Chapter 9: Worried much

22 6 11
                                    

Sean's P.O.V

"Wah!" Sigaw nilang lahat na ikinatawa naman namin.

"Ano gusto niyo? Wag niyo lang kami patayin pls.." nag mamakaawang sabi ni May. Haha! Ano kami mamamatay tao?

"Hahahaha!"

"Wait lang nga. Bakit sila tumatawa? Sino ba kayo?" Hindi parin sila tumitingin samin. Halatang natatakot sila hahaha! Ang saya nito ah.

"Sino ba-- anak ng-" bigla naman sila napatulala at natigilan nung nakita nila kami. Halatang galit na sila samin. Luh. Takas na kami dito. Paktay na kami.

"Uso naman tumakas diba?" Pabulong na sabi ni Theo. Tumango nalang kami sakanya. Palabas na sana kami kaso pinigilan nila kami. Pano na toh?

"Boys!"

"Theo!" Sigaw ni Lexi. Agad naman si Theo napatigil kaya napatigil narin kami. Paktay kang bata ka. Pati rin pala ako.

"Uhm..? Nandito din pala kayo. Hindi namin alam. Small world eh noh? Ah gusto niyo libre?" Palusot ni Theo pero hindi naman ito gumana.

"Hindi maganda yung ginawa niyo." Bigla naman sumulpot yung kapatid ko sa usapan namin.

"Sino sila kuya? At bakit sila nagagalit sainyo?" Nandito parin kami nakatayo. Buti na nga lang wala masyadong tao. Nakaka hiya.

"Shaun dun ka muna kasama ng mga kaibigan mo." Pumunta naman si Shaun sa mga kaibigan niya. Pano na toh?

Kylie's P.O.V

Kasama ko ngayon si Iella sa kotse ko. Hinatid lang daw kasi sila ng driver nila Lexi. Tinakasan lang din ni Iella mga guards niya. Dahil akin naman toh kotse ay pinag drive ko siya hehe

"Iella."

"Bakit?"

"May sasabihin ako sayo ah pero wag mo sasabihin kahit kanino." Napatingin naman siya sakin ng sandali at tumango. Eto na. Sasabihin ko na.

"Diba kinukuwento ko sayo yung kaibigan ko dati na si Sean." Nakita ko naman siya na tumango. "Ano kasi eh.. si Sean na kasama natin ngayon ay parang.. parang. Parang si Sean na kaibigan ko dati." Bakit ko ba toh sinasabi?

"Pano mo naman yan nasabi?"

"Magka hawig sila. May nararamdaman ako na hindi ko ma explain. Alam mo yung parang iisa lang sila. Lagi ko yun iniisip. Pano nalang kaya pag siya yun?" Naka stop kami ngayon dahil nasa red ang light. Bigla naman siya napatingin sakin.

"Sa ngayon Kylie ay hindi kita matutulungan diyan. Malalaman mo din yan sa tamang panahon. Hindi ako ang makaka sagot sa tanong mo. Wag mo na muna yan isipin." Anong pinag sasabi ni Iella? May alam ba siya?

"Anong ibig mong sabihin? May alam ka ba?"

"Forget what I said."

"Iella naman o. Pls naman. Nahihirapan na ako sa pag iisip."

"Malalaman mo din yan Kylie. I promise. Tandaan mo yan. May rason kung bakit hindi mo pa dapat malaman." Napa tango nalang ako sa sinabi niya. Sa pinapakita nila lahat sakin ay parang may tinatago sila. Si Sean na kaibigan ko ba dati ay si Seanak?

I am so confused na! Wag ko na nga muna isipin toh? Pero pano nga pag siya yun? Ibigsabihin nun ay natupad na niya ang pangako niya. Magiging masaya ba ako pag ganun?

Kelan ba siya babalik? O kaya kelan siya mag papakita kung naka balik na siya?

"Kylie nandito na. Alis na ako ah." Pinadrive ko kasi si Iella papunta sa bahay namin.

"Ayaw mo ba muna gamitin ang kotse?"

"Mag commute nalang ako ng palihim. Hehe." Bigla naman may sumingit habang nag uusap kami

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now