Chapter 8

1.1K 40 31
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 8-  Betrayal

Shai's POV

Nakatingin ako sa sarili ko ngayon sa salamin.May kukunin sana akong necklace na nasa jewelry box nang biglang may nahulog. Ang hair clip pala. Hair clip na binigay nang taong minahal ko ng lihim. Hindi ko mapigilang titigan ito at maalala ang mga nakaraan. Pero wala na eh.

Akala ko hindi ko kaya nang wala siya pero mali pala ako. Kinaya ko! Pero hindi maiiwasang malungkot ako. Nagdaan ang mga mahahalagang okasyon na dati rati ay sabay naming ci-nicelebrate.Halloween, Pasko, New Year at Valentines Day hindi ko na siya nakasama. Siguro nga hanggang ganito nalang. Hindi ko namalayang may luha na palang tumutulo kaya pinunasan ko agad.

At pumilit akong ngumiti.

"Are you ready?"

Napalingon ako sa nagtanong. Si Sr. Suzy pala.

Ngumiti ako sa kanya habang siya ay parang na shock sa nakita niya.

"Shai ang ganda mo.",manghang sabi niya.

"Naku naman si mama nambola pa!" , sabi ko.

"Ano ba ang -" , si Sr. Ana na kapapasok lamang para siguro sunduin kami.

"Ikaw ba yan Shai?" ,tanong niya.

"Ay hindi,ikaw!" ,pambabara naman ni Sr. Suzy.

Nakatingin pa rin sila sa akin.

"Nasa baba na si Kristan inaantay ka." ,sabi niya.

Nag nod lang ako at bumaba na kami.

Kristan's POV

Ang kati naman nitong formal suit ko. Pero titiisin ko kasi mas gumwapo daw ako eh.Ang tagal naman ni Shai. Baka ma late pa kami niyan. Nakaupo ako dito sa sala nila. Kasama ko yung mga pari na foster dads niya.

"Ano kaya ang nagawa nung mga yun ang tagal naman!" , inip na rin si Fr. William.

"Uy pababa na siya!" , sabi naman ni Sr. Ana.

Kami namang mga lalaki ay nasa hagdan ang mga mata.

At bumaba na nga siya. At napatayo kami sa nakita namin.

Naptulala ako. Grabe ang ganda niya. Bagay na bagay yung binili kong dress para sa kanya. Simple dress lang siya na maypagka brown na maypagka peach. With matching accesories. Hindi ko naman aakalain na ganito pala siya ka attractive kapag nabihisan.

"Di na masama." ,biro ko.

"Che! Muntikan na nga akong matunaw sa kakatitig mo sakin kanina." ,biro nya.

"Tss. Halika na nga!" ,sabi ko.

Nagpaalam na rin ako sa mga foster parents niya.

Hawak ko ang kamy niya habang naglalakad.

Shai's POV

Papasok na kami ng hotel. Kitang kita ko na nagsisitinginan ang mga tao sakin. Naasiwa naman ako. Pero pinisil niya ang kamay ko. Hawak niya kasi ito. Siya kasi ang escort ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Wag kang mahiya.You're beautiful.Insecure lang ang mga yan.Chin up!" , sabi niya.

Namumula na ako ngayon.Ngumiti lang ako. At ginawa ang sinabi niya.

Pumasok na kami sa function room.

"Who's that girl?"

"She looks like a goddess!"

Mga reaction ng mga tao.

Jushtine's POV

Nakaupo na kami kanina pa. Nasan na kaya si Shai? Pupunta ba sya? May damit na ba sya para sa event na to? May escort na ba sya? Kahit di na kami nag-uusap di ko pa rin maiwasang mag-aalala sa kanya.

Katabi ko ngayon si Shara. She looks pretty and  classy in her casual dress.

Pumasok ang isang pair na napakagara. Lahat nang atensyon ay nasa kanila.  The guy is really good looking with his casual suit. While the girl is so damn pretty. That girl. Kiala ko siya!

Si Shai. Ang ganda niya.

Shara's POV

Nakaupo kami ngayon ni Jushtine. Sobrang ang gaganda ng mga girls dito ah. Pero as usual ako pa rin ang pinakamganda. Sure din ako na ako na naman ang magiging Prom Queen. Ako naman talaga ang pinakamaganda dito eh.

"Shara I'm sure ikaw pa rin ang magiging Prom Queen." ,sabi nung isang girl.

"Ah hindi naman .Mas madami pang mas maganda sakin dito oh ." ,pa humble ko.

"Sino naman ang tinutukoy mo?" , sabi naman nung isa.

"Tulad nalang nun!" , sabi naman nung isa pa.

At kaming lahat ay nakatingin sa bagong dating.They are really a graet couple. Plain pretty lang naman si girl .At si boy napakagwapo niya. Kilala ko siya. Kilalang kilala.

Ang mga alaala at damdamin na akala ko ay patay na ay biglang nabuhay at parang rumaragasang tubig na dumadaloy.

Shai's POV

Katatapos lang nung sayawan. Lumabas ako para hanapin si Kristan bigla kasi siyang nawala sa paningin ko. Kaya hinanap ko siya sa bawat sulok.

Liko dito. Liko dun. Lakad. Lakad.

Nang sa pagliko ko ay maling lugar na pala ang napuntahan ko.

Nakita ko na may naghahalikan.

Paalis na sana ako nung biglang inalis nang babae yung mahaba niyang buhok na tumatakip sa mukha niya. Si..si Shara. Di ko alam ang gagawin ko kung susugurin ko ba sya o hindi. Pero isa lang ang alam ko. Nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako para kay Jushtine. Agad-agad akong umalis.

Nabigla ako nang sa pagliko ko ay nakita ko si Jushtine. Nakatitig lang siya.

"Shai." , mahinga tawag niya.

"Sinong nahanap mo?" ,tanong ko.

"Si Shara." ,sagot niya.

Kinabahan ako. Di pwede. Di nya pwedeng makita ang eksenang yun. Masyadong masakit para kay Jushtine yun.

Paliko na sana siya patungo sa pinanggalingan ko. Bahala na. Basta kelangan ko syang mapigilan.

"Jushtine." , sabi ko.

Humarap siya sakin.

Nangyari na nga ang di inaasahan. Lumapit ako sa kanya at inilahad ang labi ko sa labi niya. That is a gentle but sincere kiss. First kiss ko yun. Kahit napapaluha na ako sa nagawa ko. Alam ko kasi na kahit kailan hindi ako ang mamahalin niya. At nasasktan ako para sa kanya dahil yung pinakamamahal ko ay sinasaktan lang nang iba.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now