na ako rito."

Masyado rin kasing maaga kung patutuluyin ko siya sa unit ko. Mahirap na baka bigla akong hatakin niyan sa kama.

Tumayo ako sa harap ng condo habang hinihintay kong umalis ang sasakyan ni Francis.

Hatinggabi, di mapakali

Di makatulog, di makangiti

Bakit ganon? Hanggang ngayon nag-iisip, nagtatanong?

Napasteady ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang kantang iyon na pinapatugtog ng isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng condo na may malakas na stereo.

Nasan ka na?

Nasan ka na?

Di ba't pangako'y babalik ka

Hanggang ngayon nandito pa

Naghihintay, nag-iisa

Nasaan ka na?

Nasaan ka na nga ba Paco? Bakit wala ka rito sa tabi ko?

Alaala mo nasa isip ko

Di mawaglit, di malayo

Mga yakap mong walang kasing diin

Di maniwalang di ka na akin

Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe ang sakit. Maslalo ko tuloy na feel ang sakit na wala si Paco dahil sa lyrics na yun.

Bumuhos ang malakas na ulan kasabay non ay bumuhos din ang luha ko.

"Paco.... Paco.... bumalik ka na sa akin!"

Paco...

"Waaah!" nagulat ako sa malakas na kulog at sa biglang paglitaw ng black lady na serial killer sa pinapanood kong suspense movie.

Grabe nakakatakot talaga yung babaeng yun.... pinapatay niya isa-isa lahat ng lalaking nanakit sa kanya.

Napatingin ako sa pintuan ko nang biglang nagdoor bell ito.

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Waaah!!!" isang black lady na kamukha nang serial killer ang tumambad sa pintuan ko!

Natigilan ako nang makita kong basang-basa siya at parang nanginginig sa ginaw.

"Carina.."

Tumingin sa akin si Carina. Kumalat na ang make up nito sa mukha.

"Paco..." at saka siya umiyak "I'm sorry...."

Yayakap pa sana siya sa akin nang bigla siyang hinimatay sa bisig ko!

Inaapoy ng lagnat si Carina!

Pinahiga ko siya sa kama ko at saka ako kumuha ng tuyong tuwalya upang punasan siya.

Napalunok ako nang makita kong gaano kalalim ng likod ng dress ni Carina at kung gaano kaiksi nito na halos makita ko na ang underwear niya.

Pambihira kung ako lang hindi ko siya papayagan na magsuot ng ganito

"Ang lamig...." nanginginig pa rin sa ginaw si Carina dahil iyon sa basang basa niyang suot.

Kailangan talagang hubarin ni Carina ang suot niya?

Pero paano ko gagawin yun?

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن