Chapter Three

431 52 8
                                    

"WHAT THE FUCK am I doing here?!"

Dumilat ang mga mata ko sa narinig na boses.

Pumapasok ang sinag ng araw sa salamin ng bintana, ang tanging ilaw sa kwarto ko. Umuugong ang air conditioner, bumubuga ng malamig na hangin. Malamig ang bed sheet at pillow case ko. Malambot ang kama. Amoy sa unan ang amoy ng aking buhok.

Sabado ngayon. Gabi na ako nakauwi kahapon galing Divisoria. Si Ate Teresa ang bantay sa tindahan. Wala akong responsibilidad kaya babalik ako sa tulog.

Kumurap-kurap ako at pumikit.

Nasaan na nga ba ako sa panaginip ko? Ah! Sinasawsaw ko ang cracker sa chocolate fountain...

"Nasaan ako?! Anong nangyayari?! Paano ako nakapunta dito?!"

Dumilat ang mga mata ko sa narinig na boses. Kinuha ko ang unan at saka tinakpan ang tainga ko.

"Jenny!!!" pagtawag ko sa aking kapatid, "Hinaan mo ang TV! Putragis! Natutulog ako!!!"

Paboritong channel ni Jenny ang Cinema One. Nanonood siya sa living room. Abot sa kwarto ko ang volume. Ganito po kabingi ang bunso kong kapatid.

Babalik na sana ako sa dessert table kung nasaan ang chocolate fountain nang...

"AHHH!! What the fuck is happening?! I can't touch anything!"

That was it! Pinalabas na ako ng mga waiter sa restaurant, kinuha nila ang cracker ko, at inilayo ako sa chocolate fountain habang buhay. Disapointed sila kasi nabibitiwan ko ang cracker at tumutulo ang chocolate sauce sa sahig. Ang ingay kasi ng TV ni Jenny!!!

Bumangon ako at tumayo sa kama. Dama ng aking mga paa ang malamig na tiles—agad kong hinanap ang slippers at sinuot ito. Kinuha ko ang remote at sinara ang air conditoner. Lumakad ako sa table at kinuha ang phone ko. Sabi ng lockscreen, 7:21 AM, 13 September, Saturday.

Nag-unat ako ng buto at muscles sa leeg, braso, balakang, at paa—pikit-mata. Saka ko dahan-dahan hinubad ang bestida kong pantulog. Malamig ito dahil sa mababang temperatura ng kwarto ko.

"Ahhh!! Shit! Fuck!"

Umiling na lang ako. Grabe talaga si Jenny! Bingi na! Makakatikim siya sa akin ng bunganga paglabas ko ng kwarto. Hindi talaga makikinig sa 'yo kung hindi mo sisigawan nang wagas.

Tiniklop ko ang bestidang pantulog. Saka ko inayos ang kama ko.

"Put on some clothes before you do anything stupid!!!"

Ano bang pinapanood ni Jenny?! Parang pamilyar ang boses lalaki na gumising sa akin. Boses ata 'yon ni Sam Milby? Gerard Anderson? James Reid? Ewan. Medyo conyo. Halatang Inglesero.

Matapos ayusin ang kama, humarap ako sa salamin. Tuwing umaga, humaharap ako sa salamin para i-check ang boobs ko kung may bukol. Prone ang mga babaeng may malaking joga sa breast cancer. Health conscious ako.

Tinaas ko ang kaliwang kamay at kinapa ang kaliwang dede. Sinimulan ko sa area malapit sa nipple. Naku! Sensitive ang utong ko. Mukhang malapit na naman ang menstruation ko.

"Stop! Stop this insanity! I can't take it! Hindi mo ba ako nakikita, Jaja?!"

"Jenny, papatayin kita paglabas ko ng kwarto!!" sigaw ko, "Mahiya ka sa kapit-bahay! Hinaan mo ang volume ng TV!!" Anong movie ba ang pinapanood ng bruha kong kapatid? Grabe ang boses. Rinig na rinig ko ang singhap at lalim ng hininga ng lalaki. "Lagot ka kay Mama! Sasabihin ko nanonood ka na naman ng horror movie!!"

Banned ang horror movies sa bahay namin. Kaya kung gusto ni Jenny manood ng horror, sa kwarto lang niya. Ang sabi ni Father Lito, lalong ginaganahan ang demonyo at masamang espirito kapag ang tao ay nanonood ng horror movie.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now