Ordinaryong si Alysson.

Ang haba ng tinulog ko. Ninamnam ko talaga ang pagkauwi ko ngunit hindi rin naman maalis sa isip ko si Blake,  si Stacy  at si ma'am Debbie. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila?  Nagkabalikan kaya si Blake at Stacy, hindi imposible iyun. Kung hindi man ay sigurado akong mapapatawad din niya agad ito at maintindihan. Sino ba naman ako sa kanila. Wala!

Bumuntong hininga ako. Kung ganoon hindi ko hahayaan na kainin nila ang sistema ko. I packed my things the next day, babalik na akong trabaho at ipagpapatuloy ang buhay na parang walang nangyari.

"Ate, hahatid na kita.  Mamaya pa naman yung klasi ko." presenta ni Alex.

Tumingin ako sa itsura niya. Nakashorts at simpling T-shirt lamang. Then I realized malaki na ang kapatid ko.  Dati ako ang naghahatid sa kanila, ngayon ay pinagdadrive na niya ako ng motor.

"okay." Sagot ko.

On our way to my work, nalibang ako sa daan, na miss ko nga talaga ang nakasanayan. Ang pulusyon,  ang magulong mga tao at maingay na mga vendors na madadaanan. Dito ako nararapat,  dito ang mundo ko. Dito sa dagat ng kumakayod na mga tao upang makaraos sa araw-araw.

Ang mundong tinahak ko noong isang buwan ay isang pantasya kasama ang isang ideal man. Ang lalaking kumuha ng puso ko.

Makakalimut din ako balang araw. 

"Alis na'ko Te!" Paalam ni Alex ng maibaba ako sa tapat ng building na pinagtatrabahuan ko.

Ngumiti ako at bumuga ng hangin bago pumasok ng gusali.

"Good morning chief!" Bati ko sa masungit naming Security. Tumango lamang ito sa akin. Dumeritso  na ako sa aming quarters para makapaghanda. Isang buwan akong nawala kaya alam kong may nangyaring hindi ko alam. Pagpasok ko pa lang ay nagulat na ang naroon. Nandoon si Didith, Si Charlie,  si Cecil at Mina. Para silang nakakita ng multo.

"Hi?"

"Alysson!!!!" tili  nila except Kay Charlie. Niyakap nila ako pareho habang naghihisterya.

"Saan ka ba galing! Anong nangyari sayo? Bigla ka nalang nawala." si Cecil.

"Ang sabi ng management  ay nay nag-hire daw sayo!  Totoo ba yun?" si Didith.

"Saan  ka naman dinala?" si Mina.

Kuro nila. Mga kaibigan ko sila.  Hindi man ganoon ka close pero sila yung madalas kong nakakausap dito. Hindi nga lang ako sumasama sa mga gimik nila. Pwera na lamang kung dito mismo sa building ang event ay nakakasabay ako minsan sa inuman nila. Tulad ng Christmas party at anniversary ng hotel.

"Ahahaha. Naku! Sa Mindanao  lang." patay, paano ko ito ipapaliwanag. Ngumisi ako ng peke sa kaba. Mga usisira pa naman ang mga ito. Nakatutuk sila lahat sa akin.

"huh!? Saan naman?  At sinong nag-hire sayo?  Ang bilis  naman yata at hindi mo kami nasabihan." si Cecil  na matabil.

My God,  namamawis na ako.

"hah?  Hindi ko ba nasabi?... Ahm ano-"

Biglang bumukas ang pintuan ng aming quarters at nagpakita doon si Mr. Solomon, ang head namin.

"Melliza, sa opisina." Seryuso nitong sabi at umalis din. Nagulat ako doon at Kinabahan.  Sa tono ng kanyang boses ay parang may masamang balita. At mostly sa mga akala ko ay totoo.

Nakatayo ako sa harap ng aming head habang siya ay hindi makatingin sa akin. Nakayuko  lamang siya sa envelop na naroon sa harap niya.

"Sir,  Bakit niyo po ako pinatawag. May problema po ba?" tanong ko ng kumapal na ang tensyon sa pagitan namin Kahit wala namang nagsasalita at hindi nakatingin sa isa't isa.

Bumuntong hininga ito bago tumayo hawak parin ang envelope.

"Galing ang order na ito sa itaas... You are advice to resigned. At ito ang huling sahod mo at mga incentives." Seryuso nitong sabi.

Para akong tinapon sa kung saan at nahulog sa pinakamalalim. Napanganga ako sa sobrang gulat. Inabot niya sa akin ang envelope pero hindi ko kinuha.

Nanginig ako.

"Sir, Bakit? Diba po okay naman po yung usapan?  Na may babalikan pa akong trabaho?" Halos maiyak na ako.

"Hindi ko rin alam, Miss Melliza...marahil hindi nagustuhan ng kliyente ang sirbisyo mo at nireport ka. O di kaya ay may pinakialaman kang gamit ng kliyente, alam mong bawal yun." Depensa nito.

"Sir, wala! Alam niyo kung paano at ano ako sa trabaho. Wala ho akong ginawang labag sa trabaho ko. Ginawa ko po iyun ng tama!." Naiyak na ako ng tuluyan. Nanginginig sa iba-ibang ideya sa isip ko.  Paano nalang ang pamilya ko kapag wala na akong trabaho? Pahirapan makakuha ng trabaho ngayon. Naiinis ako,  sigurado akong may kinalaman si Stacy dito. Ang sama niya talaga.

"Wala na akong magagawa sa desisyon nila, Miss Melliza. Wag kang mag-alala. Wala akong nilagay na di kanais-nais sa records mo. Makakahanap ka pa ng trabaho." hindi ito makatingin sa akin habang Inayus yung folder at envelope  na ibibigay sa akin.

Nanlumo ako. Ito na nga yung trabahong meron ako dahil ang hirap makakuha ng magandang position ay mawawala pa sa akin.  Paano ko ito ipapaliwanag sa Pamilya ko?  O masasabi ko ba?

"Sir,  parang awa niyo na! Wala po akong ginawang masama!" pagmamakaawa  ko dito. Hindi ito pwede,  maayus akong nagtrabaho.  Ako pa nga ang dehado tapos ito ang gagawin sa akin?

"Alam kong hindi mo kayang gumawa ng masama, pero malaking tao ang nagreklamo sayo, Aly. Kilala niya mismo ang may-ari nitong Hotel." sabi niya.

Akala ko ba ang manager lang ang kakilala niya. Kilala niya ang may-ari nitong hotel?

"Ano?"

"Kilala niya si Madam Amber Arizona." Sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit hindi ko naisip na ang Arizonang may-ari nitong hotel ay konektado Kay Blake.  Bakit hindi ko naisip ito?  Anak kaya siya ni Madam?kung kaya kilala ito ni Stacy?

Nanlamig ang sikmura ko sa narealized. Agad ay gusto kong tanggapin ang alok niya at umalis na palayo. Takot ang pumalit sa lahat ng inis at galit ko.  Feeling ko nagkafobia ako sa mga tulad nila. Kahit anong mangyari ay ayoko ng makakonekta pa sa kanila. Nakakatakot.




















❤Lyra.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon