Chapter 10

1.1K 30 19
                                    


30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 10- Special Treatment

Shai's POV

Nasa rooftop ako ngayon. Ako lang mag isa dahil hindi pumasok si Kristan. Para tuloy akong outcast ngayon. Pero napakaweird ng mga tao ngayon. Ibang iba sila kung makitungo sa akin.

***

Nung magpunta ako sa library para ibalik yung mga librong hiniram ko kasi naman may mga lessons kami na hindi ko maintindihan kaya nanghiram ako pero natapos ko na lahat yun.

At dahil nga sandimakmak ang mga librong dala ko ay hindi ko na makita yung nakakasalubong ko. Nang hindi ko sinsadya na may mabunggo ako.At mahulog lahat ng mga dala kong libro.

"Ano ba?!" ,sabi nang nabunggo ko. Lalaki. Habang ako ay pinupulot yung libro.

Patay ako nito. World War III na ata to.

"Sorry po talga!" ,sabi ko at tumayo at nag bow.

Napatingin siya sakin.

"You are Shaina, right?" ,tanong niya sakin.Aba manghuhula ba to?!

"Ah opo." ,maikli kong sagot. Syempre gulat ako na alam niya pangalan ko lalo na parang campus hearthrob rin to.

"Gusto mo tulungan kita?!" ,at kinuha yung dala kong books. At nauna siyang naglakad sakin habang ako naman nakatayo pa rin at nalilito.

Nung mag punta naman ako sa CR. Ito ang naging eksena.

Nasa labas ako ng cubicle at ang taas pa ng linya eh. Ba't ba kasi ang tatagal ng mga babaeng gumamit. Eh to naman ako nanginginig na sa pagpipigil.

"You are Shaina, right?" ,tanong ng isang babae. Isa rin siya sa mga sikat dito. Eh ewan ko ba kung ba't niya ako kinausap. Eh hindi naman kasi ako napapansin dito sa campus Ngayon lang talaga.

Nag nod lang ako. At milagro ata yun or naduduling lang ako ngumiti sya sakin, ang babaw ko pero swear ang saya ko kasi hindi nila ako inaaway ngayon.

"Ikaw na mauna." ,sabi niya.

At hindi na ako tumanggi dahil hindi ko na talaga kayang pigilan eh.

**

Ba't ang weird nila ngayon?!

RIIIIIINNGGGG!!

Bahala na nga. At bumalik na ako sa classroom ko.

Lahat kami nakaupo na ngayon.Pero nasa isip ko pa rin yung mga pangyayari kanina .Ba't may special treatment ako ngayon?!Eh hindi naman sila ganito sakin eh at hindi rin nila ako sinasagot kung tinatanong ko sa kanila.

"Class ,siguro naman alam niyo na kung sino ang magiging participant niyo para sa Miss Campus ng class nyo?!" ,sabi nung adviser namin.

Eh marami pa siyang sinabi kanina pero wala ako sa sa sarili eh. Tulala ako ngayon.

"Shaina, hija ikaw ang magiging participant ng class natin." ,sabi niya.

Yung mga classmates ko naman ay nagpalakpakan yung iba naman parang semana santa ang itsura lalo na yung mga girls.

"Ah..eh pero.. ba-bakit ako!" , napatayo ako.

"Ano ka ba , Hija sapat na yung naging Prom Queen ka!" ,sabi niya.

O_O

"Si teacher naman oh! Ang galing mag joke!" ,sabi ko at akmang uupo na sana.

Pagtingin ko sa mga classmates ko eh serious mode silang lahat na nakatingin sakin.

--_________-- facial expression nila.

Napakamot tuloy ako.

"At ang magiging escort mo of course yung boyfriend mong si Kristan!" , sabi ni teacher with matching kilig factor.

At naghiyawan naman yung mga classmates ko.Habang ako tulala.

Ano ba kasi ang pinagsasabi nila?! Prom Queen?!At ano yun sino boyfriend ko?Si Kristan?Grabe ha! Nakakaloka silang lahat!

"Pero--" ,reklamo ko.

"Wala ng pero pero.Kaya mo yan! Break a leg!!" ,sabi niya.

"Oo nga! Kaya mo yan!"

"Susuportahan ka namin!"

Ako naman naupo na lang. Ano ba tong pinasok kong gulo?!!

***

Kaya pala ibang iba yung treatment nila sakin.Pero ba't ako?! Andami namang magaganda nung Prom ah! Tss. Kainis naman oh! Napasubsob ko na lang tuloy ang mukha ko sa binabasa kong libro. At inangat ulit para magbasa.

Nakita ko sa di kalayuan si Karla Sofia Rodriguez, Sofie for short. Ang ganda niya at mayaman pa. Ayy hindi lalo siyang gumanda. Campus cutie siya noon at Campus hottie siya ngayon. Ewan ko ba kung ba't siya biglang nagabago. Napakasweet niyan dati. Pinapansin niya nga ako nun eh kahit na simpleng student lang ako. Mabait siya pero suddenly bigla siiyang nagbago. Naging daring siya in terms of pananamit. Nasa bench siya at pinaliligiran ng mga lalaki. Isa siya sa mga makakalaban ko sa pageant na yun. Ano ba yan!Antaas pa naman ng expectations nila.Eh kasali pa nga daw si Shara eh.

Oh ba't biglang umepal si Markie yung bestfriend niyang Campus Hottie rin. Ayy naku napakacomplicated naman nila oh.

(A/n: Kung gusto nyo pong malamn ang lovestory nila then click niyo ang external link :D)

Napsubsob ulit ako sa libro ko ng biglang may tumawag sakin.

"Shai." ,tawag niya.

Inangat ko naman ang ulo ko at tumingin sa tumawag sakin.

Si Jushtine.

"Ano kelangan mo?" ,tanong ko.

Nakatingin siya sa mga mata ko. Seryosong seryoso siya ngayon.

Wala siyang sinagot at kinaladkad ako papuntang rooftop.

"Ano bang drama mo?" ,tanong ko.

"Hindi mo siya kilala." ,sabi niya.

Ano bang pinagsasabi niya?! Naguguluhan ako sa kanya.

"Ginagamit ka lang niya!" ,patuloy niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Ano bang gusto niyang i point sakin? Sino ba ang tinutukoy niya?!!

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now