Chapter 15: Mission

24 6 6
                                    

Kylie's P.O.V

"Wah!!!!!!" Sino yun? Sino yung sumisigaw? At bakit siya sumisigaw? Dahil sa sigaw na yun ay napilitan tuloy ako idilat ang mga mata ko. Pag tingin ko sa tabi ko ay wala na si Sharmaine. Paktay. Nasan na yung babaeng yun?

"Sharmaine!" Tinignan ko ang CR pero wala parin siya. Tinignan ko din ang walk in closet pero wala parin siya dun. Tinignan ko ang labas ng room pero wala siya. Nasan na yun?

Umikot-ikot ako sa taas pero hindi ko parin siya makita. Ang laki-laki panaman ng bahay na ito. Pumunta ako sa baba at buti na lamang--

"Huli kang bata ka."

"Hahahaha! Ate! Hahahahaha! Nakikiliti po ako hahahahaha!" Nakita ko naman na kalaro ni Sharmaine si manang. Buti nalang at hindi siya natatakot or umiiyak.

Buti nalang din at nakita ko siya, kundi ewan ko nalang. Pinuntahan ko sila Sharmaine habang naka ngiti. Ang cute kasi eh!

"Baby girl."

"Ate!" Agad pumunta sakin si Sharmaine at niyakap ako. Ang cute talaga niya. Kinarga ko naman siya.

"Mag ayos na tayo. Babalik na tayo sainyo. Namimiss ka na ng mom at dad mo."

"Okay po ate." Binaba ko naman si Sharmaine sa pagka karga ko sakanya. Sinabi ko na muna kay manang na siya na muna ang mag asikaso kay Sharmaine para makapag ayos narin ako. Para narin mas mabilis.



















Shocking!














Nakalimutan ko sabihin sakanila Sean na nasakin si Sharmaine. Bastos! Sure ako na hinahanap pa nila si Sharmaine hanggang ngayon. Kylie naman o!

Agad-agad ko kinuha ang phone ko nung nakarating na ako sa kuwarto ko. Dinial ko naman ang number ni.. wait! Wala nga pala akong number nila. Hays.. bahala na nga.

Inihanda ko na ang susuotin ko. Ang sinuot ko ay ang type ko suotin lagi. Pants at t-shirt. Pag mag susuot ako ng mga dress at skirt ay sapilitan lang yun. Hindi kasi ako maka galaw ng maayos pag mga skirt and dress ang suot ko. Alam mo yung tipong.. im not free.

Naligo na ako at sinuot ang damit na pinili ko. Pumunta ako sa mga sapatos ko. Kinuha ko ang rubber shoes ko at socks. Sinuot ko na yun. Pumunta na ako sa mirror at tinali ang buhok ko, pero pinatuyo ko muna. Tinali ko yung buhok ko na papony tail. Inayos ko narin yung bag ko na backpack, nilagay ko dun ang laptop ko at ang charger sa loob. Nag lagay din ako ng papel at pansulat. Nag lagay din ako ng iba pang bagay na magagamit ko siguro mamaya. You may never know.

Sakto naman ng pag baba ko ay nakahanda na si Sharmaine. Naka dress ngayon si Sharmaine na kulay pink at naka tali ang buhok. Yung pigtails na style.

Ipinahanda ko narin ang kotse na sasakyan ko kina yaya. Yung isa ko munang kotse ang gagamitin ko. Ako ang mag drive malamang kahit wala pa talaga akong license.

Sila mom and dad daw ay maaga umalis kaya hindi nila nakita si Sharmaine. Si kuya naman at ate ay tulog pa. Si Riya naman ay tulog parin. Mga puyat noh? Mga pasaway kasi.

Pumunta na kami ni Sharmaine sa kotse. Ako ang nag drive at si Sharmaine naman ay nasa likod. Pinaandar ko na ang kotse.

"Ate. Pano nyo po ako ihahatid kung hindi nyo naman po alam kung nasan ako nakatira." Napangisi naman ako ng kaunti. Talagang hindi niya kasi alam.

Hanggang SaanWhere stories live. Discover now