Chapter 21: Late

10 6 4
                                    

Sean's P.O.V

Pag gising ko pa lamang ay agad na ako tumayo at pumunta sa cr. Good mood kasi ako ngayon sa hindi ko alam na rason. Bahala na.

Nung natapos na ako maligo ay pumunta na ako sa walk in closets ko at kinuha ang uniform ko at sinuot. Sinuot ko narin ang socks at school shoes ko.

Nung naka labas na ako sa walk in closet ko ay inayos ko na ang buhok ko at lumabas na ng kuwarto. Tinignan ko ang relo ko at 5:30 am palang pala.

Pumunta ako sa kuwarto ni Tashaun. Kabila lang naman ng kuwarto ko yung kuwarto niya eh. Gigisingin ko din kasi siya dahil may pasok din yung batang yun. At as what I expected ay tulog pa siya. Tsk. Tulog mantika.

Narinig kong nag ring ang alarm clock ni Tashaun at kinuha niya yun pero tulog parin siya. Akmang ibabato na niya yung alarm clock pero pinigilan ko siya.

Ngayon alam ko na kung bakit palagi siya nag papabili ng mga alarm clock. Tsk. Sisirain tapos mag papabili. Gastos ah.

"Huh? Kuya?" Kinusot-kusot pa ni Tashaun ang mga mata niya at nilakihan niya.

"What?! How did you get in?" Takang tanong ni Tashaun.

"The door is open."

"Why didn't I locked it?."

"Maligo ka na at baka malate ka pa." Hindi niya ako pinansin at bumalik uli sa tulog. Ganyanan pala ah Tashaun.

"Sige. Bahala ka diyan. Bye." Hindi na niya ako pinansin pa at nag lakad na ako paalis. Bahala siya malate. Wag niya lang sakin sabihin na hindi ko siya ginising dahil ginising ko siya.

Bumaba na ako at pumunta sa table para kumain. Si ate Thyra ay nandito narin pero wala si kuya Hartez.

"Ate? Nasan po si kuya Hartez?"

"Ay si si kuya Hartez? Ayun. Nasa kuwarto. Tulog mantika." Parehas pala sila ni Tashaun. Like brother nga naman. Kumain na ako pati narin si ate Thyra.

Ngayon ay mga bandang 6:20 am na. Kailangan ko na umalis.

"Mauna na po ako ate?" Tumango si ate pero bago ako makaalis ay may narinig akong bosses galing sa hagdan.

"What time na po?" Nakita ko si Tashaun na nakapang tulog parin habang kinukuskos ang mga mata. Akala ko naman nakaligo na. Hindi nga naman siya mapag aasahan. Simpleng pag ligo hindi pa nagawa.

"Tashaun? Hindi ka pa naliligo? Mga 6:20 am na!" Sigaw ni ate Thyra na naging dahilan na nagulat si Tashaun.

"What?! Kuya! Why didn't you wake me up? Im gonna be late!" Ako pa talaga sinisi ah. Galing.

"What?! Ginising kita noh! Palibhasa hindi ka nakinig kaya yan tuloy."

"Argh! Wait for me kuya!" Sabi niya sabay takbo papunta itaas.

"Bahala ka diyan! Ayaw ko malate! Magpa hatid ka nakang kay manong!" Sigaw ko para marinig niya.

Kinuha ko na ang bag ko at nagpa alam kay ate Thyra na aalis na ako. Sina mom and dad naman nakaalis na daw nung 4:30 am pala kasi may gagawin daw silang urgent.

Pumunta na ako sa sasakyan ko at nag drive. Bahala na. Habang papalapit ako sa school ay parang nakita ko si May. May kausap siyang lalaki na pamilyar sakin. Pero hindi ko maalala. Bahala na. Wag na muna ako makekealam.

Puro ako 'bahala na' ah. Bahala na nga.

Nung nasa school na ako ay pinark ko na muna ang kotse ko at kinuha na ang bag ko. Pumasok na ako sa loob ng gate. Dumeretso ako sa tambayan naming mga lalaki. Sa likod yun ng school. Tinext kasi nila ako kanina na dito ka muna kami tumambay.

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now