To Win His Heart Again Chapter 11

206 11 0
                                    

Utang na loob po mag comment po kayo para malaman ko yung saloobin nyo hihi. Paki click ng external link. ^_^

To Win His Heart Again

Chapter 11-Last Scene

Nakatitig ako sa sarili kong nagpapakamatay sa kaiiyak. Shet. Wala akong magawa. Ang hirap huminga. Ang sarap nyang sampalin at sabihing 'hoy ang tanga mo sundan mo kaya sya.'

Umiiyak na rin ako. Bat ba ako umiiyak eh alam ko namang ganto rin ang katapusan nito? Tapos masakit pa tong ulo ko dahil sa mga sinabi kanina ni Aileen. Gusto kong malinawagan. Gusto kong maintindihan ang mga bagay na di ko naiintindihan.

"Tapos ka na ba? Handa ka na sa susunod kong ipapakita?",sabi nya.

Ito na ba yung pinunta ko dito? Kinakabahan ako. Akala ko ito na yung pinakamasakit na eksena pero meron pa-yung aksidente.

Huminga ako ng malalim. Nandito na ako. Pinatay ko na rin lang ang sarili ko sa pagrerewind ng mga eksena ko sa nakaraan dapat lubos lubusin ko na rin diba? There's no turning back.

"Pagkatapos ng eksenang ipapakita ko automatic ka nang babalik sa kasalukuyan.",sabi nya.

Dapat pagkatapos nito maka move on na ako. Tapos na ang lahat. Dapat bigyan ko naman ang sarili ko ng pagkakataong maging masaya diba?

Tumango lang ako. Pinikit ko ang mga mata ko at hinahanda ang sarili sa torture na ipapakita nya sakin. May malakas na naman na hangin ang dumapo sa balat ko.

At nang maramdaman kong nawala na yung hangin ay minulat ko na ang mga mata ko. Laking gulat ko sa nakita ko. Akala ko ba sa mismong aksidente nya ako dadalhin. Madaming tao. Nasa ospital ako. Foreign language. Luminga linga ako para makita kung anong pangalan nito.

Osaka Medical Group.

Nagtataka man ako pero sumunod pa rin ako kay Aileen. Di ko maalala kung nakapunta na ba ako dito. Pumasok sya sa loob ng isang private room.

Kinakabahan ako di ko alam kung bakit. Napalunok ako ng wala sa oras. Nanginginig pa nga ako eh.

Pero kahit ganun may nagsasabi pa rin saking dapat akong pumasok. Nilakasan ko ang loob ko at pumasok na.

Bumungad sakin ang pinaka unexpected kong eksena. Na glue ako sa kinatatayuan ko. Tama ba tong nakikita ko? O pinapaasa na naman ako nitong mga mata ko? Lumapit ako sa kanya. Napatakip ako ng bibig. Umagos na ang mga luha.

Madaming nakakabit sa kanya at wala syang malay. Andami nyang sugat. Critical sya.

"Jush.",sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Buhay ka.",masaya kong sabi.

"Time's up.",si Aileen. At pagkasabi nya nun may bigla malakas na hangin kaya napapikit ako.

Pagkamulat ko ang unang nakita ko ay puti. Walang dudang nasa ospital ako.

Buhay si Jushtine. Dapat ko syang hanapin.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now