20

6.4K 96 2
                                    

Carina...

"Okey lang ba sa iyo kung magkatabi tayo sa kama mo?"

Natulala ako sa tanong sa akin na iyon.

Parehas kaming nakatayo sa magkabilang gilid ng kama.

Siya sa kaliwa ..

Ako sa kanan...

Parehas kaming nangangapa...

Nakikiramdam...

Kung sino ang unang hihiga sa aming dalawa.

Paano kung may maganap sa kama?

Bahala na siguro... kapag may nangyari sa amin bahala siya pakasalan niya ako. Harapin niya ang pamilya ko.

"Am.. halika Babe, matulog na tayo."

"S-sige..." obvious na kinakabahan din siya. Nabigla yata siya sa offer niyang magtabi kami sa kama ha di na lang siya makaatras. Baka hindi rin niya matantiya kung hanggang saan ang self control niyan.

Inangat ko ang blanket ng queen size bed ko, ganon din siya.

Sabay kaming nahiga sa kama.... may 24 inches din siguro ang distance namin sa isa't isa.

Kainis parang may katabi akong estranghero, hindi kasi kami nagkikibuan at parehas na nakatingin lang sa kisame.

"Ayos ka lang ba na ganito tayo. Iisang kama... iisang kumot..."

Kung alam lang ni Paco okey na okey sa akin... matagal ko naman ding pinangarap na makasama siya...

Sa iisang bubong, sa iisang kumot at sa iisang kama. Yung tipong paggising ko yung mukha niya ang una kong makikita, dream na dream ko yun pero di ko naman akalain na ganito ako kakabahan kapag in real life na.

"Okey naman, hindi lang siguro ako sanay na may katabi sa pagtulog." ang sagot ko sa kanya.

"Am tumalikod ka na lang kung hindi ka sanay. Isipin mo na lang na wala kang katabi."

Pwede ba yun?

Sumunod na lang ako sa kanya I rolled at tinalikuran ko siya.

But wait...

Tama bang talikuran ko siya?

Di ba ito ang greatest dream of my life ko?

Ano yun para ko na ring tinalikuran ang mga pangarap ko?

I heard him breathing...

Nararamdaman ko ang kaunting paggalaw niya sa kama ko...

Hindi ko na matitiis ito....

I have to grab this opportunity...

Dahil tunay ang lahat hindi panaginip lang.

Agad akong umikot paharap sa kanya.

Pinutol ko ang ano mang distansya sa aming dalawa.

Niyakap ko siya ng mahigpit...

Na parang teddy bear o unan na pinanggigilan...

Ipinalupot ko ang braso ko sa bewang niya at ipinatong ang ulo ko sa chest niya.

He's frozen.

Mukhang natatame siya sa posisyon ko.

Inangat ko ng kaunti ang ulo ko at pinagmasdan si Paco.

Napangiti ako when I saw him blushing.

Ngumiti rin siya sa akin...

Nagustuhan niya... nakakakilig naman!

Sa sobrang kilig ko at bigla ko siyang inambunan ng mga halik sa mukha.

Hagikgik naman siya ng hagikgik... nakikiliti siya siguro.

"Babe stop it sige ka baka kung anong magawa ko sayo."

Biglang naglikot ang isip ko. Binaba ko ang isang strap ng suot kong spaghetti top showing my bare sexy shoulder, "Eh di gawin mo kung anong gusto mo. You can own me, remember?" and I give him a seductive look sabay kagat sa lower lip ko.

Hinala niya ako pahiga sa tabi niya, inayos ang suot kong top at sabay niyakap.

"I cannot own you until you become my wife, remember?"

"Pakasalan mo na kasi ako."

"Darating din tayo diyan sa ngayon i-enjoy mo muna ako bilang future husband mo." sabay kiss niya sa aking noo.

Kinilig naman ako. Natuwa kasi ako sa sinabi niyang future husband. Parang tumalon ang puso ko sa saya.

Doon natapos ang unang gabi namin ni Paco.

Natapos siyang. . virgin pa rin ako pero happy kasi enjoy akong kasama ang future husband ko.

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEWhere stories live. Discover now