42

5.1K 82 0
                                    

Paco...

I'm so excited mas lalo na ng malaman ko ang isang napakagandang balita....

Magiging tatay na ako!!!

Its been weeks after Carina decided to have a baby at nakakatuwang malaman na nagbunga ang ilang rounds na iyon!

Ganito pala ang feeling kapag alam mong magiging tatay ka na ...

Lagi akong nakangiti, laging good mood at parang gusto kong bigyan ng perfect score ang mga estudyante ko sa kanilang final exam.

Siyempre di naman pwede yun kaya madaming bonus na lang at madadaling questions.

"Congrats Tol magiging tatay ka na." ang sabi ni Duke sa akin, "Naku malapit ka ng magmukhang tatay.... tataba ka na, magkaka-tiyan, magkakawrinkles."

"Ang sama naman ng tingin mo sa pagiging tatay. Alam mo tol okey lang kung ikapangit ko yun ang importante magkakaanak na ako."

"Okey fine. Kaya lang may isa ka pang dapat problemahin."

Napakunot ang noo ko sa kaibigan ko. Pambihira itong kaibigan ko... bad vibes.

"Yung asawa mo. Mas titindi ang pagiging selosa niyan. Eh kung nong hindi siya buntis selosa na yan eh di maslalo na ngayon."

"Manakot daw ba? Sabi-sabi lang yan."

"Hindi uy. Ang isang buntis, namamaga ang ilong, namamaga ang binti, tumataba, nagkakapimples minsan in short.... pumapangit. Lumalaki ang insecurities sa ibang babae ... isama mo pa yung walang sex. Nakakaparanoid yun Dude."

Ayoko mang maniwala ay parang natakot din ako. Hindi kaya lumala nga ang pagiging possesive ng Misis ko sa situation niya ngayon?

"Hi Babe..."

Sa pagpasok ko sa kuwarto namin ay naabutan ko si Carina na nakaupo sa kama hawak ang di pa niya kalakihang tiyan.

Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa labi, "Nahihilo ka pa ba?"

"Ayos na."

Hinalikan ko naman ang tiyan ni Carina "Anak wag mong pahihirapan sa paglilihi ang mommy mo."

Ngumiti si Carina sa akin.

"Babe, tumawag ako kina Nanay at Tatay. Tuwang-tuwa sila nang malamang buntis ka."

"Sabi ko na nga ba. Excited na kasi si Nanay na magka-apo sayo."

"Babe.." at hinawakan ko ang kamay ni Carina, "Nabanggit mo na ba ito sa Papa mo."

Umiwas ng tingin sa akin si Carina at umiling.

"Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya ito eh, tapos baka madalas pa akong mag-absent dahil mahiluhin ako. For sure proproblemahin niya kung sino ang ipapalit muna sa akin."

"Masosolusyunan din yun. Kaya natin yan Babe."

Ngumiti sa akin si Carina at hinawakan pa nang mahigpit ang kamay ko.

"What the hell!!!!" nagulat kami parehas ni Carina sa sigaw ng Papa niya ng magkasama kaming ipinaalam sa kanya ang tungkol sa sitwasyon namin, "Buntis ka! Buntis ka sa lalaking yan!"

"T-teka naman ho sir, kung magsalita naman kayo parang teenager lang kami ha. Asawa ko naman po ang anak niyo at halos isang taon na kaming kasal."ang sabi ko sa tatay niya

"Oo nga naman Papa, over reacting ka. Buti pa yung family ni Paco happy sa kalagayan namin.'

"Ang inaalala ko yung school. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh... kaya ayoko kitang ipakasal sa katulad niya dahil hindi niya kayang saluhin ang posisyon mo sa MedU."

"Pa, what are you saying?" ang sabi ni Carina, "My husband is one of the great professor in MedU kaya I'm confident na kaya niyang gawin ang trabaho ko."

Napatingin ako kay Carina, "A-anong trabaho?"

"Ang maging OIC Chairman ng MedU habang preggy ako. One year lang naman yun Babe kaya mo yan."

"A-ano! Ako gagawin niyong Chairman ng MedU!"

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEМесто, где живут истории. Откройте их для себя