To Win His Heart Again Chapter 17

128 4 0
                                    

To Win His Heart Again

Chapter 17- Wanna see him

"You look familiar."

Nanlaki ang mga mata ko sa pwedeng ibig sabihin ng sinabi nya. Di ko mapigilang di mag expect na baka , baka sakali lang naman na naaalala nya na ako.

"Ah. Tama ikaw yung babae nung isang araw. Cherry blossom.",paalala nya.

Nakatunganga lang ako habang nagsasalita sya. Nakatitig at pinagmamasdan lahat ng galaw nya. Buhay nga talaga sya. Napangiti ako at pinipigilan ang mga nag-aambang luhang papatak.

Napakapit ako ng mahigpit sa folder na hawak ko nang may inabot sya sa akin.

"Sayo to diba? Nahulog mo yata.",sabi nya habang inaabot pa rin yung bagay.

Napalunok ako ng wala sa oras. Di ko alam kung pano napunta sa kanya yun. Di ko nga namalayang nawala ko yun.

Nanginginig man ang mga kamay ko ay inabot ko naman yun. At di na napigilang humagulgol. Umuulan kasi ang mga alaala ko.

"Hey. Stop crying. Binalik ko naman diba?",sabi nya at umupo sa tabi ko.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin lahat lahat pero di ko magawa kasi inuunahan ako ng iyak. At isa pa takot ako. Takot akong mas lalo lang syang lumayo sakin. Nilingon ko sya. Bakas sa itsura nya ang pag-aalala kaya kinalma ko na ang sarili ko.

"Salamat ah.",putol ko sa katahimikan namin.

"I bet that hairclip is really important. Di mo iiyakan ang isang bagay na di naman mahalaga sayo, diba?",sabi nya.

Napatingin ako sa hairclip na hawak ko. Sobrang halaga nito kasi galing to sayo.

Ngumiti ako ng pilit at lumingon sa kanya na nakatitig na pala sa akin.

"Oo. Mahalagang mahalaga to para sakin. Galing kasi to sa taong simula't sapul ay mahal ko na. Yung taong piniling kalimutan ako. Siguro kasi nasaktan ko sya ng sobra kaya ganun.",kwento ko.

Tahimik lang syang nakikinig.

"Hala sorry. Nadramahan pa tuloy kita.",sabi ko na nagpangiti sa kanya kaya napangiti na lang din ako.

Ang lapit lapit nya lang pero bakit ang layo layo nya pa rin sa pakiramdam. Bakit parang di sya yung Jushtine na nakilala ko dati. Para syang isang esstranghero. Ito ba yung resulta ng dalawang taong pagkakawalay ko sa kanya?

Tumayo ako.

"Tara. Libre kita.",yaya ko. Ayoko kasing matapos dito ang pag-uusap namin.

"Deal! I know a burger shop na malapit dito. Masarap dun!",excited nyang sabi. Di pala nya nakalimutang mahilig talaga sya sa burgers. Sana ganun din yung kaso ko. Sana kahit katiting na memorya lang meron sya tungkol sakin. Kasi pag nagkataong meron, magkamatayan man di ko sya susukuan.

Malapit lang pala talaga ang sinasabi nyang lugar kaya wala pang 10 minutes na paglalakad ay nakarating na kami. Hinihintay na namin ngayon ang order namin.

Nang malagay na sa mesa ang order namin ay kinuha ko muna yung kanya at nilagay sa plato ko ang mga gulay na nakalagay sa burger nya.

"What are you doing?",sabi nya na nagpatigil sa akin.

I am so careless. Kinabahan ako bigla kaya napatingin ako sa kanyang nagtataka.

"Sorry. Akala ko kasi di mo gustong may gulay yung burger mo. Ibabalik ko.",sabi ko at akmang ibabalik yung mga gulay. Akala ko rin kasi ayaw nya pa rin ng mga gulay. I guess nagbago na talaga sya.

"No. I mean how did you know na ayoko ng gulay sa burger ko?",tanong nya.

Napalunok ako ng wala sa oras.

"And who's this Jushtine? Tama ba Jushtine?",tanong nya ulit.

Bakit ba umuulan ng tanong ngayon. Leche na to di pa naman ako magaling magsinungaling.

Huminga muna ako ng malalim. Isang malaking gyera nang pagsisinungaling ang susuungin ko.

"Ready ka na ba makinig sa lovestory ko?",sabi ko at uminom muna ng tubig.

Tahimik lang syang naghihintay.

"Jushtine."

Napapikit ako. Ang hirap ikwento sa mismong tao ang sarili nyang lovestory na kinalimutan nya.

"Si Jushtine ang taong mahal na mahal ko at mahal din ako. Ikakasal na nga kami eh pero akong si tanga ginulo lahat. Galit. Nagpadala kasi ako sa galit kaya ganun."

"Sa loob ng dalawang taon inakala naming patay na sya pero nandito lang pala sya sa Japan."

"So, that's why you're here? Do I really look like him? Kasi napagkamalan mo ko.",tanong nya.

Buti na lang talaga na magkatabi kami at di magkaharap baka makita nya kasi ang lungkot sa mga mata ko.

"Yes. Kamukhang-kamukha mo sya. Baka nga kambal kayo.",natatawang biro ko. Natatawa talaga ako sa sarili ko kasi ang tanga-tanga ko kaya ako naiiwan lagi eh.

Natahimik sya kaya natahimik na rin ako.

"You wanna see him?",tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.

Napatitig ako sa mga mata nya at napangiti at para bang maiiyak na naman. Nakakainis kasi ayokong isipin nyang iyakin ako o made in china ako kasi ang fragile ko. Pwede bang i donate ang luha?

"Yes. I want to see him."

I want my Jushtine back. I want to be remembered. I want to be loved again.

Mangyayari pa kaya yun? Sana mangyari yun. Kahit ilang milyong ampalaya pa ang ipakain sakin kakainin ko kahit sukang-suka ako sa lasa nito kung yun lang ang tanging paraan para mabalik ang dati ay gagawin ko ng walang ano-ano at pag aalinlangan.

Nang matapos na kaming kumain ay nagyaya na syang ihatid ako sa hotel na tinutuluyan ko na malapit lang din naman dito.

Nasa tapat na kami ng hotel ng magsalita sya.

"My workplace could help. Sikat kasi ang disco club/bar na yun baka sakaling mapunta sya dun.",sabi nya.

Napatitig ako sa mga mata nya at napangiti. Alam kong gustong-gusto nyang makatulong kasi ganto sya dati kapag may gusto syang tulungan.

"You can go there anytime.",sabi nya pa.

Kahit hanggang ngayon napapatulala pa rin ako kapag kaharap ko sya. Para kasing nasa panaginip lang ako na kapag di ko sya titigan ay mawawala sya na parang bula.

"By the way, I'm Keith.",natatawa nyang sabi na nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

Nakalahad yung kanang kamay nya na para bang makikipagshakehands. Nakatitig ako sa kamay nyang nakalahad sa gantong paraan ko din sya nakilala noon. Sa simpleng pagpapakilala nakapasok sya sa buhay at mundo ko. Sana sa pagkakataong ito ako naman ang makapasok sa bago nyang mundo.

"Shaina.",sabi ko at kinuha ang kamay nyang nakalahad para makipagkamay.

Ayoko sanang bitawan pero kelangan baka maweirduhan pa sya lalo sa akin.

"Shaina. Shaina. Hmm. Can I call you Shai?",nakangisi nyang tanong.

"Oo naman."

Sumeryoso ang itsura nya kaya napakunot noo ako.

"I really want to help you, Shai. We'll find him I promise."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now