Chapter Twenty-Three

362 33 4
                                    

FINE DINING restaurant sa Bonifacio Global City ang piniling restaurant ni Chua Ma Qui. Ang sabi sa akin ni Maki, iyon ang paboritong restaurant ng mga Chua. Sa L'Opera Cielo Italiano ang madalas na venue ng kanilang family reunion once a month. Nasa roof deck ito ng high-rise building ng Amores Hotel.

Matapos malaman ni Jenny ang tungkol sa aming date ni Chua Ma Qui, pumutok ang butse niya. Pero nang malaman niya kung ano ang plano kong suotin, pinatawad niya agad ako at pinahiram ng mga damit niya na kasya sa akin. Wag ko daw sirain ang pangalan ng aming pamilya gamit ang damit at sapatos na binili ko sa DV.

Suot ang coral cocktail dress at brown wedge heels, sumakay ako sa elevator paakyat sa tuktok ng Amores Hotel. Isang malaking glass dome ang roof ng fine dining restaurant. Sinakop nito ang buong floor. Nakabitin sa taas ang bilog na chandelier, kumikinang na parang buwan. Kahit saan ka lumingon, kita sa mga glass walls ang Metro Manila Skyline. Nagbubukas lang ang restaurant pagsapit ng sunset dahil mainit daw sa umaga at tanghali. Linya-linya ang halaman sa gilid ng mga pader. Sa gitna ng restaurant, naroon ang isang malaking fountain na siyang iniilawan ng neon lights. Tumpok ang mga tao pagdating ko. Buti na lang at tinulungan ako ni Jenny dahil magarbo ang suot ng diners, kumikinang ang suot nilang mga alahas sa kislap ng chandelier at table candles.

Pagpasok ko pa lang sa restaurant, sinalubong na kaagad ako ng host, tinanong ang pangalan ko. Ngumiti ang host.

"Good evening, Miss Jaja. Mr. Chua has been waiting for you," sabi ng host, "Please, follow me."

Napalunok ako matapos makita ang diners. Wala akong makitang pangit sa paligid. Lahat sila, mukhang mayaman at miyembro ng alta sociedad. Ano nga bang ginagawa ko dito? Parang hindi ako bagay.

"Smile," bulong sa akin ni Maki, "We don't know what's going to happen. So you have to keep your head high."

Ngumiti ako. Natanaw ko ang table na siyang pagdadalhan sa akin ng host. Naroon siya. Iniilawan ng kandila ang ngiti sa kaniyang mukha. Bigla siyang tumayo at namulsa, hinintay akong makarating sa kaniyang harap.

Tumikhim ang host. "Your lovely date has arrived. Enjoy your evening." Ngumiti siya at umalis na.

"I'm glad you decided to join me," sabi ni Chua Ma Qui.

"Thank you for the flowers."

Umiling siya. "I wanted to do that a long time ago. But I was too scared that you would shove it on my face. You see, I know you hated me. And I won't blame you. Everybody hates me. Natakot ako na tatanggihan mo ako." Ngumisi siya.

"Is he mocking me?! He's mocking me, right?!" violent reaction ni Maki, "I'm not scared, dufus! A-a-ayoko lang talagang magtapon ng pera sa bulaklak na alam kong mabubulok din naman. Praktikal lang ako." Kumawala ang boses ko at yumanig ang aking balikat kakatawa.

Kumunot ang noo ni Chua Ma Qui. "Is there something funny?"

"Sorry. I just can't believe it. I feel like you have so many faces and you really took me by surprise."

Humagikgik din siya tulad ko. "Well, I hope you don't mind. I took the liberty of ordering our meals. May gusto kasi akong ipakita sa 'yo."

Tumaas ang kilay ko nang yayain niya ako sa balkonahe ng restaurant. Binuksan niya ang pinto at sabay kaming lumabas. Nahagit ko ang sariling hininga matapos makita ang balkonahe. Hindi lang ito basta roof deck. Kinokonekta ng balkonahe ang dalawang high-rise building ng Amores Hotel. Bulletproof glass ang sahig at see through. Kapag yumuko ka, makikita mo ang seventy floors pababa ng gusali at titibok nang malakas ang puso mo sa kaisipan na mababasag ang salamin ang mahuhulog ka sa iyong kamatayan.

Bigla akong nanigas. Narinig ko si Chua Ma Qui na humagikgik. Nahuli ko siyang hinuhuli ang reaksiyon ko.

Yumuko ako at umihip nang sobrang lakas ang hangin. Sa ilalim ng aking paa, nakita ko ang gatuldok ng mga tao, naglalakad papasok sa lobby ng hotel. Biglang nangatog ang tuhod ko at para akong masusuka sa lula. Naglalaro ang mga bata sa paligid ko. Magarbo din ang suot nila tulad ng mga taong nasa loob ng restaurant. Tumalon ang isang bata, pumapadyak nang malakas, sinusubukan kung hindi ba talaga mababasag ang salamin. Ang iba namang bata, hindi makapaglakad nang maayos dahil takot sa heights.

Cage My SpiritTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang