Chapter Twenty-Four

356 32 0
                                    

DALAWANG araw ang lumipas simula nang magkita kami sa balkonahe. Sa mga panahon na 'yon, ginugol ko ang oras sa tindahan ko. Walang nagbago sa Divisoria. Tatakbo pa rin ang mundo kahit pa ayaw mo nang huminga.

"E, kamusta naman ang romantic date niyo ni Chua Ma Qui?" hawak ang red nail polish tester, excited na naghintay si Deedee ng kwento mula sa akin.

Hindi ako sumagot.

"Saan ka niya dinala? Sa mamahaling resto ba?" Nagtitili siya, "Siguro sa sosyal na lugar, ano?!"

Hinaplos ko ang aking punseras.

Tumaas ang kilay ng best friend ko. "Kahapon ka pa tahimik. Di kita na-usisa kahapon kasi ang daming customer. Ba't ganiyan ang itsura mo? May nangyari bang masama?"

Sa tinagal kong kasama si Maki, walang araw na tumahimik ang bawat segundo. Ang mga reklamo niya, patutsada, sarkasmo, kaartehan, kasungitan... Mas malaki siya kaysa sa sarili kong anino. Gusto kong sumigaw kay Deedee. Kaso tuloy pa rin ang mundo sa pag-ikot, ayaw man lang ako bigyan ng pagkakataon na habulin ang sarili kong hinga.

Binitiwan ni Deedee ang red nail polish, at hinawakan ako sa dalawang braso. Sumayad sa punseras ko ang kuko niyang basa ng nail polish, namukha itong dugo sa gintong alahas ko. Sumeryoso ang mukha niya at sinuri ako nang buo. Tinapatan ko ang titig niya hanggang sa tumango-tango siya. Hinablot niya ako. Wala nang tanong. Wala nang usap. Kinulong niya ako sa isang mainit na yakap at saka ako humagulhol. Humigpit ang kapit ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

Sinulit ko ang yakap at suporta niya. Hanggang sa kumalas siya at nahuli ko siyang nagpapalis ng luha. Tingin ko, uhaw ang lahat ng tao sa ganitong klaseng suporta. Hindi kasi tayo mahusay sa salita. Ang simple at totoong yakap, kailangan ng mahusay na salita bago ka nito bigyan ng isang tao. Kaya matuturing itong milagro: sa isang tingin, nabasa ng isang taong walang pinag-aralan ang damdamin ko.

Tapos, pumasok si Rodrick sa loob ng tindahan ko.

"Miss Jaja," sabi ni Rodrick, aligaga.

"Rodrick?" aniya ni Deedee. "Napadalaw ka. Kasama mo ba si Maki?"

Umiling siya. "Iyon na nga ang dahilan kung bakit ako nandito. Pinapasundo sa akin ni Sir Maki si Miss Jaja papunta sa office niya. Sobrang busy si sir sa nagdaang araw. Palaging may kausap sa telepeno. Hindi siya umaalis ng opisina, hindi siya kumakain... Miss Jaja, nag-away ba kayo? May nangyari bang masama noong date niyo?"

"Anong problema ni Maki?" sabat ni Deedee.

"Nag-aaway ang buong angkan ng Chua simula pa kaninang umaga."

"Hindi kami nag-away," sgaot ko. "Bakit nagkakagulo ang pamilya nila?"

Napalunok si Rodrick. Tumingin siya kay Deedee at tumingin siya ulit sa akin. "Baliw na ata si Sir Maki. Sigurado ka bang hindi talaga kayo nag-away? Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit niya gagawin ang lahat ng 'to."

"Bakit nga?!" bulalas ni Deedee.

"Lahat ng bank accounts, negosyo, sasakyan, ari-arian, bahay at lupa..." bulong ni Rodrick, "Ibibigay ni Sir Maki sa charity foundation. LAHAT. Wala siyang ititira kahit isang sentimo sa pangalan niya. Isusuko niya ang lahat."

In my mind, I heard glasses being shattered to million pieces.

"Naroon na sa opisina ang coordinator ng charity foundation. Magpipirmahan na sila ng kontrata sa opisina. At pinapasundo ka ni Sir Maki sa akin. Dalhin daw kita doon sa kaniya."

Sa lumipas na mga araw, hindi ako umikot sa buong Maynila para hanapin ang bakas ni Maki. Alam ko naman. Binigbigyan ako ni Vixon nang oras para mag-isip. At sa tingin ko, handa na ako.  

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now