SL : 70

749 96 45
                                    


Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa isang lugar na payapa.

Inabutan kong naglalakad ang pari papunta sa gitna ng altar. Malapit sa mga parokyano nito.

May gusto lang ako I share sa inyo mga kapatid. Kanina, habang papunta ako dito sakay ng van. May isang nilalang akong nakita na umiiyak. Nagkataon pa na sa tapat niya mismo huminto ang van ng panandalian. Pinagmasdan ko siya. At naramdaman kong ang bigat ng dinadala niya. Hindi lang kasi yon simpleng pag iyak. Wala tigil ang pag agos ng mga luha niya. Gusto ko sana siyang lapitan pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong mailabas niya ang lahat ng galit o sama ng loob na meron siya.

Habang palayo ang van, hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya.

Dinasal ko na sana...sana masumpungan niya ang tahanan ng Diyos. At kung naririto ka man, gusto kong ialay para sayo ang misang ito.

Lahat tayo may pinagdadaanan. Mayroon magaan lang, at meron naman...na ang pakiramdam mo, sobrang bigat. Na hindi mo na kaya. Na gusto mo nang sumuko. Huwag kang susuko anak...dahil hindi ka "Niya" sinusukuan. Lahat ng problemang pinapasan mo ngayon, sasabihin ko sayo, katuwang mo siyang pinapasan yan. Maaring hindi mo nararamdaman o nakikita ang ginagawa niyang tulong sayo. Pero sa bawat hakbang mo, kasama mo siya. At ibinigay niya yan sayo dahil alam niyang kaya mo. Na malalagpasan mo. Dahil may tiwala siya sayo. At kung ngayon, madilim para sayo ang lahat. Na pakiramdam mo, nasa isang kwarto ka na walang kahit isang liwanag na mababanaag, huwag kang matakot at mawalan ng pag asa. Dahil gagawa at gagawa siyang paraan para makita mo ang daan...at sa daang yon, naroon ang liwanag. May ipapadala siyang tulong sayo. Hindi ka mag iisa. Dahil walang nilikha ang Diyos na mag isa. Lahat may kaparis, may kasama. Laban lang anak...huwag kang susuko. Dahil iyan ang magpapatibay sayo. Tibay na makakamtan mo oras na malagpasan mo na ang lahat, at ang TIBAY na yan ay magiging katatagan mo..katatagan na ihaharap mo sa anumang hamon sa buhay.

Para sayo anak...Kung malagpasan mo na ang lahat ng yan, nais ko sanang makita kang muli. Gusto lang kitang yakapin. At makita kang nakangiti. Na may isang buhay na muling binago ng Diyos. At alam ko, sa pagkikita natin...hindi ka na mag isa. Dahil may isang taong ipapadala sayo ang Diyos na makakasama mo. Makakasama mo...sa hirap at ginhawa.

Anak...hindi ka nag iisa.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga sandaling yon...basta na lamang muling umagos ang mga luha sa aking pisngi. Tila ba ako ang tinutukoy ng pari. Na ako ang kinakausap niya. Na alam niya ang nararamdaman at pinagdadaanan ko.

Sana nga...may isang taong ipinadala para sa akin ang Panginoon na makakatulong sa mga problema ko. Na tutulungan akong makaahon sa hirap na pinagdadaanan ko. Na hihila sa akin palabas ng magulong mundong ginagalawan ko ngayon...

-

Pagbalik ko sa hospital ay nalaman kong kinausap ng doctor ang kuya. At nalaman kong mas delikado na ang lagay ng nanay. Hindi na ito nakalabas ng ER simula pa kaninang dumating ako. Kumalat na ang pamamanas sa buong katawan nito na nagpapa hirap sa kanya.

"Seph hindi ko na alam ang gagawin ko" Nakayuko si kuya habang sinasabunutan ang sarili. At ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. Dahil wala naman kaming pinag kaiba ng nararamdaman. Wala na siyang magawa at naiintindihan ko. 

Pero ako...meron pa. 

Pero mabigat ang magiging kapalit non. Ang maging alipin ng isang taong kinamumuhian ko.

Pero ano ba ang mas pipiliin ko?

Ang maisalba ang buhay ng nanay o ang tanggapin ang magiging buhay ko sa piling ni Zack?

"Kuya kumain ka na muna. May binili akong pagkain sa labas. Aalis muna ako saglit"

"Saan ka pupunta? Papagabi na" Pag aalala nito.

"May lalakarin lang ako sandali. Huwag kang mag alala, malapit lang naman yon. Babalik din ako agad"

"O sige. Mag iingat ka ha. Tumawag o mag text ka ha" bilin pa nito.

"Oo kuya. Ikaw na muna bahala kay nanay ha--at kung ano man ang mangyari sa lakad ko, ikaw lang ang maasahan ko" Gusto ko sanang sabihin  ang nasa loob ko pero hindi ko na ginawa.

Makaligtas lang ang nanay ko...lahat kakayanin ko. Kahit pa anong buhay ang kaharapin ko...buhay na gustong mangyari ni Zack. 

Muli akong sumakay ng bus pabalik sa lugar kung nasaan ang taong makakatulong sakin.

Tulong na may mabigat na kapalit. Pero aanhin ko ang tahimik at payapang buhay kung kapalit naman ay ang buhay ng sarili kong ina. Kung siya man ang nasa lugar ko, alam kong gagawin din niya ang lahat. Dahil walang magulang ang makakatiis pagdating sa kapakanan at kaligtasan ng kaniyang anak. At ganoon din ako...wala akong hindi gagawin para sa mga mahal ko sa buhay.

Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.

To be continued...

You will truly understand what true LOVE means...If you can sacrifice your own happiness, even your own life for the sake of someone you love...

P.S

Huwag naman po sana ako ma bash regarding sa message ni "Father"

Stolen lives Where stories live. Discover now