50

4.8K 74 2
                                    

"Its all your fault!" ang sabi sa akin ng tatay ni Carina habang naglalabor ito sa OR at naiwan kami sa labas ng hallway ng hospital, "Ang tigas din kasi ng ulo nitong si Carina... pinipilit niya ang gusto niya na pakasalan siya yan tuloy ang napala niya."

Gusto kong sumagot.... manuntok.... sisihin siya dahil naman sa kanya kaya naging paranoid ang anak niya, siya naman kasi itong babaero.... pero di ko magawa... wala akong lakas upang depensahan ang sarili ko. Una dahil mas worried pa rin ako sa kalagayan ng mag-ina ko at siyempre kahit balikbaliktarin ko pa man itong mundo siya pa rin ang tatay ng babaeng mahal ko.

Nagtikom na lang ako ng kamao... napasandal sa pader at hinayaan kong tumulo ang luha sa aking mga mata.

Nakakapagod na....

Mahal ko si Carina pero napapagod na akong mahalin siya...

Feeling ko sobrang haba na ng pasensya ko at pag-iintindi ko sa kanya pero wala pa rin....

Napadaan ako sa Nursery room, kung saan nakalagay sa incubator ang 7 months naming anak ni Carina.

Napahawak ako sa salamin ng nursery room habang pinagmamasdan ang baby girl namin.

"Kaya mo yan anak, para Mama mo, mabuhay ka. Magpapakatatag ko... sabay tayong magpakatatag."

Di ko mapigilan ang maiyak habang pinagmamasdan ang baby girl ko...

Lord.... wala naman akong maalalang masamang ginawa para mangyari sa akin ito....

Mahal ko lang si Carina....

yung ibang tao naman umiibig ng payapa at maayos.... pero bakit ako... bakit ako.... hindi.

Pinagmamasdan ko muli ang baby ko... napangiti ako nang makita ko ang munting paghinga niya ... lumalaban ang baby ko kahit hirap siya kaya dapat ako rin bilang tatay niya... hindi dapat ako sumuko.

"Where is my baby!" nagulat nang marinig ang boses na yun ni Carina sa lobby pa lang ng hospital.

Nadatnan ko ring nagkakagulo ang mga nurse at doctor sa ward niya.

Napatakbo ako papasok ng kuwarto kung saan ko naabutan si Carina... pinagtutulungan na siya ng mga nurse at doctor.

"Bring to me my Baby!!!"

"Carina..."

"What the hell are you doing here!!!" napaatras ako nang biglang manlisik ang mga mata ni Carina sa akin, "Binigay niyo ba sa kanya?! Hindi pwede yun! Baby ko yun. "

"Carina tama na nasa incubator ang natin."

"Ibigay niyo sa akin ang anak ko wag niyong ibigay sa kanya!" biglang may itinurok sa kanya ang doctor.

Unti-unting kumalma si Carina, "Ang baby ko... please.... Paco isauli mo sa akin ang baby ko... ako ang nagluwal sa kanya. hindi... Paco please."

Naiyak ako sa pinagsasabi ni Carina... oo may mood swings minsan ang asawa ko pero parang sa nakikita ko ngayon ay iba siya.... parang hindi siya si Carina.... parang... hindi ko siya kilala.

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant