Chapter 5: His Promise

24 5 3
                                    

Kylie's P.O.V

Dismissal na namin. Ang bilis noh? Haha

"Gusto niyo ba muna tumambay sa mall guys?" Tanong samin ni Lexi

"Sige." Sabay-sabay kaming sinabi yun maliban kay Lexi. Malamang. Siya nag sabi eh.

"Sari-sarili bang sasakyan o isa nalang gamitin natin?" Napa isip sila sa sinabi ko.

"Alam ko na. Mag commute nalang tayo. Para naman hindi sayang sa gas. Traffic panaman. Balikan nalang natin mga sasakyan natin." Tumango nalang kami sa suggestion ni Camber.

Oo. Marunong kami mag drive at pinayagan na kami kahit 16 palang kami. Maliban na lamang kay Cember dahil 17 years old na siya, kaya pinayagan na talaga siya. Students license lang naman eh.

Pumunta na kami sa labas. Nag hintay na kami ng masasakyan namin.

"Dapat ginamit nalang natin mga sasakyan natin eh. Ang init!" Reklamo ni Lexi.

"Heto na guys! Sakay na tayo." Napatingin naman kami agad sa sasakyan na sinakyan ni Iella. Kala ko ba mag commute kami? Sumakay narin kami sa sasakyan.

"Kala ko ba mag commute tayo?"

"Oo nga. Nag cocommute nga tayo." Tinignan ko naman ang kotse. Oo nga noh. Taxi pala ito hihi. Naka abot naman kami sa entrance ng mall at pumasok na.

"Shopping muna or kain?" Tanong ko sakanila. Nag agree naman kami na mag shopping muna. Mga mayayaman itong mga toh eh, kaya anong magagawa ko?

Ang dami nilang pinamili. Promise. Kala mo wala nang bukas eh. "Bili naman tayo sa music shop guys." Tumango naman sila. Tapos na kasi sila eh. Ako naman. Haha

"Wait lang guys. Una na kayo may nakita akong maganda na damit eh hihi.." nag roll eyes kami kay May at mukhang alam niya na ang ibigsabihin nun kaya umalis na siya.

"Uhm..? Guys? Puwede ako din?" San naman ito pupunta? Mag shop din ng damit?

"Bibili ka din ba ng damit tulad ni May huh? Ano Lexi?" Mukhang napa isip siya sa sinabi ko. Mukhang gusto lang niya maka takas eh

"Go ka lang. Tsk. Masyado halata na gusto mo muna mapag isa." Bigla naman siya napangiti. Umalis na siya agad sa mga paningin namin.

"Pano yan guys? Tayo nalang."

"Uhm..? Kylie. Si Iella tumakas narin." Bigla ko naman tinignan ang likuran ko. Tanging ako nalang at si Cember.

"San naman siya pumunta?" Bigla naman tinuro ni Cember kung nasan si Iella. Nasa bilihan siya ng mga sapatos. Mga pasaway. Bahala nga sila diyan. Buti pa si Cember loyal sakin. Dejk kang hehe

"Let's go na sa music shop."

"Susunod nalang ako. May call of nature kasi ako eh. Sorry." Nag peace sign naman siya. Iniwan naman niya ako kaagad. Mga traydor yung mga yun ah. Mag isa nalang tuloy ako pumunta sa music shop. Pumasok na ako sa shop. Ang daming mga musical instruments. Bibili lang sana ako ng battery para sa tuner ko kaso parang bagong guitara narin ang mabibili ko.

Well.. plano ko talaga bilhin yung isa sa mga guitara nila dito. Hindi ko naman kasi nabili last time eh. Sana nga mabili ko na ngayon.

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now