Chapter Twenty-Two

355 34 6
                                    

"SALAMAT! BALIK ulit kayo," pagbati ko sa customer matapos nilang magbayad sa cashier. Humikab ako nang matagal at pinalis ang luhang namuo sa mga mata ko.

"Ayan kasi," sita ni Maki, "Nagpuyat kagabi kaya sobrang inaantok ka ngayong alas tres ng hapon."

Pero hindi din nagtagal, biglang nagising ang kawatang lupa ko.

"JAJA! JAJA!" sigaw ni Manang Luisita. Tumakbo siya papasok sa loob ng tindahan ko. Ang itsura niya, parang nasusunog ang tindahan niya. "Hija! Hija!" Kasabay ni Manang ang squad ng mga tsismosa sa kaniyang likod.

"Bakit po?! May problema po ba sa tindahan niyo?!"

"Hindi!" Tumigil si Manang at ang kaniyang squad sa harap ko. "Totoo ba ang balita?! Ikaw na nga ba ang girlfriend ni Chua Ma Qui?!" Hinablot ni Manang Luisita ang braso ko at tinignan ang bracelet. "Aba! Tignan niyo!! Parehas nga sila ng punseras! Couple bracelets, hane??"

"Aba! Mukhang mamahalin!"

"Nanalo sa lotto si Jaja."

"Unang kita ko pa lang sa dalagang 'yan, alam kong may masusungkit siyang matabang isda."

Sumimangot ako. Matabang isda? Anong akala nila sa akin? Fisherman?

"Saan niyo naman po narinig 'yan?" namaywang ako. "Kay Deedee?"

"Jaja!" Sigaw ni Deedee matapos pumasok sa tindahan ko. Kasama ni Deedee ang isang lalaki. Pero hindi namin makita ang mukha niya kasi natatakpan ng malaking bungkos ng mga bulaklak. Umihip ang hangin at nasamyo ko ang matamis nitong amoy. Humawi sina Manang Luisita at pinadaan sina Deedee. Binaba ng lalaki ang bulaklak at nakita ko si Rodrick na ngumiti nang pagak. Binaba niya ang bouquet sa counter ko.

"Delivery galing kay boss," sabi ni Rodrick. Inabot niya sa akin ang isang card.

"Oh, my gosh!" bulalas ni Deedee.

"Eeeck!!" sigawan sina Manang Luisita.

Napanganga ako.

Dumami ang mga usisero. Lumingon ang mga tindero/tindera sa tindahan ko.

Sunflowers, red and pink roses, dandelions, and everything nice... Inamoy ko ang mga bulaklak at kinuha ang card mula kay Rodrick. Ang sabi, Can I take you out on a nice dinner? Please, say yes. – Maki

"Carpe Diem," sarkastikong komento ni Maki, "If this is Vixon, he's really pissing me off."

Patibong ba ito ni Vixon? Pupunta ba ako? Pagod na akong magtago sa isang sulok.

"Maybe you should go. Tapusin na natin 'to, Jaja. Kailangan ko nang bumalik sa katawan ko." 

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now