Chapter 26: Friends

16 6 5
                                    

Sean's P.O.V

Pag labas ni Kylie at Iella sa dressing room ay parang nabigla ako. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. Naiinis ako sa suot ni Kylie pero at the same time nagandahan ako. Hindi ko aakalain na ang ganda ng hugis ng katawan niya at sumabay pa ang mukha niya.

May sakit na ata ako dahil hindi ko na alam ang pinag sasabi ko.

Nung nakita ako ni Kylie na naka tingin sakanya ay agad ako umiwas ng tingin.

"Okay ba?" Tanong ni ate Afia habang papalapit kay kuya Khalil.

"May improvement naman."

"Sean! Idedemanda na kita." Sabi ni Iella. Ano nanaman kaya problema ng babae na ito?

"Ano nanaman ba ginagawa ko?" Bumulong si Iella sakin na ikinapula ko naman.

"H-hindi kaya!" Nauutal kong sabi. Pano banaman kasi yung sinabi niya nakakaewan. Sabagay, ewan naman siya.

"Oo!" Sigaw ni Iella. Nung tinignan ko si Kylie ay halatang naguguluhan siya. Humarap ako uli kay Iella at tinignan siya ng masama.

"Umayos ka nga."

"Maayos naman ako ah." Pilosopo talaga ito kahit kelan.

"Wag ka mamilosopo."

"Hindi naman ah. Ayaw lang kasi aminin na may--" buti nalang at hindi matuloy ni Iella ang sasabihin niya kundi baka pumatol na ako sa kadaldalan niya.

"Si Kylie?" Singit ni ate Afia. Tinignan ko ang paligid ko at wala nga si Kyky. Kanina nandito lang siya ah. Nasan na kaya napunta si Kyky?

"Tignan ko po ang labas. Baka po makita ko siya." Tumango naman si ate Afia kay Iella. Tuluyan na lumabas si Iella.

"Ako din po ate. Hanapin ko na po si Kylie."

"Sige. Susunod na kami." Nauna na ako umalis at nag simula na hanapin si Kylie. Habang nag lalakad ako ay nakita ko si.. Fiona? Nahahalata ko sakanya ang pag mamadali at parang may hinahanap.

Sinundan ko lang siya hanggang pumunta siya sa DQ. Nandun si Everleigh na nag hihintay sa labas. Napapansin ko din na walang nag babantay sa labas. Pag pumupunta kasi ako dito may guard na nag babantay sa labas pero ngayon wala.

Lumapit ako ng kaunti para marinig ang pinag uusapan nila. Nararamdaman ko kasi na may nang yayari na hindi maganda.

"Tandaan mo ang sinabi ni Faira. Pag labas ni Kylie susugurin agad natin." Yun pala ang plano nila. Pwes hindi yan mang yayari. I know the right person para pabagsakin sila. Kinuha ko agad ang phone ko at dinial si Iella.

Iella: Nahanap mo na ba si Kylie?

Sean: Hindi pa. Pero may feeling ako na nandito siya kung nasan ako.

Iella: Then go.

Sean: Tsk. Gusto mo ng mag warm up diba?

Iella: Ano connect?

Sean: Basta. Pumunta ka dito sa DQ.

Iella: Fine.

Agad inend ni Iella ang call. Siguro limang minuto ako nag hintay bago ko siya makita. Nung nasa harapan na siya ng DQ ay nahalata ko na hindi siya nasayahan sa nakita niya.

"Sa tingin mo san ka pupunta?" Pag harang nila Fiona kay Iella.

Iella's P.O.V

"Sa tingin mo san ka pupunta?" I rolled my eyes sakanila. Pano banaman hindi marunong magsi isip. Alam ko naman na low IQ sila pero sana naman wag na nila ipahata pa. Puwede ba nila gamitin ang mga utak nila kahit ngayon lang? Kung may utak sila.

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now