19

6.2K 101 2
                                    

Paco...

Madilim...

Mainit...

Malamok...

Masangsang na amoy...

Napakasikip kaya nagtitiis akong mamaluktot.

Ang hirap magtago dito sa kitchen cabinet niya.

Pero wala kaming choice... katok ng katok sa pintuan ang tatay niya.

Buti na lang may maliit na awang sa pintuan na cabinet na ito kaya nasisilip ko pa kung anong nangyayari sa labas.

Nakita kong pumasok sa unit ang tatay ni Carina.

"Hi Pa." sabay beso sa tatay niya.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pintuan?" ang tanong ng tatay niya sa akin.

"I'm cooking kasi Papa."

"You're cooking? At kailan ka pa natutong magluto?"

"May recipe book naman Papa. I cooked Adobo gusto niyo bang tikman?"

At saka pumasok ng kusina ang mag-ama.

"Oh how come you two plates here? May kasama ka bang kumain?"

Umiling si Carina, "Pareho ko po kasing pinagkainan yan? Nadumihan kasi itong isa." at saka niya kinuha ang platong pinagkainan ko at inilagay sa kitchen sink, "May gumapang kasi na ipis."

"May ipis sa unit mo? You have to report it to the admin. A five star condo should be clean."

"Irereport ko na po." at saka kumuha ng malinis na plate si Carina para sa Papa niya.

"Wait I have to wash my hands first." kinabahan ako ng nagpunta ang tatay niya sa cabinet na pinagtataguan ko.

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa lababo at saka bumalik sa dining table ang tatay niya para kumain.

Biglang nanlamig ang katawan ko parang basa yata ang polo at pants ko. Sh*t sira ang lababo! Tumutulo ang tubig sa tubo. Nagpigil ako sa pagrereact at pinakinggan na lang ang pag-uusap ng mag-ama.

"Uy not bad." ang reaksyon ng tatay niya sa Adobo.

"Sabi nga niya." hala nadulas si Carina

"Niya?"

"Ah I mean ako po. Sabi ko po sarili ko not bad naman po ang niluto ko."

Ilang sandali pa ay bumalik sila sa salas.

"Oh bakit may flowers ka? May suitor ka rito?"

Patay uli!

"No Pa I just bought it for myself. Bagay kasi na lagyan ng bouquet ang side table ba ito. What do you think?"

"Huh so girly. Anong oras na ba? Teka laban na ng Ginebra."

Naku po! Oo nga pala dapat manonood ako ng laban ng Ginebra!

"Buksan mo na yung TV mo at manonood muna ako ng game."

Walang magawa si Carina kundi buksan ang TV para sa tatay na Ginebra fan din pala katulad ko.

Habang nanonood ng basketball ang tatay niya ay binuksan ni Carina ang cabinet upang silipin ako.

"I'm sorry Babe.." ang maiyak-iyak na sinabi sa akin ni Carina. "Mukhang tatapusin pa kasi ni Papa yung game."

"Ano pa bang magagawa natin? Sana na lang manalo ang Ginebra para umalis ng masaya ang tatay mo at para may konswelo naman ako sa pagtitiis ko rito."

"Are you hungry?"

"Sa tingin mo ba makakain ako sa ganitong posisyon?" Nakahiga kasi ako sa cabinet na yun.

"I will feed you."

Kumuha si Carina ng plate at sinubuan ako.

Wow ang sarap pala ng feeling na sinusubuan ka ng taong mahal mo. Ang sweet!

"Shoot! Shoot!"

Napapatingin naman ako sa Papa sa tuwing sumisigaw ito sa kakanood ng game.

"Mananalo na ba ang Ginebra?"

Hinaplos ni Carina ang mukha ko, "Don't worry Babe lamang sila."

Sa totoo lang gusto ko na talagang tumakbo upang manood ng game pero kailangan kong magtimpi. Hindi ko naman kayang ipagpalit ang Babe ko sa Ginebra.

"Babe you're wet."

"Oo nga pala. Bukas paayos mo itong lababo mo. Tumutulo ang tubig."

"Naku I'm sorry Babe." saka pumislit ng kiss sa lips si Carina sa akin.

Ang sweet talaga ng Babe ko.

"Carina .."

Agad na tumayo si Carina at isinarado ang cabinet upang harapin ang Papa niya.

"Iha nagtext kasi ang secretary ko. May emergency meeting lang daw ang MedCom."

MedCom ang communication network na pagaari ng mga Medrano.

"I have to go."

Tumalon ang puso ko sa sinabi ng Papa niya. Thanks MedCom you saved my life! Makakahabol pa ako sa last two minutes na laban ng Ginebra.

"Sige Pa bye!"

Pagkasara ng pintuan ng unit...

"Last two minutes..."

Napatakbo ako palabas ng cabinet. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan makapanood lang ng laban ng Ginebra.

Tabla ang laban! Three points shot na lang ang kailangan upang manalo ang mga idol ko.

"Go Ginebra kaya pa yan!"

Napatalon ako sa tuwa nang mag three points and yes nanalo ang Ginebra!

Dahil sa init, alikabok at tulo ng tubig ay napilitan akong magshower sa kuwarto ni Carina.

Paglabas ko ng CR ay napaatras si Carina nang makitang nakatapi lang ako ng tuwalya.

"Nagulat ka na naman sa hot na katawan ng boyfriend mo."

Lumapit sa akin si Carina at inabot ang company Tshirt nila at pajama niya na kulay pink.

"Pinalaundry ko na sa baba yung damit mo and then I bought you this."

Medyo nagblush ako nang inabot niya sa akin ang isang pack ng briefs.

"Buti na lang may ganyang tinda sa convenience store sa baba."

Nilabas ko ang brief "Nahulaan mo ang size ko? Nilagay ko rin ba yun sa resume ko?"

"Just a wild guess."

Ngumiti ako sa kanya. Napahawak ako sa tagiliran, leeg at braso ko. Ang sakit, nangawit ako sa tagal ko sa loob ng cabinet.

"Naku I don't think you can't drive talaga. Dito ka na lang matulog pero I think hindi ka rin pwedeng matulog sa sofa."

Parehas kaming napatingin sa queen size niyang kama.

"Okey lang ba sayo na magkatabi tayo sa kama mo?" ang tanong ko sa kanya.

IM POSSESIVELY YOURS.... YOU'RE POSSESIVELY MINEWhere stories live. Discover now