Chapter 27: A5

10 7 9
                                    


Kylie's P.O.V

Sunday..

Hanggang ngayon hindi ako maka move on na nandito na si Kaizar. Bumalik na siya! Ang laki din ng improvement na nang yari sakanya.

*kring*

Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko bigla ang pangalan ni Lexi. Sinagot ko naman ang call.

Kylie: Bakit ka napatawag Lexi? May kailangan ka ba?

Lexi: Wala naman. Yayayain lang sana kita kung puwede ka pumuntang starbucks. Kasama nga pala sila Iella, May at Cember.

Kylie: Weh? Kasama si Cember? Totoo ba yan?

Lexi: Oo nga. Kulit.

Kylie: Sige pupunta ako.

Lexi: Great. Sunduin nga pala ikaw ni Cember ng mga 3:00 pm sharp. Nandun na kami nun. Bye.

Kylie: Sige. Bye.

Inend ko na ang call nun. Ngayon ay 1:00 pm na. Inayos ko narin ang mga dadalhin ko para bukas na pag kain at first aid kid ag extra clothes. Hindi naman overnight yung school's united pero I want to be prepared sa kung ano mang puwedeng mang yari.

At good news din dahil iba na ang section ni Faira. Good news din dahil hindi siya sasama dahil daw nakaka tamad at baka daw ma haggard siya. Tsk. Daming alam noh?

Dahil maaga pa ay natulog muna ako sanadali. Nagising na ako ng 2:00 pm. Hinugasan ko muna ang sarili ko para presko naman ako kahit papano. Sinuot ko narin pants at crop top na damit ko. Long sleeve na crop top yun na may hood. Color light blue. Tinali ko rin ang buhok ko na ponytail. Nag rubber shoes narin ako.

"Maam! Nandiyan na po ang mga kaibigan niyo!" Sabi ni manang habang kumakatok sa pintuan. Tinignan ko ang oras at saktong 3:00 pm na.

"Opo manang! Bababa na po!" Bumaba na ako at agad na ako lumabas. Alam ko kasing nasa labas sila dahil ayaw na nilang pumapasok dahil baka sigawan ko sila.

Nakita ko agad ang puting van at alam ko na kay Cember yun. Binuksan na nila ang pintuan ng van at pinapasok ako. Bumungad agad sakin ang mga kaibigan ko. Si manong driver nila Cemby ang mag mamaneho. May kasama din si Cember na kasambahay nila. Sosyal.

Binati namin ang isa't-isa ng 'hi' syempre haha! Umupo ako sa likod kasama si Cember. Nakatingin lang si Cember sa labas ng bintana na halata mong maraming iniisip. Si Lexi naman ay may kachat. Siguro si Andrew. Si Iella naman ay naka headphones. Si May naman ay tulog.

Si Cember ay naka maroon na t-shirt at naka pants din pero may jacket siya. Si Lexi naman ay naka skirt at sweater, color yellow. Si Iella ay naka maong shorts at v-neck na shirt na color white. Si May ay naka dress naman na color white din.

Nung nasa starbucks na kami ay nagsi babaan na kami. Pumunta agad kami sa loob. Nag hanap na kami ng mauupuan.

"Sino mag order?"

"Syempre ang pinaka bata." Sabi ni Cember. Ito nanaman tayo.

"Anong ako? Ikaw muna tanda." Naasar naman si Cember.

"Hep! Hep! Ako nalang. Mag aaway pa kayo eh." Sabay tayo ni Lexi tapos tumayo din si Iella.

"Sama aku." So yun nga. Tinanong nila kung ano yung order namin. Sinabi naman namin.

"Prepared na ba ang mga gamit niyo para bukas sa schools united?" Tanong ko.

"Syrempre. Pati baril nahanda ko na." Luh. Seryoso ba diyan si Cember? Ewan. Pero seryoso yan si Cember. Ay aba ewan.

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now