To Win His Heart Chapter 15

284 11 4
                                    

Dedicated sa kanya kasi published na book nya! :) Congrats manghud.

To Win His Heart Again

Chapter 15- Hello ,Babe

Nasa may park ako kung san ko sya nakita kahapon. Sana naman makita ko sya dito. Kasi di ko talaga alam kung sa anong paraan ko sya mahahanap. Keith lang ang binigay nyang pangalan sakin.

Lalo pa akong nahihirapan sa sitwasyon ko kasi nga habang tumatagal lalong lumalamig dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko. Narealize kong apat na oras na pala akong naghihintay sa wala.

Luminga-linga ulit ako baka kasi paparating na sya. Inistretch ko muna ang mga paa ko kasi namamanhid na dahil sa lamig. Pati rin ang mga kamay ko parang di na rin kinakaya ang matinding lamig kaya pinaglapat ko ang magkabilang palad ko at kiniskis ko sila.

Dahil sa tagal na andito ako ay parang nabilang ko na ata kung ilang magagandang babae ang nagdaan sa harap ko. Mga 56 na mula pa kanina.

May tumabi sa aking dalawang babaeng teenagers sa inuupuan kong bench.

"I love to watch Keith's performance tonight. He's really cool.",sabi nung isa.

Teka tama ba yung narinig ko? Keith daw oh. Pero ang tanong ilang tao ba ang may ganung pangalan dito sa Japan?! False hope.

"He also loves this place. He loves cherry blossom.",sabi naman nung isa.

Teka. Kinukutuban na ako na baka iisa lang ang Keith na kilala namin. Kapag nagkataong ganun nga ang sitwasyon dapat sundan ko sila mamaya. Mga ilang minuto pa sila nagchikahan at nagkiligan. Sa mga narinig ko feeling ko idol at crush na crush nila yung si Keith. Kung si Keith na si Yonghwa ang tinutukoy din nila ay syempre di na ako magtataka kung magka crush sila. Gwapo nga naman talaga si Jushtine ko.

Finally, nagdecide na rin silang tumayo at umalis na kaya sumunod na rin ako. Nakabuntot lang ako sa kanila. Di ako nagpahalatang nakasunod ako kasi nakakahiya naman.

Walking distance lang ata ang pupuntahan namin kasi lakad lang sila ng lakad. Wala man lang sakay ng sakay. Pumasok sila sa isang parang bar. Para namang maayos naman ang bar na to kasi nakakapasok yung mga edad 16 pataas.

Nagbayad na rin ako ng entrance fee para makapasok na. Kahit papasok pa lang ako ay kinakabahan na ako na ewan. Feeling ko dito ko talaga sya makikita. Nagcross finger ako. Sana andito sya.

Kagaya ng ibang mga bars ay madilim at maingay ang loob nito. Nagmamasid pa ako ng bigla akong mabangga ng mga nagmamadaling mga babae.

"Faster. Keith's on the stage already.",sigaw nung babae sa mga kasamahan nya. Kaya sinundan ko agad sila. Maraming naghihiyawan sa pinakaloob. Ang daming tao at kadalasan mga babae ang nandito.

Napatingin ako sa stage. Si Keith nga ang andun. May banda pala sya dito. Di na ako magugulat kung bubuo rin sya nga banda dito kasi yun naman talaga ang hilig nya.

Nag umpisa na syang mag strum ng gitara nya. Walang dudang sya nga si Jushtine. Kahit anong gawin nyang pagbabago ng itsura at fashion nya kitang kita ko pa rin na sya ang Jushtine ko.

~I'm still alive but I'm barely breathing

Just prayed to a God that I don't believe in

'Cause I got time while she got freedom

'Cause when a heart breaks, no, it don't break even~~

Humihiyaw na ang mga tao. Kahit kelan ang galing nya talagang mag gitara at ang ganda ng boses nya. Wala na akong makita kundi sya lang.

~Her best days were some of my worst

She finally met a man that's gonna put her first

While I'm wide awake she's no trouble sleeping

'Cause when a heart breaks no it don't break even... even... no~~

Ramdam ko ang sakit ng bawat linya ng kantang kinakanta nya. Alam mo bang durog na durog na rin ako? Nahihirapan din ako. Pero nawala ang lahat ng yun ng makita kita kahapon.

~What am I supposed to do when the best part of me was always you?

And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're OK?

I'm falling to pieces, yeah,

I'm falling to pieces~~

Namatay ako ng inakala naming wala ka na. Araw araw akong nagluluksa. Dinala mo nga talaga ang puso ko. Wala ng natira sakin. Di ko namalayang umiiyak na pala ako.

~They say bad things happen for a reason

But no wise words gonna stop the bleeding

'Cause she's moved on while I'm still grieving

And when a heart breaks no it don't break even, even... no~~

Nangyari na ang mga nangyari Jush. Kelangan ba nating manatili sa nakaraan? Alam mo bang pinagsisihan ko ang araw na yun?! Araw araw kong sinisi ang lahat sa sarili ko. Marami akong pinagsisihan.

~What am I gonna do when the best part of me was always you?

And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're OK?

I'm falling to pieces, yeah,

I'm falling to pieces, yeah,

I'm falling to pieces

(One still in love while the other one's leaving)

I'm falling to pieces

('Cause when a heart breaks no it don't break even)

Oh, you got his heart and my heart and none of the pain

You took your suitcase, I took the blame.

Now I'm tryna make sense of what little remains, ooh

'Cause you left me with no love and honour to my name.~~

Galit ka ba talaga sakin? Kaya nagagawa mo kong di pansinin at tuluyan ng binaon sa limot. Ako lang ba ang nagluksa sa pagkakalayo natin?

Diba pwedeng magsimula tayo ulit? Pinahid ko ang aking mga luha. Tama. Di mangyayari ang kantang to satin. Pipilitin kong mabalik sa dati ang lahat. Ngayon hayaan mo kong ako ang mag effort. Hayaan mong ipakita ko naman sayo kung ano ang kaya kong gawin para sa relasyon natin.

Let me fight for us this time.

Natapos na ang kanta nila kaya bumaba na sila sa stage. Maraming nakaumpok sa pwesto nila. Sikat nga siguro sila. Naalala ko tuloy nung highschool pa kami. Ganto talaga sya kasikat.

Walang pinansin si Jush at patuloy lang sa paglalakad. Papalapit na sya sakin. Di ako makahinga. Huminto ata ang pag ikot ng mundo ko. Ilang inches lang ang layo nya sakin. Bigla syang huminto. Kinakabahan ako na naeexcite. Papansinin na kaya nya ako?

Kinuha nya ang cellphone nya.

"Hello babe."

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon