SL : 03

1.3K 105 13
                                    


"Salamat pala kanina. Hindi mo na dapat ginawa yon Elthon"

"Why not? He's abusive and forcing you" sagot ni Elthon.

"Alam ko pero pag ganon naman, may bouncer naman na nagbabantay doon. Pero thank you parin, and salamat din sa paghatid. Naabala na kita ng sobra"

"No worries. One way naman tayo. By the way, kilala mo na ko pero hindi ko pa alam pangalan mo"

"Oh I'm sorry. Seph nga pala" inilahad ko ang kanang kamay ko.

"Seph?" Kumunot ang noo nito.

Seph is common name for a guy kaya siguro nagtataka ito.

"September. Pero mas kilala ako bilang Seph " paglinaw ko.

"I see. So pano, una na ko. Ingat"

"Sige Elthon salamat ulit and ingat sa pag drive"

"El is fine with me. Sige" nag wave pa ito bago tuluyang umalis.

Magaan ang feeling ko para kay Elthon. Kahit alam kong anak mayaman, base sa model ng kotse nito, Pati ibang personal things. Halatang pang mayaman. Hindi kasi siya naiilang na kausapin ako kahit na sa bar lang ako nagtatrabaho.

Two years course lang kasi ang natapos ko. At sa mundo ngayon, kahit nga four years graduate hirap mag hanap ng trabaho, paano pa kaya sa isang katulad ko. Gusto ko sana maging isang doctor, pero kahit baliktarin ko pa ang mundo, malabong mangyari yon. Yung two years nga lang hirap na hirap pa akong tustusan, paano pa kaya ang pag do-doctor.

Matagal pa akong nakatayo sa labas ng bahay bago ko naisipang magpahinga na. Long day na naman bukas.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ni nanay ay hinanap ko agad ang cellphone ko.

Saka hinanap ang numero ng charity foundation na kumukupkop sa kaniya.

Sa mental health institution siya dapat naroroon pero hindi ko kayang tustusan ang mga gamot niya. Kahit mag triple kayod ako, kulang parin.

Nagkasakit siya sa pag iisip pitong taon na ang nakakalipas.

At ang dahilan ng pagkakasakit niya...walang iba kundi si tatay.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga panahong yon. Kung magagalit ba ako kay tatay sa pag iwan niya samin, o magalit kay nanay dahil nagpatangay siya sa lungkot ng pag alis ni tatay.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkaganon si nanay. Sabi ng ilan, dahil daw sa sobrang pagmamahal.

Naiinis ako sa tuwing maiisip ko na nang dahil sa pagmamahal ni nanay kay tatay, nawala siya sa katinuan.

At nagagalit ako kay tatay kung bakit niya kami iniwan.

Dalawa lang kasi ang nakikita kong dahilan ng pag alis niya,  nakakita na siya ng iba o napagod na siya sa amin.

Kaya sa edad kong bente dos, hindi pa ako pumapasok sa isang relasyon. Ang pinaka una't huli ay noong nasa third year high school palang ako. It's just a puppy love. Madaling lumipas.

Takot kasi ako.

Takot akong matulad kay nanay.

Takot akong makakatagpo lang ako ng isang katulad ni tatay.

Takot akong isugal ang puso ko.

Kaya kahit may mga nagpaparamdam sakin, binabalewala ko lang.

Nakakatakot...yung magmamahal ka ng lubusan, sa huli...iiwanan kang luhaan.

Focus nalang ako sa pagtatrabaho para sa pamilyang meron ako.

Pagka tapos kong makausap ang head ng foundation ay saka lang ako nag half bath at nag pahinga. 

Sabay tanaw sa kisame ng kwarto ko.

At doon ko inaaalala ang kabataan ko. Masaya naman kami noon, hindi mayaman pero para sakin, perpekto ang pamilya ko. May maayos na trabaho ang tatay, may mabait na kuya at maalagang ina.

Pero sa isang iglap, gumuho ang perpektong pamilyang nakamulatan ko.

Galing sa school, malapit na akong mag graduate non, nang datnan ko ang lumuluhang si nanay. Wala si tatay at kuya.

Nay ano po ang nangyari?

Umiling lang ito habang patuloy sa pagluha.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto nila ng tatay.

Nakita ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit nila. Wala na. Wala na ang mga gamit ni tatay.

Lumabas muli ako ng kwarto at nilapitan si nanay.

"Umalis ang tatay, bakit nay?" Tanong ko.

Pero ni isang sagot ay wala akong nakuha dito.

Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at buwan. Ang masiglahin kong ina, unti unti ay naglaho na. Napalitan ng isang tahimik at malungkuting anyo.

Hindi na nakikipag usap kahit anong pilit ko. Kumakain, kumikilos, humihinga pero mistulang patay. At yon ang nagpapahirap sa kalooban ko bilang isang anak. Ang makita mong gumuho ang mundo ng mahal mong ina dahil sa pag alis ng lalaking mahal na mahal niya. Dahil sa unti unting na siyang lumalala, minsan ay natatagpuan nalang ng ilang kapitbahay namin na kung saan saan daw na pupunta. Kaya ipinasya kong dalin na siya sa isang bahay kanlungan. Hindi ko siya kayang bantayan maghapon dahil kailangan kong kumayod.

Dumagdag pa sa problema si kuya Dexter. Ang dating responsableng kuya ay napasama sa mga dakilang tambay. Tambay sa sugalan, inuman at palaging napapasama sa gulo.

Isa lang ang hinihiling ko, ang palaging laman ng mga dasal ko, na huwag matukso ang kuya ko sa droga.

Kung bakit nagkaganito ang buhay namin, kung paano ko maibabalik sa dati ang lahat. Hindi ko alam.

Sumasabay nalang ako sa agos ng buhay.

Tok Tok Tok !!!

Ang mahinang pagkatok sa pintuan ang pumutol sa pagmumuni muni ko.

To be continued...

Stolen lives Where stories live. Discover now