Chapter 17: Marka

14 7 1
                                    

Kylie's P.O.V

Ngayon ay nasa quadrangle kaming mag kakaibigan. Usap-usap lang. Kasalukuyan din kaming naka upo sa bench pero si May at ako ay nakatayo.

"Iella, Cember.."

"Bakit?" Sabay na tanong ni Cember at Iella kay May. Alam ko na ang ibigsabihin ni May eh. Pasaway nga naman talaga sila. Hindi man lang kasi ako ininform sa mga gagawin nila.

"Bakit may pasa ka Iella sa braso at may sugat ka sa bandang tenga mo?" Nabigla naman si Iella. Alam ko na yan. Agad niya tinakpan ang sugat niya gamit ang buhok. Yung pasa naman niya ay tinakpan niya lang gamit ang kamay niya.

"Ah yun ba? Uhm..? Kasi? Mag kasama kami ni Cember tapos.. tinisod niya ako nun. Oo! Yun nga. Ang sama niya noh?" Tinignan ko si Cember at halatang nag pipigil ng galit haha! Si Lexi naman ay nag pipigil ng tawa.

"Ehem!"

"Ah ganun ba? Ikaw naman Cember. Bakit may pasa ka sa noo at may gasgas sa pisngi?" Agad naman nag salita si Iella.

"Hindi yan pasa noh. Eye bags yan ni Cember pero nasa noo lang hahaha!" Pft! Hahahaha!

"Bwahahahaha! Ay ewan! Hahaha!" Nakisali nalang din ako sa tawanan. Pano banaman kasi ang lupet kung mangasar. Pero syempre babawi yan si Cember.

"Ah ganyan ah? Cyrus!" Napatingin naman agad si Cyrus kung nasan kami. Kasama niya sila Theo. Agad naman kami napahinto sa kakatawa. Malapit lang din naman kasi sila samin.

"Ano yun?" Lumapit naman sila samin. Kasama panaman nila si Sean. Wait lang! Ano naman?

"May sasabihin sayo si Iella." Alam mo yung tipong nag uusok na yung tenga ni Iella. Pero agad naman din siya napangiti.

"Ah oo. May sasabihin ako sayo. Alam mo ba na crush ka ni Cember?" Yung ngisi na nasa mukha kanina ni Cember ay agad nawala. Lupet talaga. Pramis!

"A-anung crush? Hindi ah!"

"Defensive. Nye-nye!" Pang aasar ni Iella may halo pang movements.

"Oh no.. 3, 2, 1. Tabo! Wah! Tulong!" Agad tumakbo si Iella dahil galit na si Cember. So yun nga, para silang si aso at pusa na nag hahabulan. Ang pinaka bata samin at ang pinaka matanda ay nag aaway.

Agad naman tumakbo si Iella kay Lexi at ginawa siyang panharang. "Wah! Beshy o! Si tanda. Inaaway ako. Wah!" Muntikan na kasi mahablot ni Tan-- este Cember si Iella sa braso.

So yun nag habulan lang sila. Nag usap na muna kami dito. "Bakit sila may mga sugat?" Tanong ni Theo. Uhm..? Ano sasabihin ko? Yung sinabi ni Iella? Buti nalang at nag salita si Lexi.

"Tinisod daw ni Cember si Iella tapos yung kay Cember naman daw ay-- pft! Bwahahahahahah! Eye bags daw ang nasa noo ni Cember bwahahah!" Ako naman dito ay nag pipigil ng tawa sa sinabi ni Lexi.

"Bakit parang ang lalalim ng iniisip mo Sean?" Tanong ni May.

"Oo nga. Kanina ka pa namin napapansin na para bang may malaking problema. Nahanap niyo naman na si Sharmaine pero ang lalim parin ng iniisip mo."

"Kasi Peter.. hindi ko maalala yung nang yari nung nakaraang gabi. Ang tanging naalala ko lang ay marka sa left side ng mga balikat nila.. ewan. Hindi ko sila kilala. Hindi ko narin masyado maalala ang mga nang yari. Hays.. hindi ko pala talaga maalala." Napansin ko naman na agad sinigurado ni Lexi na ang ang damit niya ang nakababa talaga. Yung manggas. Pati narin ako ginawa ko yun.

"Marka? Anong klase? Ano itsura?"

"Bakit Theo?"

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now