To Win His Heart Again Chapters 4-10

321 7 0
                                    

Hi po di ko po alam kung anong nagyari kay watty at nagka scattered ang mga chapters so i cocompile ko na lang sila ulit. Thanks.

To Win His Heart Again

Chapters 40

Chapter4-#IncidentThrowback

Shai's POV

Bigla akong nagising sa pagkakatulog. Bumangon ako at nakita ang sarili ko. Mismong sarili kong nag aayos. Naaalala ko tong scenariong ito.

"Wala namang mawawala sayo. Basta sabihin mo nalang lahat lahat. Kawalan nya na yun kung ayaw nya.",si Ate siga.

Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang pangyayaring ito. Ito nga. Ito nga yung pagkakataong sasabihin ko na kay Jushtine yung nararamdaman ko sa kanya. Bakit ako bumalik sa panahon na to?

"Di ka nila nakikita. Kailangan mong malaman ang totoong nangyari.",sabi nang batang bibwit na bigla bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ng sarili ko. Nilagyan ako ni ate ng hair clip na bigay sakin ni Jush.

Masayang masaya ako.

"Alam kong naguguluhan ka at di pa masyadong malinaw ang alaala sa pangyayaring ito. Kaya panoorin mo ng maigi ha?",sabi ng katabi ko habang nakatuon pa rin ang mga mata sa sarili ko.

May itatanong pa sana ako pero pag lingon ko ay nawala na lamang sya na parang bula ang katabi ko.

Lumabas na yung sarili ko. Kinakabahan akong sinusundan sya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang saya at kaba.

Ang awkward naman pala nitong nagsta-stalk ka sa mismong sarili mo.

"Sana naman pag umamin ako mag iba yung nararamdaman nya.",bulong ng sarili ko.

Siguro ito yung pagkakataong aamin na ako sa nararamdaman ko para kay Jush.

Nasa may tapat na kami ng park. Sinusundan ko lang sya ng bigla syang huminto kaya napatingin ako sa tinitingnan nya At laking gulat ko ng makita ko si Yanna at Jushtine na magkayakap. Di ko maintindihan kung bat sila magkayakap.

Tiningnan ko agad ang sarili ko. Kitang kita ang pagkabigla at sakit sa itsura nya. Nanginginig sya habang umiiyak. Nang hindi nya na makayanan ang nakikita ay tumalikod sya. "Huli na nga talaga ang lahat.",bulong nya habang tumutulo pa rin ang mga luha. At tumakbo sya habang ako ay naiwang nakatulala.

Nanlaki ang aking mga mata sa mga umuulang alaala na pumapasok sa pag iisip ko. Ito yung pagkakataong maaksidente ako. Biglang umulan. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung pipigilan ko ang pwe-pwedeng mangyari at sundan ko ang aking sarili o mananatiling nakatayo dito.

Nilapitan ko sila Yanna. Kahit na naguguluhan at nasasaktan ay nakinig ako sa pag uusap nila.

"Salamat sa pagpaparealize mo sakin na si Shai ang deserving kong mahalin. Ang manhid ko naman di ko napansin na mahal na mahal ako ng bestfriend ko. Nasaktan ko pa ata sya.",malungkot na sabi ni Jushtine.

So hindi tinanggap ni Yanna? Mali ang lahat ng iniisip ng sarili ko.

"Di pa naman huli. Tawagan mo sya at makipagkita ka sa kanya.",sabi ni Yanna. "Dead batt na ako eh.",sabi ni Jush.

Bigla kong naalala na nag text nga pala kanina ang sarili ko kay Jush at dahil dead batt sya posibleng di nya alam na pupunta ako. Shit. Kailangang may gawin ako.

Tumakbo ako ng mabilis para mahabol ang sarili ko at mapigilan ang mga pangyayari. At yun nakikita ko na syang patuloy na tumatakbo ng walang direksyon.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now