44

4.7K 60 1
                                    

Paco....

Buong maghapon ko ng binabasa ang mga reports pero nahihirapan pa rin akong intindihin.. .

Nagpaexam na nga lang ako sa klase para pag-aralan ang trabaho nitong asawa ko pero ang hirap talaga ..

Ang daming decision makings...

Ang daming meetings...

Kailangan magpunta rito...

Kailangang i-meet si ganito...

Ang hirap!

"Parang di ko ata kaya Babe " ang sabi ko sa kanya habang nagtuturuan kami sa office niya.

"Kaya mo yan Babe. Ikaw ba eh ang tali-talino mo."

"Pero Babe hindi naman Math problem ang pinapagawa mo sa akin pero isang malaking responsibilidad." ang sabi ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Carina at niyakap ang likod ko, "Andito naman ako eh saka si Henry."

"Isa pa yan... for sure pikon na pikon na si Chancellor dahil ako ang ginawa mong OIC at hindi siya."

"Wag mo yun pansinin... walang gagawing masama yun... kami kaya ang may-ari ng Med U."

"Ayokong may mabanggang ibang tao."

"At ayoko ring di mo makasundo ang Papa ko." ang sabi niya sa akin, "Mas importanteng makita kong masaya at nagkakasundo ang pamilya ko kesa sa sasabihin ng ibang tao."

Ganito ang consequence ko sa pagpapakasal ko kay Carina? May kasamang pressure?

"Just do it Babe... hindi lang para sa akin at kay Papa... para na rin kay baby natin."

This time napangiti ako.... sa kabila ng pressure at stress ay napapangiti pa rin ako sa tuwing iisipin kong magiging tatay na ako.

"Anyway... magrelax muna tayo." Tumayo siya sa harapan ko at saka umupo sa lap ko paharap sa akin.

"Loko ka... baka pumasok si Henry." ang bulong ko sa kanya.

"Papasok lang yun kapag tinawagan ko siya." at saka niya inisa-isang tanggalin ang butones ng polo ko.

Pambihira! Balak talaga niyang gawin yun dito!

"Ahhh... Carina..." Ang ungol ko habang hinalikan niya ang leeg ko at hinahaplos ng nag-iinit niyang kamay ang dibdib ko.

Napapikit ako at napasandal sa swivel chair....

Patay! Nakalimutan ko na yata yung mga inaral namin ni Carina!

Carina...

"Gosh.. Babe..." ang ungol niya na tila musika sa pandinig ko habang hinahalikan ko ang dibdib niya.

Pababa hanggang puson ang paghalik ko sa kanya hanggang sa mapaluhod na ako sa kinauupuan niya at sinumulang ibaba ang zipper ng pantalon niya.

Napakagat labi ako.. tinatawag na ako nang bahaging yun ng katawan niya.

Inihanda ko na ang sarili ko.... tinanggal ko ang suot ko ready to claim him.

Paupo na ako muli sa kandungan niya nang tumunog ang phone...

"Shet!" ang bulas ko. Istorbo kasi!

"Answer the phone." nainis ako lalo bang makita kong itinaas ni Paco ang zipper niya.

Iniangat ko ang phone at sinagot ito, "Hello?"

"Madam CEO .. nagpatawag po ng emergency meeting ang board." ang sabi ni Henry kabilang linya.

"Ano bang problema ng board at nagpatawag ng meeting at this very hour!"

"Kayo raw po.... kayo raw po ang problema nila."

Nagpunta kami ni Paco sa board room para i-meet ang mga board members at mga namumuno sa MedU.

"Ano na naman kayang pakulo ito? Kinokontra ba nila ang gusto ko? Akala ko ba okey na ang lahat." napapansin kong nauuna akong maglakad papunta sa board room kaya napalingon ako kay Paco.

"Paco..."

Mabagal na naglalakad si Paco, nakayuko ito at parang namumutla kaya nilapitan kita.

"Its your first time to meet them kaya kinakabahan ka right?"

Tumango naman siya.

"Chill Babe, I'm with you. I'm Carina Medrano Garcia remember? Ang pinakamataas sa kanilang lahat."

Ngumiti lang si Paco at nagtuloy na kami sa board room.

Paco...

"Mr. Garcia is inexperienced. Hindi kasing simple ng algebra ang pagiging OIC ng CEO."

ang sabi ng isang board member.

Napataas ng kilay si Carina, "Minsan ng napatunayan ng school na ito na magaling na leader ang mister ko nang maging Presidente siya ng SC, that's an experience."

"But that's insufficient." ang sabi naman ng isang Dean sabay tingin sa tatay ni Carina, "Mr. Medrano how could you allow this? Bakit niyo po hinayaan ang anak niyo na-itreat ang school natin na ganito? Anong akala niya sa MedU playhouse?"

Nakita kong nanlisik ang mga mata ni Carina sa Dean na iyon.

Tsk... tsk... tsk... ang tapang naman kasi ng dila ng Dean na iyon.

"Of course not... I'm serious about the school at panatag ang kalooban ko na magagampanan ng asawa ko ito." ang depensa ni Carina sa akin.

"Then why don't we ask Mr. Garcia?" ang tanong ni Chancellor sabay tingin sa akin, "Mr Garcia sa tingin mo ba you can handle being a CEO of MedU."

Nakatingin sa akin ang lahat. Inaabangan ang sagot ko...Ano na nga bang isasagot ko? Kaya ko ba o hindi?

Napalunok ako.... ayokong biguin ang asawa ko at ang biyenan ko pero ang pagiging CEO.... agad-agad ay.....

"I'm sorry." sabay tingin kay Carina at sa biyenan ko, "Hindi ko pa kayang magOIC"

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora