To Win His Heart Again Chapter 12

238 11 0
                                    

To Win His Heart Again

Chapter 12-His Sacrifices

Osaka Medical Group.

Yun lang ang tanging nasa utak ko ngayon. Dun ko makikita si Jush. Biglang bumukas ang pinto.

Si Kristan. Dali dali syang lumapit sakin at yumakap. Dapat nya bang malaman? Dapat ko bang sabihin sa kanya.

"San ka ba galing? Anong nangyari sayo? Nawala ka ng tatlong araw. Tapos may nagsabi saming andito ka daw?",tanong nya.

Bigla akong sinapak ng awa. Sabi ko na nga ba hinahanap nya ako. Kristan bat ba ganto ka kabait? Nahihirapan ako. Narinig ko ang hikbi nya. Nag alala talaga sya. Ang sama ko.

Sinagot ko ang yakap nya. Hinigpitan nya ang pagkakayakap nya sakin.

"Akala ko mawawala ka na sakin. Takot akong mawala ka Shai.",sabi nya habang umiiyak pa rin.

Di ko inaasahang manggagaling yun sa kanya.

"I'm okay Kris.",sabi ko.

Hinarap nya ako. Di ko alam kung san ako magsisimula. Kung pano ko sasabihin sa kanya na di sya masasaktan. Hayy. Shai naman wag kang tanga. Syempre masasaktan sya. Kelangan ko lang ng time kahit konti lang.

"I love you Shai.",sabi nya. Napatitig ako sa kanya. Nak ng patola naman Kris oh! Kinakain na ako ng konsensya ko dito oh!

"I need space Kris.",sabi ko.

Napakunot noo sya. Alam kong napaka unfair ko. Dalawang taon syang naghintay para sakin. Tapos ngayon hihingi na naman ako ng space. Ang selfish ko.

"Again?",tanong nya.

Tumango ako. Sana maintindihan mo.

"I'm sorry.",tanging nasambit ko.

"Two years? Three years? Kahit forever pa yan maghihintay ako Shai. Maghihintay ako.",sabi nya at pilit na ngumiti.

Alam kong masakit para sa kanya tong sinasabi ko. Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung mababalikan ko pa ba sya pag nakita ko si Jush. Ayokong mangako sa kanya. Ayokong magbigay ng false hope.

"Please Kris don't make it hard for us. Don't wait for me. I can't promise you anything.",sabi ko. Nakatingin sya sakin ng diretso. Tumutulo ang mga luha nya.

Wala akong utang na loob. Ito ang ginanti ko sa taong laging andyan sakin. Sa taong ang ginawa lang naman ay ang mahalin ako.

Di ako makatingin sa kanya.

"Shai patayin mo na lahat. Wag lang ang pag-asa ko.",sabi nya.

"Nakita ko si Jushtine. Buhay sya.",sabi ko at tumingin sa kanya.

Wala na akong magagawa nasabi ko na. At dahil nga sa sinabi ko ay na shock talaga sya.

"Are you sure of that? Baka dahil desperadang desperada ka lang kaya nakikita mo ang mga bagay na gusto mong makita. Shai naman two years na syang wala. Ako yung andito oh!",sabi nya.

Ngayon lang sya nag reklamo. Medyo nasaktan ako sa mga sinabi nya. Pero pano kung imagination ko nga lang talaga ang lahat? Pano kung panaginip lang yun? Napapaisip na rin ako. Baka nga pati utak ko naaawa na rin sakin kaya pinakita nya sakin si Jush. Pero.

Ang dami kong iniisip na dahilan pero mas malaki ang bahagi ng utak ko na gustong maniwalang nakita ko talaga sya. Dapat ko lang talagang mapatunayan.

"Kris please wag na nating gawing complicated ang lahat.",kalmado kong sabi.

Nag smirk sya. Alam kong asar na rin sya.

"You make things so complicated Shai. Why do you have to keep on living in the past if there's the present offering you the best of life? Why settle for pain?",sumbat nya.

Oo nga bakit ko ba ginagawang complicated ang buhay ko? Kasi nga ang buhay ko nasa past- si Jushtine lang ang buhay ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

Pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan nya na ako.

"Is it really hard for you to love me Shai?",tanong nya.

Sa totoo lang di naman talaga sya mahirap mahalin. May nauna lang talaga sa kanya dito sa kwarto ng puso ko.

"Pakiusog naman si Jushtine nang kahit konti para naman magka space ako dyan sa puso mo.",sabi nya.

Nasasaktan ako para sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanyang gagawan ko ng paraan pero ayoko namang lokohin ang sarili ko.

"Kris.",yun na lang ang tanging nasabi ko.

"Okay. I'll give you space. Find him. And when you can't find him then come back to me. No. Wait for me and I'll take you home.",sabi nya at ngumiti.

Ibig ba nyang sabihin pinapayagan nya ako?

"Does it mean you allow me?",tanong ko.

"A struggled heart can't be able to love fully.",sabi nya at ngumiti ulit.

Niyakap ko sya. Promise di ko to aaksayahin. Di ko hahayaang masayang ang pag sacrifice mo Kris. Mahahanap ko sya.

"Promise kung ano man ang mangyari. Kung di ko man sya mahanap babalik ako sayo Kris. Swear.",sabi ko.

Last nalang talaga to. Atleast I really tried. Ayokong pagsisihan ko na naman yung mga bagay na dapat kong ginawa. Kapag di ko sya nahanap at kung mali talaga ako isa lang ang ibig sabihin nun. Dapat na talaga akong mag move on.

Jush sana nga andun ka nga. Maghintay ka lang parating na ako.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon