Chapter Twenty-Six

Start from the beginning
                                    

Sumanib siya sa katawan ko kanina, humarap siya sa salamin at pinasadahan ako ng tingin. Ngayon, sa sinag ng lampara, nakita ko ang pamilyar na paghanga at pagmamahal sa kaniyang mga mata. Nalusaw pa rin ako.

Bukas ang ilaw at nakikita ko siya nang maayos.

Pumalahaw ang sigaw ng kaluluwa matapos kong maramdaman ang kaniyang labi sa akin. Gusto ba niya akong tumigil at itulak ang katawan niya palayo? Wag daw. Tumugon ako sa halik sa paraan na alam ko. Ginala ko ang mga daliri sa kaniyang braso, dibdib, at likod. Dama ko ang magaspang niyang mga daliri sa mga bahagi na tinatagusan lang araw-araw na kaluluwa niya. Hawak na niya ako ngayon.

Lalong lumalakas ang sigaw, halos mabingi ako. Dahilan ito para huwag tumigil. Mula dibdib, gumapang ang mga daliri ko pababa ng katawan niya, lampas sa garter, nadama ko ang paninigas niya sa bawat tingin at haplos sa aking katawan. Dama ko ang kaniyang daliri sa aking ibaba, suminghap ako. Hirap siyang ipasok ang dalawang makapal na daliri. Bigla siyang napangiti bago ako hagkan, pinapahiwatig na alam niyang wala akong karanasan.

Saka niya ako hiniga, lumapat ang likod ko sa malamig na kama. Dama ko ang bigat niya matapos niyang sumampa sa itaas. Sa kaniyang halik, natikman ko ang pamilyar na flavour ng toothpaste. Gumapang ang mga halik niya pababa, pinaghiwalay niya ang aking mga hita na parang binuksan niya ang kurtina, tignan ang magandang tanawin sa labas. Tumaas-baba ang aking dibdib, hinahabol ang hinga ko—dama ko ang labi at dila niya. Sinuklay ko ang mga daliri sa kaniyang buhok.

Naghalo sa aking pandinig ang sigaw ni Maki at ang kabog ng puso ko. Nanlabo ang paningin ko, namumuo ang luha habang tinitignan ko ang kisame. Pumikit ako at umiyak.

Maingat niyang pinasok ang isang daliri, inikot-ikot ito sa loob ng aking pader, kasabay ng paggalaw ng kaniyang dila. Saka siya nagpasok ng isa pa, sinasanay ako sa sukat ng pagkalalaki niya. Suminghap ako sa kirot, nababatak ako.

May namumuo sa loob ko, tumataas nang tumaas, dahilan para bumaluktot ang mga daliri sa aking paa, para mapahawak ako sa kumot at unan. Dinig ko ang singhap niya, ang pagbilis ng kaniyang hinga. Nag-angat siya ng ulo matapos marinig ang aking hiyaw, pinanood kung paano ko nawala at pinamigay ang aking puso, kung paano niya ginising ang kaluluwa kong matagal nang tulog.

Saka siya kumawala. Dama ko ulit ang bigat ng katawan niya matapos sumampa sa taas ko. Naglapat ang aming noo, dama ko ang kaniyang hinga, dama niya ang sa akin. Sa munting sinag ng ilaw, kita ko ang kulay ng kaniyang mga mata, ang kaniyang mahabang pilik mata, ang bilog nitong hugis na naniningkit sa tuwing siya ay masaya at galit.

Lumalim ang hinga niya matapos sumubok na ipasok ang pagkalalaki sa masikip kong pagkababae. Matagal bago ako nasanay sa sukat niya. Kita ko kung paano sakupin ng paradiso ang kaniyang utak sa sikip, dahilan para lalong masaktan ang kaniyang kaluluwa. Umungol siya sa sarap. Humiyaw ang kaluluwa niya sa sakit. Tiniis ko ang kirot nang mapunit ang aking pagka-inosente. Ayokong tumigil.

Ang kirot na dinadama ng kaluluwa niya, walang pinagkaiba sa kirot na dinama ko matapos gamitin ang lagare para putulin ang alahas sa aking kamay. Rumurupok ang gintong punseras na suot ng kaluluwa, hinihigop siya pabalik sa kaniyang katawan, dahil sa bawat niig ng aming katawan, kumakalat ang init sa buong katawan niya, kailangan niya ang sariling kaluluwa dahil mahal niya ako.

Pinalibot ko ang mga kamay sa kaniya, niyapos siya nang mahigpit. Tinawag ko nang tinawag ang kaniyang pangalan, umaasa na babalik siya sa tamang kalalagyan. Naalala ko noong bata pa ako. Pumasok ako sa loob ng bilihan ng manyika. May nakita akong expensive porcelain doll sa loob ng glass case. Lumapit ang saleswoman, nilabas ang manyika sa casing, ngumiti, at binigay sa akin. Kinuha ko siya at niyakap, hinimas ang buhok. Kahit pa gusto ko ang manyika, hindi niya tirahan ang aking mga braso. Kailangan ko siyang ibalik sa tamang lagayan para mapanatili siyang maayos.

Yumuko siya at hinalikan ako sa tainga. Malalim ang kaniyang paghinga, tuluyang naglaho sa kawalan.

Inabot ko ang switch ng ilaw sa sidetable at sinarado ito. Sa pagkalat ng dilim, doon ko siya nakita. Pintado ng kirot at sakit ang kaniyang mukha. Tulad ng tinipay na kinurot, dahan-dahan siyang nauubos, hinihigop pabalik. Nagtama ang aming mga mata, lumalabo siya sa paningin ko dahil sa mga luha na hindi ko mapigilan.

"I told you not to close the lights," nakuha pa niyang ngumiti.

"Maki... Wag mo 'kong kalimutan." Tumulo ang aking mga luha.

"Sabihin mo sa akin araw-araw na mahal mo ako. Makakalimutan ko 'yon. Tandaan mo. Hindi ko na maririnig ang iniisip mo magmula ngayon."

Napangiti ako.

"Gagawa tayo ng panibagong memorya. Ikaw at ako. Pangako." Yumayanig ang punseras na suot ng kaluluwa habang tumatagal, at humiyaw siya sa sakit.

"Maki... Maki... Maki..." Kaya kong gawin iyon buong gabi—tawagin ang kaniyang pangalan.

Umungol ang katawan niya. Dahan-dahan siyang gumalaw, dinadama ang sensasyon, maingat na hindi ako masaktan.

Tuluyang nasira ang punseras. Nalusaw ito at naging alikabok. Kita ko kung paano siya unti-unting hinihigop pabalik sa kaniyang katawan. Dumilat siya at nagtama ang aming mata.

"Mahal kita," bulong ko.

"Mas mahal kita. Iyon ang totoo," tugon niya. Bumalik ang dilim sa aking paningin matapos siyang higupin nang buo pabalik sa kaniyang katawan.

Sa loob ng bilihan ng manyika, lumapit ako sa glass case, binuksan ito, at binalik ang manyika sa tamang lagayan niya.

Inangat niya ang ulo. Nagtama ang aming mga mata. May ngiti na sumilay sa kaniyang labi, isang tingin ko pa lang, kitang-kita ko ang pagbabago, nagkaroon ng buhay ang kaniyang ngiti. Inagat niya ang kamay at hinawi ang buhok ko, pinalis ang pawis sa aking noo. Lumunok siya bago niya sinabi, "Mas mahal kita. Iyon ang totoo."

Tinulak ko ang ulo niya pababa, ngumiti ako bago sinakop ang kaniyang labi.

Buksan ang puso, isip, at kaluluwa. Haluin. Saka lang babalik ang naliligaw na espirito sa sarili nitong katawan. 

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now