55

6K 78 2
                                    

Its unexplainable...

Hindi ko ma-describe ang kaligayahang nararamdaman ko nang makita ko ang anak namin ni Paco na nakahiga sa crib na iyon.

She is so beautiful.... kamukha ko siya pero ang mga mata niya ay katulad nang kay Paco.

"Siya na ba yan?"

Kinuha ni Paco ang bata sa crib at binitbit niya yun sa braso niya.

"Ang ganda niya noh. Kamukha mo."

Napangiti ako. Para nga siyang mini me.

Di ko mapigilang haplusin ng mga daliri ko ang napakaganda niyang pisngi.

Di ko mapigilang umiyak... ito na talaga ang batang inalagaan ko sa sinapupunan ko nang ilang buwan at kahit ano pa man ang nangyari sa akin ay di ko pinagsisihang inuluwal ko siya sa mundong.

"You can have her."

Napaatras ako. Parang isang babasagin kristal ang anak ko... at hindi ako marunong magbuhat ng bata.

"Babe ..."

"B-baka kasi siya malaglag sa akin."

Ngumiti sa akin si Paco at inalalayan niya ako sa tamang pagbuhat sa anak namin.

Napatitig ako sa batang dala-dala ko at di ko napigilan ang sarili kong maiyak She is such a beautiful blessing from heaven.

Pagkatapos kong magshower ay naabutan ko si Paco na tanging boxer shorts lang ang suot at nakahiga sa kama.

Napalunok ako. Malamig na tubig naman ang pinangligo ko pero tila nag-init ang buong katawan ko nang tumambad na sa akin ang mapang-akit na katawan ng asawa ko.

Nang makita niya ako ay tumingin siya sa akin at ngumiti, "Have you miss me?"

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya sa kama, "Sobra."

Umupo siya katabi ko at hinila ang tuwalyang nakapalupot sa akin.

Iniharap niya ako sa kanya at saka hinalikan ako sa labi.

Ang sarap pa ring humalik ng Mister ko. Nakakatakot baka maibalik na naman ako sa center dahil sa nakakabaliw niyang halik.

Hanggang sa mainit naming pinagsamahan ang nakakabaliw na gabi na iyon.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Paco na parang kanina pa nakatitig sa akin "Happy?"

Bigla akong may naaalala na biglang magpaworry sa akin.

"Babe... shocks.. fertile ako. Posibleng mabuntis ako uli."

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang ilong ako.

"Ano naman? Mas masaya mas madami di ba?"

"Hindi yun. Baka magkaPNS uli ako at masaktan kita."

"Kapag bumalik yung sakit mo... aalagaan kita. "

"Babe mahihirapan ka."

"I know pero ganon kita kamahal kahit na maging selosa ka na forever, kahit maging possesive ka pa ng sobra at kahit mabaliw ka pa ng tuluyan. Ikaw pa rin ang mamahalin ko."

Ngumiti ako sa kanya at pinalupot ang magkabilang braso ko sa leeg niya "Babe, sorry ha. I just realized na as a wife I should be submissive to my husband kaya naman Babe gusto kong malaman mo na I trust you Paco. I believe in your love."

Kinuha niya ang kamay ko at pinaghahalikan ito, "I love you."

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEWhere stories live. Discover now