Chapter 1

1.7K 43 26
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 1 - Bestfriend code

"Jushtine bagay ba sa akin?",bibong tanong niya sa akin.

Nasa church ako ngayon.Nasabi ko na ba sa inyo na sa simbahan nga pala siya nakatira.Why? Kasi naman ulilang lubos sya.

First day of class ngayon.Nasa 4th year highschool na kami.

"Problemahin bang isusuot?Ma-lalate na tayo oh!",reklamo ko. Nakaupo ako ngayon habang siya nakatayo at yung dating niya ay yung parang model na nag po-pose.

"Alangan naman!First day of class ngayon!",sabi niya.

"Eh kahit anong piliin mo dyan ganun pa rin naman eh!",sabi ko.

"Sige na pili ka na!",pangungulit niya sa akin.

"Ano ba kasing pipiliin ko dyan?Puro kaya yan mga uniforms! Shunga talaga oh!",inis na tumayo ako at binatukan siya.

"Aray!Ganyan mo ba ituturing ang napakacute mong bestfriend na laging andyan para sayo?",at nag *pout*.

Aba at nag drama pa talaga siya ha. Aissh.

"Bahala ka nga dyan mauna na ako!",sabi ko at lumakad papalayo sa kanya.

But as expected eh hinabol niya ako.Ganun naman talaga siya hindi niya ako matitiis.

"Teka wait sasama na ako!",sabi niya.

Huminto ako at kinuha yung bag niya. Ganun talaga nasanay na rin ako.Ako ang nagdadala ng mga gamit niya simula pa gradeschool.Ewan ko ba kung bakit. Sanayan lang siguro.

Sumakay na kami sa kotse ko.Ah oo nga pala hindi ko nabanggit na may kaya rin kami sa buhay. Ako nga ang nagpapaaral sa bestfriend ko.Hindi kasi ma afford ng mga pari't madre na paaralin siya kaya ako nalang ang gumawa nun.

At sa wakas nasa school na rin kami.

And as usual pagpasok palang namin sa school ay piangtitinginan agad kami.Ako daw kasi yung Campus' Prince Charming.

"Uy Jush tingnan mo at may banner ka pa talaga oh!",sabi niya at manghang tinuro yung hawak ng 3 babae na banner na may nakasulat "Welcome Campus' Prince Charming" at may picture ko.

Tiningnan ko lang yung banner. Tss. At nilagpasan sila. Ayoko yung mga gantong bagay. Si Shaina lang naman ang nakakalapit sakin na babae. Syempre bestfriend ko nga sya diba?!

Nasa clasroom na kami ngayon.At dating gawi pa rin classmate ko siya at seatmate na rin.Ganun palagi ang arrangement namin.Ayoko malayo sa kanya baka kasi may umano sa kanya tapos hindi ko siya maipagtanggol. Simula nung nakita ko syang umiyak noon pinangako kong di na talaga sya iiyak kahit anong mangyari.

"Jush!",tawag niya sa akin.

Nilingon ko naman siya.

"Salamat sa lahat ha!",sabi niya at nag smile.

"Wala yun.Ikaw talaga!",sabi ko at ginulo yung buhok nya. Papalag pa sana sya ng umayos na ang lahat dahil paparating na ang teacher namin.

"So guys I'm Miss Salazar and I'll be your adviser obviously.",mabait naman yung aura niya.

At hudyat na yun para magpakilala na naman.Yun naman talaga ang ginagawa pag first day of class di ba?

At turn ko na pala.Pumunta ako sa harapan.Hindi pa nga ako nagpapakilala ay nagsitilian na yung mga girls.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now