SL : 40

864 104 40
                                    

Unedited....last update for this day. Antokyojapan na si otor 😊

Till next update 😉

Seph

He came...si Zack.

At tulad ng inaasahan ko, he always gives me that unexplainable stare.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin habang nasa kusina ako.

And get mad as soon as he finds out that it was me and not Lala.

I knew it, na may mangyayari oras na isuot ko ang damit na bigay ni Lala. I have this feeling habang nasa bahay palang. I can't deny it   nagustuhan ko talaag ang damit na yon pero hindi maalis ang kaba ko.

At nangyari nga ng makita ni Zack na suot ko yon.

Pakiramdam ko, pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

And there's Viveth...katulad ni Zack, napapansin ko din ang kakaibang titig nito.

I was stuck...yung hindi ko na alam kung ano pa ang ikikilos ko. Gusto ko nang umuwi. Pero parang may pwersang pumipigil sakin.

Yung feeling na, para bang any moment, may mangyayaring hindi maganda, kinakabahan, natatakot 

Kung para saan, hindi ko maipaliwanag.

"Ahm Elthon, Punta lang akong sa cr " bulong ko dito.

"Samahan na kita"

"Hindi na. Samahan mo nalang si Viveth" sagot ko dito, pero hindi ko na ipinarinig pa sa nobya nito.

"Are you sure?"

Tumango na lamang ako.

Sa gilid ako ng pool nagpunta. Kung saan walang tao. Pakiramdam ko, nasu-suffocate ako. Kina Viveth at Zack.

Ilang beses ako napabuntung hininga. Tila ba pati hangin sa katawan ko,  na stuck na rin .

"Didn't I tell you to stay away from them?" kahit hindi ako lumingon, kilala ko na ang boses na yon.

Kay Zack.

"Wala akong ginagawang masama para layuan sila. At sino ka para sundin ko" kalmadong sagot ko dito.

'The person who cared, unlike you"

"Bakit Zack? Ano ba ako? Ano ba talaga tingin mo sakin at sa tuwing magku-krus ang landas natin, wala ka nang magandang sinabi sakin. Puro ka paratang"

"I'm not accusing you. I was just  telling the truth. Ang mga katulad mo Seph, gagawin ang lahat, yumaman lang"

"Prove it" paghamon ko dito "Huwag kang puro akusa. Nakakasawa ka na. Para kang sirang plaka. Paulit ulit"

"Time will tell Seph. The moment you got what you want, is the time you will reveal yourself.  Acting sweet and innocent, but behind all of it, is a vicious woman"

"Tell me honestly Zack----nagagalit ka ba sakin dahil ang alam mo, pera ang habol ko kina Elthon at tita Divine or nagagalit ka, dahil hindi ikaw ang pinapansin ko"

"What are you saying?"

Tumayo ako at lumapit dito.

Nakakapagod na makipag talo sayo Zack...nakakapagod pakinggan lahat ng maling paratang mo...if I can't beat you through words, then let's play a game.

"I was saying----lumapit pa ako dito. Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa pisngi nito. Pababa sa leeg nito. Pababa sa dibdib nito "siguro nagagalit ka dahil hindi ikaw ang pinapansin ko----nagseselos ka dahil si Elthon ang palaging kasama at kausap ko" inalis nito ang kamay ko sa dibdib niya.

"Don't be fooled on yourself Seph. Hindi ang katulad mo ang gugustuhin ko"

"Really? Eh yung kanina" muli kong pinaglandas ang mga daliri ko mula sa ilong nito, pababa sa labi nito "Kung hindi ba ako humarap sayo, siguro mas higit pa doon ang ginawa mo----did I affect you Zack?" If teasing you was the only way para tigilan ako, I'm willing to do it.

"The hell, what are you thinking Seph? You're not even pretty, nor sexy"

"Are you sure?' Umikot ako sa likuran nito "Hindi kasi iyon ang nakikita ko ngayon" idinikit ko sa tainga nito ang labi ko. Napansin ko kasi ang paglunok nito habang nasa mga labi nito ang daliri ko kanina lang "Tell me, am I not sexy for you?" I did what he did to me while ago habang nasa kusina ako. Niyakap ko ito mula sa likuran teasing him continously.

"You're jealous right?" muling tanong ko.

"Go to hell" sagot nito.

"You can go with me----it's a pleasure" patuloy na pang iinis at panununkso ko dito. At sa nakikita ko, babae din ang kahinaan ni Zack.

Umikot ako pabalik sa harapan nito.

"Going with you? I'd rather kill myself" I smiled. Unti unti kong nakikita ang paghina ng depensa nito. From harsh words, to refusing.

"You had those beautiful lips Zack" muli kong dinama ang mga labi nito sa mga daliri ko. Kasabay ang muling paglunok ni Zack. Unti unti akong lumapit dito at napansin kong hindi ito lumayo.

Gotcha...landiin ka lang pala, matatalo ka na.

Nang halos magdikit na ang mga labi namin ay saka ako huminto at tumitig sa mga mata nito.

"Attractive ang labi mo----pero hindi iyan ang mga labing gusto kong matikman" saka ako nito itinulak palayo.

"Akala mo ba hindi ko alam ang nasa isip mo? You dared flirting with me. For what, to changed my mind. Not now, not even later Seph. I'm asking you for one last time, stay away from them kung ayaw mong ako ang gumawa ng paraan para layuan mo sila"

"At kung hindi ko gawin" Pang iinis ko parin dito.

Mabilis itong nakalapit sakin at saka ako mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Don't force me to do something you won't like Seph"

"Zack? Seph?" Si El.

"El " Pag tawag ko dito.

"Anong nangyayari? " tanong pa nito ng makalapit na sa min ni Zack.

"Muntik na siyang matulog sa pool. I just came in time kaya nahila ko siya. If not, she can be drown" sagot dito ni Zack.

"Is that true?" Baling muli sa akin ni El.

Tumango na lamang ako.

"Thank God you're okay. That pool is eight feet deep. Thanks Zack. By the way-----Lala is looking for you" pagbibigay alam ni kay Zack.

"It's okay------next time. Be careful Seph. Baka hindi ka na swertihin" makahulugang sabi pa nito bago kami iniwan ni El.

"You sure you're okay" tanong muli ni El.

"Ayos lang ako"

"Let's get in.  Malamig dito" pulling me on my arms.

To be continued...

What do you think...may next pa bang masaktan matinding encounter sina Zack at Seph? Or last na to?

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon