SL : 28

1K 97 35
                                    

Unedited...

Seph

"Office girl. Kamusta ang first day?" Si kuya Nick. Katulad nga ng sinabi ko, hindi ko iiwan ang trabaho sa bar. Sayang din ang income.

"So far so good. Muka naman ngang mabait si Mr. Grey. Saka mabait din si Isa. Nakasundo ko agad" kwento ko.

"Binata pa boss mo?"

"Oo---pero sabi ni Isa. May girlfriend na daw"

"Girlfriend lang pala. Maghihiwalay din yon"

"Bitter ka kuya Nick"

"Tsssk. Kailan pa ako naging bitter sa pag ibig. O siya----maiwan na kita. Full house tayo ngayon. Kaya pa ba?"

"Ako pa ba. Fight fight fight" sagot ko dito sabay kuha ng tray at nagsimulang magtrabaho.

"Miss beer nga" Tawag ng isang costumer. Nasa may bandang sulok ito kung saan madilim at halos hindi mo na makita kung may tao ba o wala.

"Coming sir" malakas na sagot ko.

Pagbalik ko ay inabot ko agad ang order nito.

"Kamusta ang first day?" tanong ng costumer.

Saka ko lang nakilala kung sino.

Si Matt.

"Matt!"

"Sino pa ba?"

"Himala. Bakit ka ulit nagawi dito? " huling punta kasi nito sa bar na pinagtatrabahuhan ko...Kung hindi ako nagkakamali. Six months na siguro ang nakakalipas.

"Para I celebrate ang first day mo. So ano----

"Nagtatrabaho pa po ako. Kung maiintay mo yung out ko---Libre kita"

"Sure. Saan?"

"Dating gawi" sa may ihawan. Open kasi yon 24 hours dahil talaga namang napaka benta. Lalo na sa mga night shift ang trabaho. At yung mga nagtitipid.

"Sige antayin kita. Magtrabaho ka na"

Tinanguan ko nalang ito saka nagpatuloy sa trabaho.

"How's your first day?" isang lalaki ang nagsalita, malapit sa kinatatayuan ko.

Si Elthon...

"El!" nagulat o kinabahan. Sa totoo lang, iniiwasan  ko siya. Sila ng pamilya niya. Hindi dahil sa totoo ang mga bintang sa akin ni Zack. Ayaw ko lang maging dahilan ng gulo sa pamilya nila.

"No one else----nagulat ka ba?"

"Ha----eh medyo lang" simula ng iwasan ko siya. Hindi na rin ito masyado pumupunta sa bar. Dahil hindi ko naman nga siya kinakausap o hinaharap kapag hinahanap niya ako.

"Can we talk?" lungkot ba ang naramdaman ko sa boses nito.

"El---nagtatrabaho pa kasi ako"

"Nakausap ko na si Nick. He said yes----now can we talk?...sa VIP" pakiusap nito.

Ano ba dapat naming pag usapan? At sino ba ako para pag aksayahan niya ng panahon?

"Sige---susunod ako" sagot ko nalang.

Nauna na ito sa VIP saka ko hinanap si kuya Nick.

Nakita ko ito sa main office ng bar.

"Kuya Nick"

"Oh Seph. Nagkita na ba kayo ni Elthon?"

"Oo----bakit ka pumayag. Iniiwasan ko nga yung tao"

"Dahil nakiusap siya. Saka bakit mo ba iniiwasan. Mabait naman yung tao. Ilang beses ko nang tinanggihan yon---harapin mo na this time kung ano man ang reason mo sa pag iwas"

Stolen lives Where stories live. Discover now