Napa buntunghininga na lang ako.

Kailangan ko na nga siguro siyang harapin.

-

"El"  tawag ko dito pagkapasok ko sa VIP.

"Here" itinuro nito ang space sa tabi niya "Bakit Seph?" Iyon ang agad ang tanong nito pagkaupo ko.

Simpleng tanong na bakit pero mahirap sagutin.

"Anong bakit?" pagkukunwari kong wala akong alam.

"Bakit ganito na tayo ngayon? Bakit mo ako biglang iniwasan? May nagawa ba ko?" Nakayuko ito habang nagsasalita.

Na gi-guilty ako. At the same time, nasasaktan.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Nang dahil lang kay Zack, mawawalan ako ng isang mabuting kaibigan.

"Sorry El. Walang dahilan. Naiilang lang kasi ako" pagkakaila ko nalang.

"Naiilang saan?" Tumitig ito sa mga mata ko.

Titig na parang inaarok kung ano ang nasa loob ko.

"Eh kasi----baka may masabi ang tao sayo. Mayaman ka, mahirap ako. Ayaw ko din na pag tsismisan tayo. Lalo ka na. Baka masira ang reputasyon mo dahil sa pakikipag kaibigan  sakin"

"And so---I can befriend whom I want. And there's no one who can stop me. Nor dictate who's who I'm going out with. You're my friend Seph----a real one. Hindi ko kayang mawala ka" naguluhan ako sa huling sinabi nito.

Hindi ko kayang mawala ka....anong ibig niyang sabihin.

"El---

"I mean. Hindi ko kayang mawala ang isang mabuting kaibigan na katulad mo. I don't care what other people would say. I have my own life and decision"

"Sorry El. Sorry" tila nakaramdam ako lalo ng pang liliit sa sarili ko.

Heto siya, binababa niya na ang sarili niya para lang sa akin tapos ako, itinataboy siya.

Unfair na yata ako. He's been good to me, mula pa noon.

"I'm sorry talaga. Hindi na kita iiwasan----promise. Cross my heart" saka ko itinaas ang kanang kamay ko.

"Promise?" bahagya na itong ngumiti.

"Promise. Mamatay man ako"

"Don't die. Kaka promise mo palang. How would you suppose to do it kung patay ka na" there----he smiled wider.

"Okay na tayo?" pagkumpirma ko.

"Ikaw lang naman ang may problema. Bakit mo ba kasi ako iniwasan? May nagawa ba ako or nasabi na hindi mo nagustuhan. After that party, naging aloof ka na sakin. You didn't answer my calls or texts. Whenever I'm here, and tried to talk to you---- you avoided me. So what's the real reason Seph?"

Si Zack.. siya ang dahilan.

"Yun nga lang. Yung sinabi ko kanina. Naiilang ako. Pero after this----promise talaga. Hindi na kita iiwasan pa"

"You'd better do your promise or else---mag iimbistiga ako" banta nito.

"May ganon talaga?"

"Yup---let's go. I'll treat you out"

"Huh? Eh may trabaho pa ako"

"Naipag paalam na nga kita kay Nick. Pumayag na siya"

"Huh---eh ano kasi. Nandiyan si Matthew. Iniintay ako"

"Ask him to come with us" suhestiyon nito.

"Eh hindi ba nakakahiya?" Nag aalangan kasi ako.

"No----Tara na. Hanapin mo na siya, hintayin ko nalang kayo sa labas---okay"

"Sige"

Pagkalabas namin ni El sa VIP ay hinanap agad ng mga mata ko si Matt mula sa kinauupuan nito kanina.

"Hinahanap mo ba ko?" Boses mula sa likuran ko.

Humarap ako dito dahil alam kong si Matt ang nagsalita.

"Tara"

"Saan?" kunot noo ito.

"Basta-----halika na. Bawal ang tumanggi" hinila ko ito sa kabilang kamay nito palabas ng bar.

"Teka---si Elthon yon diba? " nakita niya pala agad ito na nakatayo sa tabi ng kotse nito.

"Oo---inimbitahan niya tayo, kaya lalabas tayong tatlo"

"Wag na. Kayo nalang"

"Pag hindi ka sumama. Magtatampo ako sayo and-----hindi na kita ipagluluto ng favorite mo"

"Ano to? Takutan. Oo na sige na. Para namang pang first class yung niluluto mo"

"Papayag ka din naman pala eh. Gusto pa may pilitan. Lika ka na nga"

To be continued...

May rivalry bang mamamagitan kina Elthon at Matthew...

Kanino kayo?

Stolen lives Where stories live. Discover now