12

6.7K 95 1
                                    

Paco...

"Ows talaga single din si CEO Medrano?" Ang sabi ni Alice.

"Ay oo, ka-batch nga yun ni Mr, Garcia eh, di ba Paco?"

"Ah eh, opo. Oo nga po." kinuha ko ang mga notes ko na gagamitin ko sa susunod kong klase, "Sige na po Dean, may klase pa ako. Alice, nice meeting you and welcome ulit."

Pagkalabas ko nang faculty ay tiyemplo namang dumaan si CEO Carina Medrano kasama si Chancellor.

"Ahm.. good morning po Chairman and Chancellor." ang bati ko sa kanila na hindi ako makatingin kay Carina.

"Good Morning naman Mr. Garcia." sabi ni Chancellor.

"Ay Chancellor, Chairman." lumabas ng faculty si Dean bitbit ang bagong Math prof.

"I want you to meet our new prof with expertise in Geometry, Alice Ferrera."

Sandali kaming nagkatinginan ni Carina tapos tinuon niya na ang tingin niya kay Alice.

"Naku tignan niyo naman ang mga professors natin, hindi lang sila magagaling, they are all good looking." ang pagmamalaki ni Chancellor kay CEO.

"Welcome to MedU Miss Ferrera." ang sabi ni Carina sa bagong prof.

"Are you single Miss Ferrera?" tanong ni Chancellor.

"Yes Mam."

"Naku Dean, tamang-tama pwede mong ireto itong si Mr. Garcia kay Miss Ferrera."

"What!" biglang nasabi ni Carina, "Oh I mean is, hindi ba bawal yan sa school?"

"Naku Madam Chairman, student-teacher relationship lang ang prohibited dito pero yung magkatrabaho pwedeng-pwede yan." ang explanation ni Chancellor.

"Ah ganon ba?"

"Ah, mga mam, sige po mauna na po ako, may klase pa ako." at saka ako lumayo sa kanila dahil hindi ko na rin ang kinaya ang mga selos na tingin sa amin ni Carina.

I call off the day. Tumuloy na ako sa inuupahan kong condo unit upang magpahinga after ng maghapong stress dulot sa akin ng trabaho at nang feelings ko kay Carina.

"Paco..."

Pabukas na ako ng pintuan ng unit ko nang malaman kong nakasunod lang pala sa likuran ko si Carina.

"Paano mo nalaman na..." naalala ko ang resume ko, "Its my resume."

"kamusta naman yung bago niyong professor?" ang tanong niya sa akin.

"Mukhang okey naman siya."

Lumapit pa siya sa akin hanggang sa napaatras ako papasok ng unit ko at parehas na kaming nakapasok sa unit ko.

"Maganda siya at nirereto ka pa nila sa kanya." 

Narealize ko na parehas na pala kaming nasa loob ng unit ni Carina nang bigla niyang isinara ito at ni-lock ang pintuan ko.

"Teka, trespassing ito ha." ang sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at saka ipinatong niya ang dalawang braso niya sa magkabilang balikat ko, "Trespassing ka diyan... ano kakasuhan mo ang nagpapasweldo sayo?"

"Ano bang kailangan mo?"

"Hindi ko kasi matanggap... hindi ko matanggap na hindi mo ako mahal!"

Saka niya ako biglang hinila papalapit sa kanya at hinagkan ang labi ko.

*** bitin noh... wait n lng for tbe chap

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEWhere stories live. Discover now